Andito ako ngayon sa harap ng ng opisina ni Ate Arise. Isusuko ko nalang ang slot ko para sa Paris . Ayoko na nahulog na ako ng tuluyan kay Elmo. Kahit na sobrang bilis nitong nararamdaman ko .
"Oh, bakit?" napaangat ang ulo ni Ate ng pumasok ako sa opisina , nakayuko akong nakaharap kay ate alam mo magtatampo siya sa akin kasi nag promise ako at di ko magagawa iyon.
"Ate.. I'm sorry.." sabi na hindi parin makatingin kay ate arise .
"Para saan baby?"
Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. "Ate di ko na kayang ma kuhaan ng interview si Elmo..." nakita kong inalapag niya ang lapis na hawak niya at lumapit sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga sasabihin ni Ate .
"Gusto mo na ba siya?" napaangat ang ulo ko at tumingin ako sa kanya.
At naka ngiti siya sa akin, napahinga ako ng malalim at yumakap kay ate."Please don't tell to kuya.." na tawa siya ng mahina at naramdaman ko ang kanyang pag tungo kaya naibsan kahit papaano ang aking kaba.
"Okay lang ba ate? Di kaba galit kasi di ko nakuha ang interview?" ngumiti siya sa akin at inayos ang buhok ko na medyo humaharang sa muka ko.
"Na isip na kahit di na natin makuha ang interview ang mahalaga ay yung maging matagumpay ang gagawin natin pag daraos ng Anniv. Kaya wag kang mag alala di ako galit. Tsaka may nahanap na akong magiging bagong cover ng magazine." ngumiti ako kay Ate at niyakap ko siya ng mahigpit.
Konti nalang at masasabi ko na kay Elmo ang lahat ng walang hadlang . Sana lang tanggap niya ang trabaho ko. Matatapos na din ang trabaho ko sa kanya since babalik na ang tunay niyang secretary.
"Bago ko makalimutan.. Mag celebrate kami ng kuya mo kasi napa oo niya ang stock holder na lumipat na sa kompanya niya. Kita nalang tayo text ko sayo ang place." tumango ako at humalik sa pisngi ni ate bago umalis sa opisina niya at pumunta sa trabaho ko sa kompanya ni Elmo.
"Good Morning Ma'am.." ngumiti ako sa guardya pati narin sa mga receptionist na ngumiti sa akin.
Naupo agad ako sa aking lamesa nag taka ako ng may bigalang mag lapag ng kape sa lamesa ko at may sticky note na may emoticon na smile. Napaangat ang ulo ko at isang nakangiting Elmo ang bumungad sa akin.
"Late ka.." bakit kahit simple word lang nagiging hot sa pandinig ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. "..Hey.." pumitik siya sa harap ko kaya napakunot ang noo ko at umiling. "Ang cute mo mamula.."
"Ehemmm ... Nakaka istorbo ba ako?" matinding kahihiyaan ang naramdaman ko ng may mag salita . Napatagal na pala ang pag titigan namin.
"Clyde? Ano nanamang kaylangan mo?" humurang si Elmo sa harap ko naparang hinaharangan niya ako para itago.
"Hello to you too my friend.." sarcastic na sabi nung Clyde at sumisilip pa sa gawi ko pero di naman iyon pinagbibigyan ni Elmo.
"You Jerk.. Eyes on me.. Anong kaylangan mo? Diba na Close na natin ang deal kay Vince? Tayo na ang bagong stock holder ano pang kaylangan mo?" nanlamig ang kamay ko ng marinig ko ang pangalan ni kuya. Nag kakilala na sila.
"Wala naman.. Parang pamilyar kasi yung secretary mo parang nakita ko na siya somewhere .." nakakunot ang noo niya ng sabihin niya iyon.
"Uhm.. A-Ano.. D-Diba pumunta ka na dito.. Tapos hinarang kita?" kinakabahang sabi ko at napayuko , di kaya ay nakita niya ang picture ko sa opisina ni kuya? Pero hindi pwede .. Baka naman nakasalubong ko na siya? Fck ang gulo..
"Wag mo nang titigan si Julie.. You Fucker.. Halika na sa opisina ko.." sabi ni Elmo at hinila na siya sa Clyde na nakatingin parin sa akin. "Fck.. Sabing wag tignan diba?" angil ni Elmo.
"Problema ko ba kung maakit siya sa tingin ko?" what? Kay Elmo lang ako maaakit noh.. Mangarap ka.. Wait ..what? Ano ba 'tong mga nasasabi ko sa utak ko.
Pinapasok na ni Elmo si Clyde at naiwan kaming dalawa sa labas ng opisina. Tumingin siya sa akin at ngumiti at tinuro ang kape ko. Diba dapat ako ang nag titipla? Nadala siguro..
"Let's have dinner later.. I won't take no for answer.." sabi niya kaya di na ako makahindi. Ano pa nga ba? Di naman ako binigyan ng choice na sumagot. Kaya tumango nalang ako at pumasok na siya sa loob ng opisina niya.
Bago pa ako makaupo ay bumukas nanaman ang pinto ng opisina niya at iniluwa nanaman nito si Elmo at lumapit sa mesa ko "Before ko makalimutan.." nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako sa labi. Mabilis lang iyon pero ramdam ko ang init nito ng dumampi ito sa labi ko.
"Ito na ang start ng aking pangliligaw sayo kaya counted iyang kape at bonus lang ang halik.." sabi niya at pumasok na sa loob . Habang naiwan akong nakatunganga at unti unting nag iinit ang aking pisngi
Oh fck.. Nakalimutan ko na ngayon din pala kami mag celebrate nila Kuya .. Great Julie anong gagawin mo? Hahatiin mo sa dalawa ang katawan mo?
As if a cue ay naka tanggap ako ng text kay ate at nag sasabi kung saan kami kakain. What happen now?
Inantay nalang niyang lumabas sila Elmo para sabihin na may usapan nga pala sila ng Ate niya.
"Sir, ano kasi.." natapos na ang pag uusap nilang mag kaibigan kaya pumasok na siya sa opisina ni Elmo ng lumabas ni Clyde. Na may kausap sa phone.
"Anong sinabi ko na itawag mo sa akin?" nakakunot ang noo nito kaya natakot siya.
"E-Elmo..ano kasi.. may usapan kami ng ate ko nga-"
Lumalim ang kunot ng noo nito at nag taas ng kilay."Iniiwasan mo ba ako?" huh?! Noo syempre... Nakaoo na siya sa Ate Arise niya at nauna iyong mag yaya.
"H-Hindi naman.. ano kasi.."
"Famous line.. "Kung ayaw may dahil kung gusto maraming paraan.." Soo.." my love for this beast is killing me. Agad akong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ate Arise para sabihing hahabol nalang siya.
Pasalamat ka at guato kita Elmo dahil kung hindi gugustuhin parin kita.
Haaaay..
YOU ARE READING
Report to Love
FanfictionDo you believe in LOVE? eh sa soulmate , tandhana? kung hindi .. pwes maniwala ka na.