"Elmo, ang clingy mo." Natatawang sabi ko habang siya ay lagay ng lagay ng kamay niya sa aking bewang.
"Guarding what's mine." Sabi niya pa at hinalikan ang aking sintido.
"Halika na at marami pa akong bibilhin na sa supermarket." Siya na ang kumuha ng cart.
Humawak ako sa cart at humawak din siya doon kaya nasa likod ko siya at nasa harap niya naman ako.
Habang namimili ako ay walang tigil ang pag amoy amoy at pag halik niya sa balikat ko. "Nanliligaw ka palang Magalona, masyado kang natutuwa. Porket di kita sinusuway." Sabi ko bago ilagay ang pasta sa cart.
"Nakaka adik ka kasi.." Kinurot ko ang braso niya kaya tumawa siya sa akin.
Marami pa kaming binili na stock sa unit namin ni Klare. Papunta na kami ng cashier para mag bayad ng may abutin siyang clover na malaki.
"Ano yan?"
"Kagabi ko pa gusto kumain nito eh. Di ko alam bakit?!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya napailing nalang ako.
"Ang sweet naman .." Napatingin kami sa likod ng pila at may dalawang babaeng na nakangiti sa amin.
"Baka naman nag lilihi ang asawa mo kuya. Tapos nalaktawan ka. Diba kasi sabi nila napapasa daw ang pag lilihi." Samang-ayon ang kasama nito sa sinabi nung babae.
Nag init ang muka ko ng marinig ko ang pag ngisi ni Elmo sa humigpit ang kapit sa bewang ko. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napahiyaw siya pero bakas padin ang saya nito.
"Sorry pero kasi di pa kami nag you know.. Sadyang nag hanap lang ako!" Ngumiti si Elmo at namula ang pisngi ng dalawa . Nag init naman ang pisngi ko pababa sa leeg ko. Napatingin din ako sa cashier na namumula din ang pisngi.
Na scan na lahat ng item na pinamili namin. Nilabas ko na ang card ko ng mauna si Elmo at na swipe niya na ang gold card niya. Sinamaan ko siya pero ngumiti lang siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.
"I love you Julie.." Ngumiti pa siya at kinurot ang pisngi ko. Tapos ay hinalikan pa ang noo ko. Ngumiti nalang ako ng mauna siyang maglakad bitbit ang pinamili namin.
Sinabayan ko na siya at humawak sa braso niya. Naramdaman ko na nagtayuan ang balahibo niya kaya napangisi ako. So ito pala ang epekto ko sa kanya.
"Relax.." Natatawa kong sabi sa kanya. Dinala muna namin ang mga pinamili namin sa parking lot para mailagay sa kotse.
Bumalik ulit kami ng mall at nag tingin tingin sa mga store. Pumasok kami sa Time Zone at agad siyang bumili ng token pinahawak niya sa akin iyon at hinila ako papunta sa basket ball.
Nag pasok siya ng isang token at lumabas ang mga bola. Tinignan ko lang siya na seryoso sa ginagawa niya. Lumapit ako sa kanyan at biglang pumalya ang mga tira niya kaya kumunot ang noo niya.
Kumuha ako ng isang bola at nag try ako pero di ko mashoot dahil kapos . Nag pout ako sa harap niya kaya kinurot niya ang pisngi ko.
Kinuha niya ang token sa akin at nilagay niya sa bulsa niya at nag lagay ulit ng isang token at nag babaaan ulit ang mga bola.
Ako naman ang pumwesto para mag shoot. Nakashoot ako ng isa kaya tuwang tuwa ako. Tinulungan na ako ni Elmo nagulat ako ng gumalaw ang ring.
"Hala, ang daya.. Bakit gumagalaw?" Inis kong tanong habang nag try parin akong mag shoot ng bola.
Nawala ako sa pokus ng halikan ako ni Elmo sa pisngi . Napatingin ako sa kanya na nakangiti pa sa akin habang ako ay nakatitig lang sa kanya.
"Pampaswerte." Simpleng sabi niya ng mag lagay ulit ng token. Pinanood ko siya at talaga naman sunod sunod ang pag shoot ng bola kaya nag cheer ako sa kanya. Umabot ng 200 ang score kaya natuwa ako.
