RTL-34

665 31 3
                                    

Third Person's POV




"Why.?"  may kung anong dumurog sa puso ni Julie ng marinig niya ang boses ni Elmo na nasa bandang likuran niya. Kahit na parang inugat na ang paa niya at ayaw nang kumilos ay pinilit niya itong harapin. Pero ng makita niya ang namumula at nag babadyang luha sa mata ng binata ay di niya na napigilan pa ang kanyang emosyon.



Lumapit ang binata pero agad humakbang palayo si Julie. Pero di natinag si Elmo at agad naman nilakihan ang hakbang sa pagitan nila at niyakap ang dalaga.




"Bakit ka aalis?" Hinigpitan ni Elmo ang kanyang yakap kay Julie na nag pupumiglas sa yakap niya.




"Elmo.. ano ba.. tinatawag na yung flight ko.. bitawan mo ako.."  nag pupumilit kumawala si Julie pero di pumapayag ang binata.




"Give me one good reason kung bakit ka aalis.. one good fucking damn reason Julie.. and I'll let you go.." may kung anong punyal na tumusok sa dibdib ng dalaga ng marinig niya ang pag piyok ng boses ng kanyang nobyo.





"Walang rason.. b-bitawan mo ko.." matapang na sabi ng dalaga pero bumigay parin ang kanyang boses.





"Then I won't let you go Julie.. hear that?? I won't.." humigpit ang yakap ni Elmo kaya tumigil na si Julie dahil talagang di siya makawala.





"Please.. aalis na ako.. Elmo.." tuluyan na ngang bumigay ang dalaga.





"Julie.. bakit ka aalis? Maayos naman tayo diba?" Umiyak na din si Elmo .




Napatingin si Julie sa paligid na talaga naman naaagaw na nila ang atensyon ng mga tao.




Huminga ng malalim si Julie bago tinulak muli si Elmo nang maramdaman niya na lumuwag ang pag kakayakap nito sa kanya.



"KINAKAIN AKO NG KONSENSYA KO.. KUNG MAGIGING MAKASARILI AKO SA PAG MAMAHAL KO SAYO MAKAKASAKIT AKO.. MADADAGDAGAN KO YUNG SAKIT NA NARARAMDAMAN NIYA.." Sigaw ng dalaga sinubukan siyang hawakan ni Elmo pero agad niyang iniwas yung kamay niya. "KAYA KONG TIISIN 'TONG SAKIT NA 'TO.. KESA HABULIN AKO NG KONSENSYA KO NA PAGIGING MAKASARILI KO." napaluhod na si Julie dahil sa sakit na nararamdaman niya.






Agad naman ding lumuhod si Elmo at niyakap ang dalaga na nakayuko nalang sa tuhod nito habang umiiyak.




"Niloko niya tayo Julie... wala siyang sakit.. kinasabwat niya lahat .. " umangat ang ulo ni Julie na kunot ang kanyang noo.




"What do you mean..?"




"Pinaikot niya tayo sa kamay niya. Nag paggap siya na may sakit para makuha niya ako. At paniguradong may sinabi siya sayo kaya ka aalis Julie.. " pinunasan ng binata ang natitirang luha sa mata ng dalaga. "And I'm sorry kasi di ko sinabi sayo kaagad.. kumalap pa ako ng ebedensya para mahuli siya.. sorry umabot pa sa ganto." tuloy tuloy na umagos ang luha ni Julie habang yakap niya na si Elmo.




"Aalis ka pa din ba.." humigpit ang yakap ng dalaga sa binata. At lalong umiyak napangiti naman siya dito. Hinugot niya ang box na pula sa kanyang bulsa at napasinghap ang lahat ng makita ito. Pati ang mga media na andoon.










"Yes.. aalis pa din ako.."
Nanlumo ang binata sa sinabi ng dalaga. Tumayo na sila at inayos na ang kanilang sarili.


"Julie.." humarap ang dalaga sa kanyang nobyo at napatakip siya sa kanyang bibig. "This time ako naman ang bigyan mo ng assurance na babalik ka.. na babalikan mo ako.. na mag papakasal pa tayo na.. na mag kakapamilya pa tayo bubuo ng maraming anak.." umiyak na ang dalaga habang ang media at mga tao ay nag aantay sa kanyang isasagot.










"No.." iling iling na sagot ng dalaga. Napuno ng bulungan ang paligid sa sagot ni Julie. "Ayokong mag antay ka.. " naiiyak na sabi ng dalaga.





"J-Julie.."





"I think i don't deserved you anymore.. I'm immatured.. childish.. "




"No..no.. baby.. don't say it.. kahit immatured ka kahit childish kapa.. mahal kita.. kahit brat ka.. wala akong pake.. mahal kita.."







Umiling ang dalaga bago bumitaw kay Elmo at ngumiti.. "We need this.. I love you always remember that.. and you'll always be the one who hold the key to my heart.." tanging sabi ni Julie at hinalikan ang pisngi ni Elmo bago tumalikod at kumuha ng panibagong flight..






^^^^^^*^^^^^





AN: LAST TWO CHAPTERS ..
MAIKLI?

SINADYA KO TALAGA HAHAHA 😂


ENJOY!

Report to LoveWhere stories live. Discover now