RTL-13

723 28 6
                                    

"Anong nangyayari sayo baby?" agad kong niyakap si Ate Alice at umiyak ako habang yakap ko siya. Dito na ako tumakbo alam kong gagaang ang loob ko pag nailabas ko 'to kay Ate.

"Nalaman na ni Elmo ate.. Kung ano talaga ako, yung trabaho ko yung koneksyon ko sa company mo kay kuya.. Galit na siya sa akin . Tinaboy niya ako ate di niya na ako pinag paliwanag" sabi ko at humiga sa kanyang hita. Sinuklay niya ang buhok ko habang nakatingin sa akin . Pero puro hikbi at nasagot ko sa tingin niya.

"Baby, baka naman kaylangan lang ni Elmo ng space para makapag isip. Bakit ba di mo nasabi kung ano talaga ang pag katao mo? At kaylangang umabot sa ganto?"

"Sasabihin ko naman talaga ate eh kanina dapat aamin na ako. Kaso di ko masabi nakikita ko kasi yung saya niya ayokong sirain yun . Tapos may kumaibigan sa akin yung Ex ni Elmo na reporter din galing sa ibang company."

"Mag pahinga kana.. Bukas kausapin mo si Elmo mag paliwanag ka ng maayos." tumango ako at niyakap ko si Ate .