Nang matapos ay hinalikan ko ng hinalikan ang pisngi niya. Nakita ko ang pamumula ng kanyang leeg. Doon ko lang nakita na naagaw na pala namin ang atensyon sa loob ng time zone .
Napaayos ako ng damit at napatingin ako kay Elmo na nawala ang pamumula pero bakas ang ngiti at saya sa kanyang muka. Pinalo ko siya at doon na lumabas ang tawa niya .
"Elmo.."
"Nahiya ka pa love.." Kinurot ko siya sa tagiliran ng akbayan niya ako.
Tumawa lang siya at kinuha na ang ticket . Lumabas na kami ng tawa siya ng tawa.
"Isa isasaksak ko sayo 'tong nakuha nating lapis." Kinurot niya ang pisngi ko tapos ang ilong at hinalikan niya ako sa noo.
"Ang cute cute mo kasi mamula kanina .." Natatawa pa siya sa akin.
"Ang kapal .. Bakit ikaw nga din eh namumula ka.." Pang aasar ko pero ngumiti lang siya sa akin.
"Epekto mo kasi sa sistema ko iba..."
"So nag kabalikan na pala kayo.." Napahinto ako ng makita ko si Charles na nakatitig sa akin .
"C-Charles.." Humigpit ang hawak ni Elmo sa bewang ko at napansin iyon ni Charles kaya sakit ang emosyong gumuhit sa kanyang muka.
"Tapos pag niloko ka ulit babalik ka ng Paris tapos ano? Pag magaling na yung puso mong tanga mamahalin ulit 'tong gago na 'to!" Sigaw ni Charles kaya nagulat ako sa biglaang sigaw niya.
"Ano bang problema mo ..?" Pinigilan ko si Elmo na makalapit kasi alam kong isa sa kanila ang sasabog na ang galit.
"Ikaw.. Ikaw ang problema ko.. Di ko alam kung anong pinakain mo sa kanya at di ka makalimutan. Lahat ginawa ko lahat.. Yung mga panahong iyak ka ng iyak tangina Julie sino nasa tabi mo? Yung panahong dinurog ka nung gagong yan?" Sigaw niya. Napayuko ako kasi pinagtitinginan na kami.
"Mahal kita Julie.. At ipag lalaban ko 'tong nararamdaman ko hanggang sa mamatay ako." Sabi niya at tumalikod na sa amin ni Elmo.
Hinarap ako ni Elmo sa kanya at kinulong niya ako sa bisig niya at doon kumawala ang sakit na pinag daanan ko noon.
"Shhh.." Nag lakad na kami patungo ng parking lot tahimik lang si Elmo habang hawak niya ng madiin ang kamay ko na akala mo ay kakawala ako pag niluwagan niya ang hawak.
"Elmo.." Napatingin ako sa babaeng lumapit kay Elmo. Namukaan ko ito kumunot ang noo niya pati na rin ako.
"Umalis kana ang magpapahinga pa si Julie." Madiing sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Gusto ko lang humingi ng sorry Elmo sa nagawa ko.." Iyak pa niya kay Elmo.
"Matapos mong sirain kami ni Julie? Matapos mong ipadala kay Julie na ako ang nag file ng TRO? Umalis kana bago ko makalimutang babae ka." Pinag buksan na ako ni Elmo ng pinto sasakyan niya ngumiti siya sa akin . Tumango nalang ako.
Napatingin ako kay Elmo at Kim na nag uusap pero di ko marinigang pinag uusapan nila may oras na itinuturo ako ni Elmo habang nasa loob ako ng sasakyan. Habang si Kim ay iyak lang ng iyak. Hinawi ni Elmo ang kamay ni Kim na humawak sa braso niya at agad ma pumasok na si Elmo ng sasakyan..
Ano kayang pinag usapan nila.
Napatingin ako ng tumunog ang phone ko at unknown ang number na nag text sa akin.
Agad kong binasa ang text at nanlaki ang mata ko sa text."Mahal kita ng buong buo.. At ipag lalaban kita.."
YOU ARE READING
Report to Love
Hayran KurguDo you believe in LOVE? eh sa soulmate , tandhana? kung hindi .. pwes maniwala ka na.