"Miss Julie.. Interview 3pm.. and Mr. Cruz want to talk to you.." tumango ako sa aking secretarya.
Huminga ako ng malalim it's been a week since nung umalis ako sa pilipinas. Naupo ako ng maayos ng makita kong tumatawag si Klare via skype.
"Hi.." ngumiti ako at kapiranggot na ngiti lamang ang ibinigay niya sa akin. "Kamusta?"
"Sino ako.. o siya?" Inirapan ko siya pero ngumiti lamang siya. "Ano..?"
"Syempre ikaw.."
"Ayos naman ako.. bakit di mo itanong kung kamusta na siya?"
"Fine.. k-kamusta na siya..?" Ngumiti si Klare at kumindat pa sa akin.
"Well since wala na kayo.. at tinanggihan mo ang pag alok niya ng kasal. Nag eenjoy lang naman siya ng buhay binata niya. At busy makipag date.?" May kung anong punyal na tumama sa puso sa mga sinabi ni Klare. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"G-Good .. f-for.. him.. by the w-way .. i-i have.. t-to g-go.." tanging sabi ko at pinatay ko na ang tawag niya. Di ko na hinintay pa ang sagot ng kaibigan ko dahil di na kaya ng boses kong mag panggap.
Tuloy tuloy nang dumaloy ang luha ko habang nakayuko ako. Ang sakit sobrang sakit alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ko nararamdaman 'to . Alam kong ako ang may kasalanan kaya nabitawan ko na si Elmo.
Pero bwiset na yun ang bilis naman niyang makahanap ng iba. Habang ako gabi gabi ko siyang iniisip.. gabi gabi kong tinitignan ang facebook niya. Bwiset siya..
Inayos ko na ang sarili ko bago pumunta sa opisina ng boss ko. Pag pasok ko ay dumiretso ako sa sofa habang siya ay nag babasa ng papel na nasa harap niya.
"To rude for just a simple employee.."inirapan ko si Charles na ngiting ngiti.
"Bakit mo ba ako pinatawag?" Binitawan niya ang papeles niya at humarap sa akin. Binaba niya ng kaonti ang kanyang salamin sa mata na parang sinusuri ako.
Siya agad ang tinawagan ko ng bumalik ako dito. At sinundo naman niya ako sa airport. Kasama ang kanyang mapapang asawa. Nag sorry siya sa mga nagawa niya noon at nag sisi na siya.
"Alam mo Julie kesa takbuhan mo yung problema niyo ni Elmo sa relasyon niyo bakit di mo harapin yan. Ang pag tanggap sa kasalanan o pag kukulang ng bawat isa sa inyo ay pag papakita na maturity." Tumingin ako sa kanya na kapangalumbaba. "Kesa naman iyak ka ng iyak sa opisina mo kasi may nalaman ka tungkol sa gago mong boyfriend."
"Mas gago ka .." inirapan ko siya kaya natawa siya .
"Oh.. it's three diba may interview ka? Unang major work mo malalate ka?.." tumingin ako sa orasan at natataranta akong iniwan siya bago binato ng crumpled paper sa muka.
"Miss Julie.. kanina pa po nag aantay ang kukuhanan mo ng interview.. medyo nag mamadali po kasi may kasal pa po siyang dadaluhan." Shit..
Pag pasok ko sa kwarto ay naka set up na lahat. Nakatalikod ang lalaking kukuhaan ko ng interview. Ang sabi nila malaki ang naiambag nito sa kompanya nila Charles. At bihira lang daw ito mag pa interview. Napangiti ako ng mapaet ng maalala ko si Elmo.
"I'm sorry.." sabi ko. Habang unti unting umiikot ang upuan ay siya naman unti unting pag lakas ng kaba sa aking dibdib.
"Ayos lang .. sanay na akong mag hintay.." bumigat ang puso ko ng marinig ko ang tinig na matagal ko nang inaasam na maranig. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin ng pero biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ng secretary ko na may dadaluhan pa itong kasal.
Kaya ba naka white tux siya? Ikakasal na siya? Bwiset talaga 'tong lalaki na 'to ano isasampal niya sa akin na ikakasal na siya habang ako durog na durog? Sabagay ako naman ang may kasalanan. Pero ang sakit..
YOU ARE READING
Report to Love
FanficDo you believe in LOVE? eh sa soulmate , tandhana? kung hindi .. pwes maniwala ka na.