"I'm sorry ate.. Sorry Baby narinig mo yung iyak ni tita.." sabi ko at hinawakan ang tyan ni Ate.



~~~~~•••~~~~~




"Ibigay mo na ang slot ni Julie sa paris.." nagising ako sa lakas ng boses ni Kuya . Wala na din si Ate sa tabi ko, tumayo ako at akmang bubuksan ang pinto ng maring ko ang sagutan nila ni Kuya.


"Bakit?"

"Nasaktan niya na ang kapatid ko. At kung patuloy na hihingiin ni Julie na makausap si Elmo ay di ako papayag."



"Bakit ba ? Hayaan mong mag usap yung dalawa ! Wag kang makielam.. Problema na nila yun! At ano papaalisin mo si Julie? Mag mumukang guilty si Julie kung gagawin niya yun! At pag iisipan pa ni Elmo na totoo na ginamit lang siya ni Julie. Vince mag isip ka nga.." mahabang sabi ni ate.


"Alice makinig ka.. Nag sampa si Elmo ng TRO kay Julie . Please baby! Ayokong masaktan si Julie pag lumapit siya kay Elmo."

May kung anong dumagan sa dibdib ko sa mga narinig ko kay Kuya. Ganoon naba ka laki yung kasalanan ko kay Elmo? Bakit parang andaling mag sampa ng ganoon sa akin? Ganoon ba kalaki ang galit niya sa akin?



Lumabas ako at parehas tumingin sa akin si Kuya at Ate na may pag kaawa sa pag tingin nila sa akin.



"G-Good Morning.." pinilit ko na pakalmahin ang panginginig ng boses ko at pilit ko 'tong pinasigla.



"Julie.."



"Uuwi na ako kuya.. Di kasi ako nakapag text kay Klare baka mabaliw yun kakahanap sa akin.." pag bibiro ko para di nila makita na halos nahihirapan na akong buoin ang nasa loob ko durog na durog na. Ngumiti ako at tumalikod na sa kanila kasi konting minuto nalang ay tuluyan nang bumagsak ang luha ko.





"Baby.." mahinang sabi tawag sa akin ni Kuya.




"Maliligo na ako kuya.." sabi ko at isinara ang pinto at doon na kumawala ang luha ko.

Pag tapat ko sa shower ay kasabay ng pag agos ng tubig sa aking katawan ay ang aking pag iyak. Bakit naman ganto? Kung kelan hulog na hulog na ako tsaka naman mangyayari 'to?



Mabuti nalang at may damit ako dito di ko na kaylangang manghiram kay Ate . Pag labas ko ay sabay tumayo si Ate at Kuya, kita ko ang sakit sa nararamdam ni kuya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya !




"Alis na ako kuya.."


"Ihahatid na kita.." nauna siyang at humalik muna kay ate bago umalis.


"We love you baby.." tumango ako at pumasok na sa sasakayan ni Kuya. Tahimik lamang ako habang si kuya ay naka focus ang tingin sa daan.





Pag karating ko ay wala si Klare kaya dumiretso na ako sa kwarto at doon nanaman umatake ang sakit na nararamdaman ko.


Bumangon ako ng gabi na , pag labas ko ng kwarto ay wala padin si Klare . Naupo lamang ako sa sofa at huminga ng malalim.



Gusto kong makausap si Elmo.. Nag bihis ako at pumunta sa building nila pero hinarang agad ako ng guard at nginitian ako ng malungkot.



"Kuya, sige na.. Gusto kong makausap si Elmo.. May sasabihin ako!" pag mamakaawa ko pa , umiling lang siya sa akin at iniwas ang tingin tuluyan na akong naiyak . Talagang ayaw niya akong kausapin, ayaw niya akong makita?



Tangina ang sakit!




Dumiretso ako sa pinaka malapit na bar at doon ko nilabas ang nararamdaman ko. Ang sakit ganoon nalang yun? Sasabihin niyang Mahal niya ako pero di niya pinakinggan ang nararamdaman ko? Matatawag ba na pag mamahal yun?




"Kuya isa pa.." nag dadalawa na siya sa paningin ko.




"Ma'am wala po kayong kasama tsaka nakakarami na po kayo.." kumirot ang ulo ko at yumuko na lamang ako. Sinubukan kong kunin ang cellphone ko .




Tinawagan ko si Kuya naka ilang ring bago sumagot . Bakit di siya nag bubunganga? Well baka naman hinihintay akong mag salita.




"Kuya.. Sorry kasi pumunta ako sa building nila Elmo.. Sinubukan ko lang naman na kausapin siya eh. Akala ko gawa gawa mo lang yung pag sampa niya ng kaso.." isa isa nang nag bagsakan ang luha ko. Ang sakit talaga.



"Kuya , ayaw niya na talaga sa akin. Bakit ganoon kung kelan mahal ko na siya kuya.. Kung kelan mahal ko na siya." sabi ko tinakpan ko ang bibig ko at pilit wag kumawala ang hikbi ko.





"Ang sakit ... Di man lang niya pinakinggan yung tawag ko. Di man lang niya ako pinakinggan yung sasabihin ko.. "






"Mahal ko na siya kuya.. Pero galit na ang mahal ko sa akin.." iyak ko pa.




"Damn it Julie nasan ka.."


"Ano ba yan kuya bakit kaboses mo siya? Nahihibang na yata ako.. Sig-" namatay ang tawag at namatay na ang phone ko ano bayan lowbat na ako.




"Isa pa kuya.. Parating na kuya ko para sunduin ako.." binigyan naman niya ako. Tuluyan nang umalon ang paningin ko.




Tumayo ako nasusuka na ako pero umaalon talaga ang paningin ko at sumabay ang sakit ng ulo ko.




"Julie.." pag harap ko wala na akong makita hanggang sa tuluyan nang nag dilim ang paningin ko.






~~~~~•~~~~~






Nagising ako na nasa kwarto na ako. Sobrang sakit na ng ulo ko. Tumingin ako sa side table ko at meron doon gamot para sa sakit ng ulo. Agad ko yung ininom at nahiga ulit pag katapos kong inumin ang tubig.


Bumukas ang pinto at niluwa nito si Kuya na masama ang Aura . Ano bang nangyari? Habang iniisip ko ay sumasakit lang ang ulo ko kay di ko na pinilit pa.





"Pupunta ka ng Paris at doon ka.." di na ako sumagot pa at tumango nalang ako .



Siguro kaylangan ko nang lumayo para makalimutan ko na siya. Para hanggat maaga pa ay di na tuluyang madurog 'tong puso ko.




Tama na 'tong sakit na nararamdaman ko sa pag punta ko ng Paris. Tama na 'tong bagaheng dala ko ayoko nang dagdagan pa .




"Okay.." mahina kong sabi na parang lalong dumurog sa pag katao ko.


Magiging ayos din ako..

Report to LoveWhere stories live. Discover now