"Julie ano ba.." hinila ni Klare ang braso ko pero sinikap ko na wag lumabas ang luha ko na gusto nang kumawala kasi gulong gulo na ako. Ayokong maging selfish.. mamamatay na yung tao ipag kakait ko pa ba?
"Lets go.." sinikap kong ngumiti at wag pumiyok pero halata ang pag aalala niya sa akin.
"Come on .. ano lalayo ka nanaman? Mag kakasakitan nanaman kayo? Julie.. ayusin mo ano ba sinabi sayo ng babaeng 'yon?" Napapadyak pa siya sa inis at tumulo na ang luha niya.
"Bebs.." niyakap ko na siya at naiyak na ako sa kanyang braso . "Wala na ba akong karapatang sumaya.. papasayahin ako pero saglit lang?.. ipapatikim lang sa akin kung paano maging masaya tapos babawin din agad?" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Di ko na kaya.." hikbi naming dalawa ang naririnig ko.
"Wag muna tayong bumalik sa condo.. dun muna tayo sa condo natin." Tumango siya at tahimik namin tinahak ang daan papuntang parking lot.
Pinatay ko ang aking telepono at dire diretsong pumasok sa kwarto ko at doon ko binuhos ang lahat ng nararamdaman ko.
Di ko alam ano pipiliin ko. Yung kasiyahan ko o kasiyahan ng taong saglit nalang dito sa mundo. Ayokong ipag kait yun pero .. tangina andaming pero.
Pero masasaktan ako.
Pero ako ang durog .. puso ko ang durog dito.
Nakatulog ako kakaisip sa kung ano ang gagawin ko. Nagising ako na madilim na. Tumayo ako at lumabas ng kwarto wala akong naabutan bukod sa Sticky note ni Klare sa Ref.
"May niluto akong ulam init mo nalang. I love you! I know you need space kaya mag O-OT ako ngayon para mag isa kalang dito sa Condo."
-Klare
Huminga nalang ako ng malalim at lumabas ng balkunahe para mag pahangin. Naupo ako doon at nilapag ko ang isang baso ng tubig sa lamesa.
Nag flashback lahat ng nangyari sa ospital ng pumikit ako. Yung mga sigaw ni Kim habang iniinda ang sakit niya. At ang mga salita na magiging bangungot ko na yata.
Kailangan ba talagang mag paraya ka para maging masaya yung isang tao?
Napapikit nalang ako ng may panibagong luha ang tumulo sa aking mga mata. Niyakap ko nalang ang aking tuhod ng bilang humangin ng malakas.
-**-
"Ma'am andyan po si Sir Elmo sa labas.." napahilot ako sa aking sintido. It's been a week simula ng iawasan ko si Elmo. Bumabagabag pa din kasi yung mga sinabi ni Kim.
"Paki sabi na busy ako.. mag tetext ako sa kanya pag magkikita na kami." A week no text , call and talk.. sumandal ako sa aking bangko ng marinig ko ang pag kabasag ng kung ano sa labas ng opisina ko. Napapikit nalang ako ng marinig ko pa ang sigaw niya.
Alam kong di siya makakapasok kasi nag palagay ako ng body guard kay Kuya.
"I'm sorry Elmo.. sorry kasi mahina pa din ako.. sorry kasi ang gulo gulo ng utak ko. Sorry kasi di ko na alam gagawin ko."
Inabala ko nalang ang sarili ko sa trabaho sa mag hapong iyon. Nang umabot na ako ng gabi kung di pa sumilip ang bodyguard ko. At sinabihan ako kung anong oras na.
Inayos ko na ang nakakalat na report sa lamesa ko. Kasi halos akuin ko na lahat ng trabaho ni ate buti nalang at naintindihan ni Kuya ang dahilan ko na wag nang pag trabahuhin si ate kasi mag kakababy ulit sila.
YOU ARE READING
Report to Love
FanfictionDo you believe in LOVE? eh sa soulmate , tandhana? kung hindi .. pwes maniwala ka na.