RTL-9

703 23 6
                                    



"Ma'am Julie. Pinapatawag po kayo ni Ma'am Arise sa opisina po." tumango ako at niligpit ang mga report ko at inayos ko muna ang table ko at dumiretso na ako sa opisina ni Ate.

Kumatok muna ako bago isinungaw ang aking ulo. At andun si ate sa kanyang table at naka pangalumbaba at parang aligaga ang utak base sa kanyang mata.

"Ate.." tawag ko sa kanya na di manlang naramdaman ang pag pasok ko.

Doon ko palang nakuha ang atensyon niya. Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin. Naupo naman ako sa bangko sa harap ng lamesa ni ate.



"May sasabihin ako sayo Julie." may umusbong na kaba sa aking puso ng sabihin iyon ni Ate sa akin. Binuksan niya ang bag niya at may bilabas na mukang thermometer na kulay puti. Tumingin ako sa kanya ng may pag tataka, inilapag niya ito sa aking harap at doon ko napag tanto na PT pala ito. Tinitigan ko ng mabuti at tsaka nag sink in sa akin lahat.

Positive , Two red lines ..



Napatingin ako kay ate na kagat kagat ang labi niya "Alam na ba ni kuya?" umiling siya sa akin.


"Kanina lang ako nag PT ! Two months na kasi akong di dinadatnan. Samahan mo akong pumunta ng OBgyne bukas . Para mas sure .. wag muna nating sabihin kay Vince. Okay?" tumango at at yumakap kay ate.



"Kung sakaling mag kakababy na kayo paano na ako?" napangiti si Ate sa akin at hinawakan ang pisngi ko.



"Baby parin kita. Syempre tutulungan mo akong mag alaga kay Baby..." sabi niya at hinawakan niya ang di pa kalakihang tyan.




"Holy Shit.." sabi ko ng ibuga ni Klare ang mash potato na kinakain niya.


"Buntis si Ate Arise?" nanlalaki ang mata niya at uminom ng tubig. Na kwento ko kasi sa kanya ang nangyari kaninang umaga.




"Di pa naman sure.. Bukas nga ay tutungo kami sa OB para mag patingin siya. Di pa nga namin sinasabi kay Kuya eh." sabi ko at kumain ng Fries .



"Damn it Klare.." inis ko sabi ng bumuga nanaman siya ng mash potato niya . Di niya ako inintindi bagkus ay may itinuro lamang siya sa aking likuran. Lumingon ako at isang gwapong nilalang ang lumapit sa amin na may mapang akit na ngiti.




"Hi Julie." paano niya nalamang andito ako? Di ko naman siya tinext tapos di naman siya tumawag. "May hinihintay kasi akong client ngayon at na cancel siya . Tapos nakita kita kasama ang kaibigan mo so lumapit na ako." nakangiti pa din siya. Nang sagutin niya ang tanong ng utak ko.


"Pwede?" tumango agad si Klare at inalis niya ang bag ko at doon naupo si Elmo. Namula ang muka ko sa ginawa ng kaibigan ko.


"I'm Klare by the way.. Best friend ni Julie." inabot naman ni Elmo ang kamay niya .




"Elmo.." tumango si Klare at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.



"Saglit lang huh? Tinatawag yata ako ni Obama.." agad siyang naka alis at iniwan kaming dalawa ni Elmo.





"Na miss kita." basag niya sa katahimikan naming dalawa. Nag init ang muka ko kaya di ako makaharap sa kanya dahil paniguradong para akong kamatis sa sobrang pula.




"N-Na miss d-din k-kita.." mahina pero alam kong sapat iyon para marinig niya. Di siya nag salita kaya napa angat ang ulo ko at nakita ko agad ang pares ng kanyang mata na pagod at puyat . Malalim na din ang itim ng kanyang mata siguro sa trabaho niya? Kasi isang linggo na simula ng huli naming pag kikita at pag uusap. Abala siya ganoon din ako.


