RTL-23

779 35 11
                                    

"Julieeeee.." Salubong sa akin ni Ate ng dumalaw ako sa bahay nila ni Kuya. Agad akong dumiretso sa anak nila na ngayon ay nag lalaro. "Bakit parang wala ka sa sarili Julie.. Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay ate at hinga ako ng malalim at naupo sa couch nila. Tumabi naman siya sa akin.

"Anong problema?"

"Ate si Charles andito sa bansa ngayon." Napahinga nalang ng malalim si Ate."Nakita namin siya ni Elmo sa Mall. Muntikan na silang mag pang abot kung di ko pinigilan si Elmo."


"I'm sorry.. Nag pumiliit kasi siya na pumunta dito sabi ko na pamahalaan niya nalang ang company doon. Nag pumilit dito." Tumingin sa akin si Ate na parang nanghihingi ng tawag sa mga titig niya.

"Wala na tayong magagawa Ate. And remember the TRO thing?" Tumango si Ate sa akin.

"Hindi si Elmo ang nag file si Kim . Para sirain kami ni Elmo and para manguna ang company nila ."



"I already know it Julie.. I'm sorry.." Napatingin ako kay Ate na nakanunot ang aking noo at tinitigan ko siya.

"What do you mean ?"



"Please wag kang magalit? Alam na ng kuya mo 'to tapos sinabi niya sa akin na pinaembestigahan niya si Kim. Di niya sinabi sayo para matututo ka sa sakit na naranasan mo . And tignan mo saan ka dinala nito. You're a woman now!" Ngumiti nalang ako at tumingin ulit kay Baby Jupiter na tulog na.


"Are you mad?"

Tumingin ako kay ate at ngumiti muna ako bago umiling."Mad? No.. Tampo maybe.." Ngumiti siya sa akin at niyakap na ako.


"So kamusta kayo ni Elmo?" Nag init ang pisngi ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ohmyg.. Pangalan palang ang nababanggit nangangamatis na 'yang muka mo." Pabiro ko siyang inirapan kaya tawa siya ng tawa.


Mag hapon kaming nag usap ni Ate. Nagulat ako ng sunod sunod ang pag parada ng sasakyan sa harap ng bahay nila. Tumingin ako kay ate na nag kibit balikat lang sa akin.

"Tara.."


"Aalis na ako ate.. May kukunin pa kasi ako sa table ko sa company. Di ko pa kasi siya tapos ma edit eh . Alam mo na duguan kasi malapit  na ang anniversary ng company." Tumango si Ate. Maya maya ay sunod sunod ang pag pasok ng mga lalaki at sunod sunod din ang bati kay Ate. Ngumingiti nalang ako pag tinatapunan nila ako ng tingin.



"Baby, uuwi ka?" Napatingin ako kay Kuya at nanlaki ang mata ko sa kasama niya. Kanina ay pinag uusapan lang namin siya ah.



"Hi ." nakangiti pa siya sa akin

"Inimbitahan ko na siya ramdam ko na kasi na andito ka sa bahay. And nag pupumilit kasi gystong makita si Baby." Tumango nalang ako sa sinabi ni Kuya.



"Mauuna na ako may gagawin pa kasi ako." Sabi ko kay Kuya at humalik muna sa kanya bago ko ayusin ang handbag ko.




"Sasama na ako." Napatingin ako kay Elmo. Habang si kuya ay binigyan ako ng mapang asar na ngiti.


Di na ako tumutol at lumabas na ako ng bahay. Nauna siya para pag buksan ng pintuan ng kotse niya. Naupo na ako at inayos ko na ang seatbelt mahirap na baka gawin niya ulit yung dati.




"Kamusta? Sorry di kita natawagan sunod sunod kasi yung meeting ko, mabuti nalang at sumama na ako sa kuya mo."




"Ayos lang naman ako. Ikaw baka pagod kana.. Ihatid mo nalang ako sa kompanya tapos mag pahinga kana. May gagawin pa kasi ako." Umiling siya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang payagan na siyang sumama sa akin.



Report to LoveWhere stories live. Discover now