RTL-19

672 28 0
                                    


"T-TRO.." nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Wow.. Ano mag mamaang maagan ka pa? Kunyari di alam?" inis kong sabi lalayo na dapat ako pero hinawakan niya ang braso ko kaya napabalik ako sa aking kinatatayuan.

"Julie, makinig ka.." sabi niya habang hawak ang mag kabilang balikat ko.

"Para ano? Mauto mo? Maniwala sa sinungaling mong pag mamahal? Tsaka bakit ako makikinig sayo? Nakinig ka ba sa akin nung nag makaawa ako na makinig sa akin? Diba hindi? Anong ginawa mo? Pinag tabuyan mo ako Elmo! And now sinasabi mo na makinig ako sayo?" sigaw ko na puno ng galit habang tinutulak ko siya palayo sa akin.

"Ayos lang kayo?" mahinahong tanong ni Klare sa amin pero di ako sumagot at ganoon din ang ginawa ni Elmo.

"Paki bantayan muna si Baby Jup at mag uusap lang kami ni Julie." mahinahong sabi niya pero madiin ang bawat salitang binitawan niya.

Akala niya matatakot niya ako sa paganyan ganyan niya? Piniglas ko ang siko ko na hawak niya . Kumunot lalo ang noo niya sa ginawa ko.

"Pwede ba Elmo tantanan mo na ako? Mag move on kana.." pumait ang ngiti niya sa akin na parang di makapaniwala.

"Really Julie? Mag move on?" sarkastikong sabi niya at tumitig pa sa akin. "Makasabi ka naman ng move parang tatlong taon ang lumipas.." iritang sabi niya pa.

Nagulat ako ng hilahin niya ako palabas ng unit at dalhin sa Emergency Exit sinubukan kong tumakas pero nakulong niya na ako nasa mag kabilang gilid ko ang kanyang kamay.

"Julie, makinig ka wala akong sinampang kahit anong kaso laban sayo. Fuck nag papalamig lang naman ako ng ulo dahil sa nalaman ko.. I feel betrayed that time Julie.. Pero tanginang puso 'to hanggang ngayon hanap ka pa din. Tell me how can i moved on? Kung kada lingon ko ikaw ang hinahanap?" bulong niya habang nakapatong ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Sinong nag sampa ng TRO? Kaluluwa mo." galit na sabi ko pero di siya natinag.

"Hahanapin ko Julie.. Papatunayan ko na di ako ang may gawa noon.. Mahal kita Julie! Hulog na hulog na ako sa pag mamahal ko sayo." puno ng pag mamakaawa ang boses niya. Pero may bahagi ng utak ko na wag kaawaan si Elmo at dapat paganahin ko ang utak ko .. Di na ako pwedeng pangunahan ng lintek kong puso.

"I'm not gonna fall for that crap again.." puno ng tapang kong sabi kahit na yung puso ko gusto nang humiwalay sa akin at sumama kay Elmo.

Umayos siya ng tayo at tumingin sa akin ng may mapag larong ngiti sa kanyang labi. Sabayan pa ng kanyang mapang akit na mata. Fuck it.

"You'll gonna fall for me again.. This time harder.." sabi niya at ngumisi bago mag tanim ng nakabibiting halik sa aking labi .


Itinulak ko siya at takbo papasok ng unit . Pumasok ako sa kwarto ko.

Bumaba lang ako ng marinig ko na umiiyak si Jupiter kaya agad ako bumaba at may kumurot sa puso ko ng maabutan ko na bitbit ni Elmo si Jupiter. Tumigil ito sa pag iyak dahil sa pag hele sa kanya ni Elmo.

"Nasan sila Klare?" tanong ko habang binababa niya si baby sa crib nito.


"Nag grocery sila." humarap siya sa akin . Umiwas nalang ako at tingin at dumiretso sa kusina.

Inabala ko nalang ako sarili ko sa pag aayos ng mga gamit ni Baby.

"Holy shit." nabitawan ko ang bote na hawak ko ng pumaikot sa akin braso niya. "Elmo, ano ba.." pilit ko inaalis braso niya pero hinila niya ako palapit sa kanya at hinigpitan ang yakap.


"Please Julie.. Nag palamig lang ako ng ulo ko. Pero tangina binalikan kita Julie.." sabi niya habang nasa leeg ko nakaipit ang kanyang muka.


Napapikit ako dahil ramdam ko kasi ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.


"Elmo pwede ba.."



"Ay, nakaka istorbo ba kami." tinulak ko si Elmo this time na itulak ko na siya. Mapupungay ang kanyang mata at kagat kagat ang kanyang ibabang labi.



Nag init ang pisngi ko kaya iniwas ko ang muka ko at nahuli ko pa ang mapang asar na ngiti ni Klare.



"Kami na ni Julie ang mag luluto. Bantayan niyo nalang si Baby sa sala." pag tataboy ni Klare.



"Kanina na supermarket ang sweet mo bakit ngayon tinataboy mo na ako?" halata ang pang aasar sa tono ni Clyde kaya napatingin ako kay Klare.



"Just Shut up." inis na sabi ni Klare at tumalikod na.



"Sarapan mo yung luto wifey.. Tara na pare."



Lumakad na ako papasok sa kusina . "I love you Julie.. " nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya.



"Mahal na mahal kita. Walang mag babago doon!"





----

AN: LAME UPDATE I KNOW!
TAGAL KO NA KASING DI NAG UPDATE.

NAMISS KO MAG TYPE 😊😊
BAWI AKO NEXT CHAPTER 😘

Report to LoveWhere stories live. Discover now