RTL - 15

738 28 5
                                    

Mag iisang linggo na akong binabagabag ng mga prisensya ni Elmo sa paligid di ko alam kung bakit tuwing may bumabanggit ng Elmo or nababasa ko sa paligid grabe ang kabog ng puso ko.

"Ms. Julie.. kaylangan na pong ma edit yung interview kaylangan na po ni Sir.." ngumiti ako kay Mika. Ito ang maganda kay Ate Alice kasi di siya kumuha ng ibang lahi puro filipino ang kinuha niya para mag trabaho sa kompanya .

" Bet ka talaga ng boss natin.. bakit kasi ayaw pang sagutin." umiling nalang ako at ngumit bago binitbit ang interview namin kay Taylor Swift sa bago niyang ka date.. at tungkol sa kaibigan niyang si Cara Delevingne.

kumatok muna ako bago tuluyang pumasok binaba niya na ang tawag kaya ngumiti ako bago naupo. "Kamusta ang interview?" bungad niyang tanong. Ngumiti ako at nilapag ko na ang naka draft pa. Pero tapos ko na siyang ma edit .

"The best talaga yung team niyo.. " sabi niya habang iniisa isa ang mga papel na ibinigay ko sa kanya.

"Alis na po ako Sir kasi may iba pa po akong gagawin.." ngumiti siya sa akin at tumayo.

"Diba sabi ko sayo na wag mo na akong tawaging Sir? " lumapit siya hanggang sa nakasandal na ako sa pader at ang kanyang dawang kamay ay nakaharang sa mag kabilang gilid ko.

"Charles .." banta ko sa kanya ng iniyuko niya ang kanyang ulo sa akin.

"Bakit Julie ? mahal mo pa ba si Elmo ? diba pinag tabuyan ka niya ? diba pinaalis ka niya? Ang tanga niya.. kasi itinapon niya yung babeng nag iisa lang.. yung babaeng di mapapantayan. Tangina kung nauna lang ako di kita itataboy papakinggan kita.." di ako makahinga sa mga sinabi niya. Parang may mga matutulis na bagay nanaman ang tumama sa puso ko.

Umalis na siya sa harap ko , huminga muna ako ng malalim bago nag pasyang lumabas.. kinuha ko ang bag ko at umalis na ako.. kasi bakit pa kaylangan ipaalala yung sakit na dinanas ko. Bakit kaylangang ulit ulitin yung mga panahong naging tanga ako? Akala ko naka move on na ako .. tangina akala ko lang pala yun? kasi nung na alala ko ang sakit nanaman ng puso ko.

Di ko alam kung saan ako pupunta .. napailing nalang ako ng mapadpad ako sa Pont des Art.. naupo ako sa nakita kong upuan doon at tinignan ang mga taong nag lalagay ng Love lock at tinatapon ang susi sa lake.

Lumapit ako sa mga Lock doon at tinignan ang mga nakasulat.. grabe andaming mga lock na andito .. diko mabasa ang iba kasi ibang lahi .. may nakaagaw ng pansin ko yung medyo may kaliitan lock at may papel pang nakaipit .. binasa ko iyon .

"Kahit na wala na tayo .. Ako na ang tumupad ng pangarap nating dalawa. Sana pag balik ko .. Pwede pa kitang mabalikan. At sabay nating itatapon ang susi nitong lock na nilagay ko." kapwa filipino ko pala ang gumawa nito. Kelan niya kaya inilagay 'to .

Umalis na ako sa lugar na iyon at umuwi na ako ng bahay. Pag pasok ko ay abala si Kuya sa pag alalay kay ate na uupo.

Nginitian ko sila bago ako umakyat papunta sa kwarto ko. Na alala ko nanaman yung sinabi ni Charles sa akin.

Mahal ko parin si Elmo kahit na lumayo ako. Mahal ko parin siya kahit na anong gawin ko , ang hirap labanan ng puso ang hirap kalabanin .


"Julie, halika na at kakain na.." bumangon na ako at nag palit saglit ng damit bago bumaba. Naabutan ko si kuya na abala sa pag asikaso kay Ate na ipinipilit niya na pakainin ito ng gulay. Pero tumatanggi lamang si Ate.


~~~~



"Aaaaaaaaaaahhhhhh..." napabalikwas ako sa pag kakahiga ng sumigaw si Ate. Natataranta akong lumabas ng kwarto at naabutan ko siya na binubuhat ni kuya.



"Bilisan mo... Ang sakiiiiiit.." tumulong na ako .. Ako na din ang kumuha ng mga baby bags at gamit ni Ate.




"One push.." rinig ko ang pag iri ni ate habang si kuya ay palakad lakad .


"Kuya maupo ka nga.. Nahihilo ako sayo." Di siya nakinig sa akin , inirapan ko nalang siya at nag antay ng pag labas ng doctor.


"Congratulation its a healthy baby girl.." masayang wika ng Doctor sa amin. Kinausap nito si Kuya habang ako ay dumiretso nalang sa kwarto kung saan ilalagay si Ate.



Dinala na si ate pero tulog padin ito. Marami ang bumisita sa kanya katulad ng mga kaibigan at ka trabaho niya. At syempre si Charles na nakatingin sa akin pero di ko siya tinitignan ayoko kasi alam kong totoo lahat ng sinabi niya.




"Maraming salamat sa pag bisita niyo.. " sabi ni Kuya ng isa isa na silang mag si alisan.



"Hmmm.." sabay kaming napalingon ng nagising na si Ate. "W-Water.."  binigyan siya kaagad ni kuya at inalalayan pa paupo.





"Si Jupiter?" ngumiti ako kasi kahit halatang pagod padin si Ate . Si Baby Jupiter pa din ang gusto niyang makita.





"Saglit at tatawag ako ng nurse na mag dadala kay baby dito." tumango si Ate. Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.




Its been 4 months and here I'am tumapak ulit ako sa lupang tinakasan ko nung nasaktan ako. Inatake nanaman ng kaba ang puso ko habang si Ate at nakangiti at nilalaro si Baby Jupiter  na nag lalaro ng laway habang tumatawa.



"Baby, si Mommy ninang mo kinakabahang makita ang Tito mo.." napairap nalang ako kay Ate ng mang asar nanaman ito.




Bago palang kami tumulak pauwi ng pilipinas ay inaasar na nila ako ni Kuya. Kinuha ko si Jupiter na tuwangtuwa tuwing bitbit ko siya.





"Halika na nga . Ikaw muna ang mag bitbit kay baby na ngangalay na kasi ako."


"Salamat naman ate.. Akala ko di mo ipapahawak sa akin si Baby eh." natawa siya sa sinabi ko. Sabay na kaming lumabas at sakto naman nakahanda na ang kotse ni Kuya at andun nadin ang mga gamit namin.





Pag karating namin sa bahay nila kuya ay parang walang nag bago. Naupo ako sa Sofa at inayos na ni kuya ang crib ni Baby Jupiter. Nang maiayos niya na ang crib ay dahan dahan kong nilapag si Baby .



"Pahinga lang ako.." tumango sila Kuya at pumasok na ako sa kwartong nakalaan para sa akin.



Nakatitig lang ako sa kisame ng tumunog ang phone ko. Di naka rehistrong number ang tumatawag. Baka si Klare kakapalit ko lang kasi ng sim.




"Hello.." pagod kong sabi at pumikit ako habang hinihilot ko ang aking sintido.







"Welcome back.." nanigas ang buong katawan ko at nanlamig ang pag katao ko.


Paanong...?

Report to LoveWhere stories live. Discover now