RTL-20

839 28 16
                                    

"Kamusta ang baby namin?" nakauwi na sila Ate. Mula sa isang linggong trabaho nila. At sa isang linggo na yun walang palya si Elmo na dalawin or samahan ako sa pag pasyal ko kay baby.

One time nung nasa mall kami dikit siya ng dikit sa akin. Hahawakan niya ako sa bewang or hahalikan sa ulo. Di ko lang masuntok kasi bitbit ko si baby Jupiter. Habang siya ay bitbit niya sa kanyang balikat ang pink na baby bag . Marami tuloy ang napapatingin sa amin at marami din ang kumukuha ng litrato. At hanggang ngayon ay kalat na kalat sa social media .

Ang sikat na bachelor ay may kasamang babae at may bitbit na baby. Umiling nalang ako at tumingin kila ate na hanggang ngayon ay hinahagkan parin si Baby Jupiter.

KINABUKASAN ay pumasok na ako sa trabaho na talaga namang natambakan ako . Inayos ko na ang mga files na kaylangan kong ma edit bago ma-publish.

"Ui, grabe nung isang araw andaming press sa baba at hinahanap ka. Kaloka di talaga sila umalis." salubong ni niknik sa ka-Trabaho ko.

"Miss Julie may nag papabigay po." napatingin ako sa isa sa mga trannie ko.

Kinuha ko ang bugkos na bulaklak at meron din teddy bear. Ngumiti nalang ako at kinuha ko iyon. Naupo ako sa aking mesa.

Kinuha ko ang papel na nakaipit sa flower at binasa ko iyon.

Have a nice Day
I love you Julie

-E

Umiling nalang ako at tinabi ang bulaklak. Marami akong ginawa , inikot ko ang aking leeg na nangangalay na.

"Ma'am di po kayo sasabay mag lunch?" umiling nalang ako at umiling sa kanila. Tumango nalang sila at umalis na.

Pinatay ko na ang Laptop ko at umunat ako ng konti at inayos ko ang aking damit bago tuluyang tumayo.


Beep beep..

Napatingin ako sa aking phone ng tumunog ito.

Elmo:

Hey, lunch?

Me:

No..🙅

Elmo:

Please 😗😗

Me:

May trabaho pa ako. 😒

Elmo:

Please!! Sabay lang tayo mag lunch di na kita guguluhin. 😊


Me:

Fine! Sa resto nalang nila Clyde.

Elmo:

Yes Master! 😘 I love you ingat ka maiigi kasi papakasalan pa kita.



Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa text niya di na ako nag reply kaya pumunta na ako doon. Agad ko siyang nakita na nag nanatap ng kanyang daliri sa lamesa.

"Sorry late.. Traffic kasi! Naka order kana?" sabi ko at naupo na sa harap niya.

"Okay lang. Kakarating ko lang din. Yes naka order na ako." tumango nalang ako at tinuon ko ang atensyon ko sa aking mga kuko. Ayokong tumitig sa kanya kasi lalong nag wawala yung mga insecto sa tyan ko.



"Salamat nga pala sa bulaklak.." kumunot ang noo niya kaya kumunot din ang noo ko.

"Di pa kita binibigyan ng bulaklak?!" nanlaki ang mata ko at may kung anong gumuho sa puso ko. Dahil umasa ako na sa kanya galing ang mga iyon. Bakit ba kasi nag assume ako?

Report to LoveWhere stories live. Discover now