RTL-5

811 25 1
                                    



"Hija, ito damit ni Haley hiramin mo muna. Tabi nalang kayong matulog" ngumiti ako at tinanggap ang damit .

"Salamat po.."

"Magbihis kana at parating na si Kimmy." tumango nalang ako sino kaya yung Kimmy.

Nawala sa utak ko ang pagiisip ng may marinig akong kumatok. Sumungaw ang ulo ng kapatid ni Elmo na babae . Ang ganda niya parang hindi mayaman dahil napaka simple niya kumilos.


"Hi.." sabi niya sa akin at inayos ang salamin niya sa mata. "Pwedeng pumasok?" napangiti nalang ako. Diba dapat ako ang nag tatanong kasi kanya 'tong kwarto.



"Bakit nag papaalam ka? Eh sayo kaya 'tong kwarto.." ngumiti siya sa akin at pumasok at naupo sa kama niya .


"Ate, kung sasaktan mo ang kuya ko pwede bang lumayo kana." natameme ako sa bigla niyang pag sasalita . Kumabog ng malakas ang puso ko na parang gustong kumawala.



"Huh.? Ano kaba.. Boss ko ang kuya mo.. Tsaka di niya ako girlfriend.." yumuko at at napahinga ng malalim.




"Ganoon ba? Kasi dati na nangako ang kuya ko na pag may dinala siyang babae dito sa bahay, yun na ang babaeng papakasalan niya. And for the recond ikaw yun.."




"Hindi , mali ang iniisip mo.. Sekretarya lang ako ng kuya mo. Tsaka akala niya kasi may nangyaring masama sa Mommy at Daddy mo. Sinama niya lang ako kasi natataranta na siya." jusko naman kinakabahan ako sa mga linyang sasabihin ko. Natatakot ako na baka kung ano ang masabi ko.


"Okay.." ngumiti siya kaya na ibsan ang kaba na nararandaman ko ngayon. "Tara na at andyan na sila Kimmy.."tumango ako at ngumiti.





Pag dating namin sa sala ay isang cute na cute na batang babae na nakikipag laro sa Mommy ni Elmo ang nakita ko. Sobrang puti na akala mo gatas tapos ang sarap niya sigurong yakapin kasi ang taba tapos kulot ang laylayan ng buhok.



"Oh, ayan na pala ang bisita natin.. Kristine siya nga pala ang kaibigan ng kapatid mo.. Julie si Kristine panganay ko and ito nga pala si Kimmy anak niya." ngumiti ako sa ate nila Elmo . Ngumiti naman siya sa akin habang ang baby niya ay nakatingin lang sa akin.



"Nasan si Papa?" sigaw niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko.

"Huh.?" sumimangot siya sa akin . Pero ang cute cute padin .



"Kimmy.." tumindig lahat ng balahibo ko ng marinig ko kung sino ang nag salita banda sa likuran ko. Di ko kayang lumingon nahihiya parin ako sa pag haha-- .. Iniling ko ang ulo ko para mawala pero di tumalab mas lalo ko lang naalala ang bawat ditalye.



"Ayos ka lang?" lalo akong kinabahan ng bumulong siya sa aking tenga at humawak pa sa aking likod. Fck, fck ano ba 'tong nararamdaman ko.



Lumayo ako ng mapansin kong nakatingin ang Mommy ni Elmo sa aming dalawa. Di ko na alam kung anong itsura ko malamang namumutla na ako.




"Papa Elmo.." doon nawala ang tingin ng Mommy ni Elmo ng tumakbo na si Kimmy patungo kay Elmo. Di ko alam kung uupo ako oh lalabas . Bakit ba kasi ako pumayag na dito matulog?




"Hi Baby.. Good girl kaba? Kung hindi di ko ibibigay ang gift mo.." napatingin na ako sa gawi ni Elmo. Ang sweet niya kasi sa bata.






----




Andito ako ngayon sa pool side nila tinawagan kasi ako ni kuya kung nasaan na ako. Nakalimutan ko kasing tumawag ang saya kasi kalaro ni Kimmy. Yes , close na kami kahit papaano.


Report to LoveWhere stories live. Discover now