RTL-21

774 33 7
                                    

AN: Dahil andami niyong nag request here na oh.

Wala nang update bukas ito na siya. Baka sa monday na next UD

----


Sumakay na siya sa sasakyan niya kaya agad akong sumakay doon. Agad niyang pinainit ang makina at mabilis na lumabas doon.

"Elmo, dahan dahan baka maaksidente tayo.." Mahinahon kong sabi pero katakot takot na kaba na ang nararamdaman ko.

Rinig ko ang mahina niyang mura at pamumuti ng kanyang kamay na nakahawak sa manibela. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako sa aura na nakikita ko ngayon sa kanya.


Nakita ko ang daan papunta sa condo unit niya di na ako nag tanong bagkus ay nanahimik nalang ako . Pag ka park niya ay lumabas agad siya nag aantay akong pag buksan niya ako ngunit di niya ito ginawa.



Binuksan ko na ang pinto at sumunod sa kanya na nag aantay sa elevator. Nanginig nanaman ako dahil bigla kong naalala ang ginawa sa akin sa elevator.


Pumasok siya doon habang inaantay akong pumasok . Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Pinindot niya ang 17th floor.

Matagal kaming tahimik pero rinig ko pa din ang mabibigat na pag hinga ni Elmo. Pag bukas ay dumiretso siya agad palabas. Sumunod ako habang hawak ko ng maiigi ang tux niya na nag tatakip ng punit kong damit.



Pag pasok niya ay hindi niya isinara kaya agad akong pumasok at ako na ang nag lock ng pinto. Dumiretso siya sa kusina niya at namataan ko siyang nag hihilamos . Tapos ay kumuha ng beer sa ref niya.

May kung anong punyal na tumatama sa aking dibdib habang umiinom niya. Para kasing di niya ako nakikita, inayos ko ang buhok ko at lumapit sa kanya. Di ko na kaya ang pag tahimik niya.


"Elmo, hey.."



"Umalis ka muna sa harap ko Julie." Parang nadurog ang puso ko sa binitawan niyang salita. Pero di ako nag patinag.

Niyakap ko siya pero di siya gumalaw , kaya diniinan ko ang kayakap ko sa kanya at sumubsob ako sa kanyang dibdib. Malakas ang tibok ng puso niya , inamoy ko din ang kanyang bango.

"I'm sorry.. Kung ano man yung nagawa ko , wag kanang magalit sa akin. Ayos lang ako di niya ako nagalaw." Mahinang sabi ko habang nakasubsob ako sa dibdib niya.

Huminga siya ng malalim at niyakap na ako ng mahigit kaya napangiti na ako."Ayos ka lang ba? Anong ginawa niya sayo?" Inangat ko ang ulo ko at muli kong hiniga ang ulo ko sa dibdib niya."Saan saan ka niya hinalikan?" Tinignan niya ang katawan ko kaya nag init ng husto ang muka ko kasi binuksan niya pa yung tux niya na nakabalot sa akin.


"Elmo.." Inis kong sabi pero pilyo siyang ngumiti. Nawala iyon at napatitig siya sa labi ko. Hinawakan niya ang gilid ng labi ko kaya napaiwas ako ng makarandam ako ng hapdi.


"Did he slap you?" Mabigat na sabi niya. Kumabog nanaman ang puso ko sa tako kaya mm iyakap ko agad siya at rinig ko ang mahihinang mura niya. "Humanda sa akin 'yong lalaki na iyon."


"Halika .." Pinatayo niya ako mula sa pag kakakandong ko at hinila papasok sa isang pinto. Puro ito kulay blue at mga poster ng NBA players.

Pinasok niya ako sa banyo at inalis ang tux niya na suot ko. Kumabog ang puso ko dahil sa mga naiisip ko na gagawin niya.


"Elmo, di pa ako handa Elmo. And naniniwala ako sa marriage before sex .." Tumawa siya ng bahagya at hinalikan ang noo ko.

"I respect you .." Ngumiti ako sa kanya. Kumuha niya ng tissue at binasa iyon ng tubig at inilapit sa aking labi na parang may binibura doon. "I hate it when someone try to get what's mine. And next time mag ingat ka kasi itong labi na 'to pag aari ko na." Ngumiti ako at tumango sa kanya na siya naman ikinangiti niya.


"Saan ka pa niya hinalikan?" Itinuro ko ang aking leeg. Itinapon niya ang tissue at kumuha ng panibago at binasa ulit ng tubig at pinunasan niya ang leeg ko. Pag katapos ay hinila niya na ako palabas at ikinuha niya ako ng T-shirt niya at inabot iyon sa akin. " Maligo ka na, bago lang yung towel ko dyan . Use my toothbrush nadin." Tumango nalang ako at pumasok na.