"Worth it yung pag punta ko dito sa coffee shop na 'to kahit na cancel ang ka meeting ko. Kasi nakita ko ang ka meeting ng puso ko."  hahampasin ko na sana siya ng nabitin sa ere ang kamay ko. Ibinaba ko na lamang iyon at namula nanaman ang aking pisngi.



"Corny mo." sabi ko at kumain ng Fries kahit na naiilang ako sa pag titig niya sa akin.



Sabay kami lumabas ng Coffee shop. Nag lakad lakad kami sa Mall nag maka tanggap ako ng text kay Klare na nasa condo na siya. Nang iwan talaga ang babaeng yun.



Napadaan kami sa book store agad akong inakit nito at ang aking mga paa ay kusang pumasok doon. Nakasunod pa din si Elmo sa akin siya pa ang nag bukas ng pinto para sa akin. Nginitian ko na lamang siya.




"Book worm ka pala?" napatingin ako sa kanya na tinitignan din niya ang libro na aking tinitignan.



"Divergent Series?"


"Tara na nga.." sabi ko at hinila siya paalis sa stand na yun. Natigilan ako ng himigpit ang hawak niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.



Sinubukan kong alisin ito pero nginitian niya lang ako. "I love to hold it tight .. Baka kasi pag nabitawan ko may umangkin agad." sabi niya na nag pa tindig ng aking balahibo. Pinag siklop niya pa ang kamay namin at hinalikan niya ang likod ng aking kamay.






Nag wala nanaman ang lahat ng lamok at paru paro sa aking kalamnan . Gusto kong mag tatatalon sa tuwa dahil sa ginawa niya.




"Pwede ka ba sa Monday? Hinahanap ka kasi nila Mommy.. Okay lang ba? Nangungulit kasi dalhin daw kita sa bahay." sabi niya na nag kakamot ng batok at di parin binibitiwan ang kamay ko.




"Sure.." ngumiti siya at ngumiti din ako.


"Paano kita nalang tayo sa Monday. Sunduin kita ng 7 am okay?" tumango ako at sinubukang kunin ang kamay ko pero humigpit ang hawak niya.




"Elmo.."




"Ay sorry.. " sabi niya at binigyan pa ako ng pilyong ngiti. "Akala ko kasi kasama kang uuwi sa Condo ko."



"Ewan ko sayo.. Ingat ka sa pag mamaneho. Mag text ka sa akin para malaman kong okay ka." sumaludo siya habang naka nguso sa akin. "Anong nginunguso mo dyan?"
Tanong ko .




"Pwedeng.." ngumuso siya sa akin at ngumiti pa.




"Tumigil ka nga mamaya may makakita sa atin ma isyu kapa." sabi ko at tinignan ang magiging reaksyon niya.


"Fine. Pero pag naging tayo na wala akong itatago sa media ipangangalandakan ko pa na akin ka." napailing nalang ako sa kanya . Umikot siya pa tungo ng Driver side ng tawagin ko siya.






"Elmo Thank you for everything.. And for waiting .. Konti nalang!" sabi ko at agad na tumakbo. Bago niya pa ako mahabol ay sumara na ang elevator sa Ground floor at pinindot ko na ang tamang floor sa unit namin. Nang mag ring ang phone ko.





"Always welcome.. And willing akong mag hintay Julie basta ba ikaw." napangiti ako sa boses niya na bakas ang kasiyahan. "I love you.. Sana maka tulog ako ng maayos na di napagkakamalang baliw kakangiti."





"I love you Too Elmo.." sabi ko at agad kong pinutol ang linya.






---

AN: Hallow guys..
Gusto ko lang sabihin na medyo nabuhayan ako sa tweet ni Moks na mag hintay lang sa pag babago ng mundo. 😂

Have a safe day a head medyo masama ang panahon.


Vote and Comment para mas ganahan ako mag update. 👊✌😘

Report to LoveWhere stories live. Discover now