Pag tapos kong maligo ay wala siya sa kwarto kaya agad akong lumabas at nakita ko siyang nasa kusina at kumikilos. Dahan dahan akong umupo ako high chair at tinignan siyang kumilos sa kusina .



Pag harap niya ay nagulat pa siya ng makita ako kaya natawa ako. Lumapit ako sa kanya para tignan ang niluluto niya.



"Sinigang? Wow marunong ka palang mag luto nito? Asiman mo huh?!" Sabi ko at sinandal ko ang likod ko sa kanyang dibdib.


"Grabe di pa nga tayo nag aano. Nag lilihi kana?" Yumakap pa siya sa akin mula sa likod at nakapirmi ang kanyang kamay sa aking tyan.



"Ewan ko sayo." Sabi ko at umalis na sa harap niya para makapag luto na siya.



"Hey.." Lumingon ako sa kanya. "Bagay sayo ang t-shirt ko! I love it.." Kumindat pa siya at tsaka tumalikod agad naman na nag init ang pisngi ko . Habang siya ay tumatawa pa.



"Ang sarap.." Masaya kong sabi habang humihigop ng sabaw . Naka pangalumbaba lamang siya sa akin habang may ngiting nakapaskil sa kanyang labi.



"I love you." Nabulunan ako kaya agad niya akong inabutan ng tubig. "Ayos ka lang?" Natatawang sabi niya, sinampal ko ang braso niya kaya lalo siyang natawa.



"Wag kang nambibigla." Panangdilatan ko siya ng mata.



"Okay, I.. Love... You.." Bawat linya niya ay mabagal kaya napatitig ako sa kanya na seryoso pero may ngiti sa kanyang labi. Hindi mapang asar na ngiti ngunit tunay na ngiti.



"Ligawan mo muna ako." Natatawa kong sabi at tumayo para ilagay sa lababo ang aking pinag kainan.



"Masusunod mahal na reyna.." Bulong niya pa at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti nalang ako at tinignan siya nakangiti din.


SA sumunod na araw ay pumasok na ako sa trabaho ko kahit na tutol siya dahil nga sa nangyari sa akin. Pero di ko pwedeng iwan ang kompanya ni Ate.



"Julie, pag may nangyari sayo .. Sinasabi ko sayo makakapatay ako." Sabi niya andito kami ngayon sa kotse niya at ihahatid niya ako. Di kasi siya kampante. One week na nga akong nag leave eh.


"Wag ka ngang OA Muppet!" Sabi ko pa at kinurot ko pa ang ilong niya lalong ikinakunot ng noo niya.



"Wag kanang OA. Ito na nga oh ihahatid mo na ako hanggang opisina ko? Para masigurado mo?" Huminga siya ng malalim at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.



"Ayoko lang na maulit yung dati! Di naman kita mababantayan buong trabaho mo kasi kaylangan din ako sa opisina ko."




"Mag tetext ako sayo. And baka sa opisina ako ngayon ni Ate kasi may tatapusin akong Report."



Hinatid niya na ako hanggang sa floor ng opisina ni ate marami ang napapatingin at marami din ang nag bubulungan.



Pag bukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Kuya na namumutla. Pag ka kita niya sa akin at doon siya nakahinga ng maluwag.



"Ayos ka lang? Nasabi sa akin ng guwardya ang nangyari. Anong ginawa ni Edward sa iyo? Pinakulong ko na siya."



"OA number two. Okay lang ako kasi dumating si Elmo."
Huminga ng malalim si Kuya at tinignan si Elmo.


"Mauuna na ako sa meeting! Ikaw Elmo? Kasama ang kompanya niyo right?" Tumango si Elmo naupo na ako sa aking bangko.




Lumabas na si Kuya at si Elmo ay naiwan pa , tinaasan ko siya ng kilay at nag tatanong kung bakit di pa siya umalis.




"Sabay tayong mag dinner mamaya. Wag kang lalabas sa opisina na ito. Dito kita susunduin , maliwanag ba Julie?" Nakapatong sa lamesa ang mga kamay niya at bahagyang nakayuko sa akin.



"Yes po." Ngumiti ako. Nagulat ako ng halikan niya ako sa labi at kuminday bago umalis.



Habang yung puso ko ay walang tigil sa pag tibok na parang first time .


Report to LoveWhere stories live. Discover now