RTL-26

749 30 5
                                    






"What the hell?" Sigaw ni Klare ng ikwento ko sa kanya ang desisyon namin ni Elmo tungkol kay Kim. "Wag kang mag pakatangang gaga ka. Minsan niya nang nasira  ang relasyon niyo ni Elmo, di malabong gawin niya ulit yun." Iritang sabi niya pa.

"Pag iyan ang naging dahilan ng pag kasira ulit ninyo. Naku papadaliin ko na ang buhay ng babaeng yan." Napahinga nalang ako ng malalim at naupo. Yes! Mabigat sa loob ko pero konti nalang naman ang itatagal niya dito. Ibigay ko nalang ang kaonting saya na iyon kahit masaktan pa ako.

"Babe, kumalma ka muna. Pag bigyan mo na si Kim konti nalang ilalagi niya dito sa mundo. Ibigay mo na yung konting saya na yun sa kanya." Pag lalambing ni Clyde sa kanya.

"Ay ewan basta di maganda ang kutob ko sa babae na yan." Niyakap ni Klare si Clyde . Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag aayos ng file na binigay ni Ate.

"Nasan nga pala ang magaling kong kaibigan?" Tumingin ako kay Clyde.

"Nasa opisina pa daw siya may tatapusing report na binigay ng Daddy niya. Tapos may meeting pa siya!" Napakunot ang noo ko ng puno ng pag tataka ang makikita na gumuguhit sa muka ni Clyde.

"Miss Julie may nag papabigay po." Tumingin ako sa secretary ko at ngumiti. Kinuha ko ang bugkos ng bulaklak.

"Uy, kanino galing?" Agad kinuha ni Klare ang card at ibinigay ang bulaklak sa akin.

"Hi Babe, sorry di ako makakasabay sa lunch mo may meeting pa kasi ako!

E-

Kinuha ko na ang card ng basahin niya ang sulat. Inirapan ko nalang siya kaya natawa pa.

"Sorry pinakeelaman ko! Kasi naman di ako masyadong nakakatanggap ng bulaklak! Na excite lang ako!" Halatang pinaririgan niya si Clyde kaya napailing nalang ako.

Me:

Na received ko na yung flower thank you nga pala. Okay lang na di tayo mag kasabay ngayon lang naman 😉 basta kumain ka ng lunch mo! I love you 😚

Nag text nalang ako kay Elmo at di naman nag tagal ay nag reply naman siya kaagad.

Babe❤:

Parang gusto ko nang umalis ng meeting ngayon! I miss you babe! And I love you too so much 😘

Me:

Sira ! makinig kana dyan I'm with Klare and Clyde may tinatapos lang tapos mag lunch na kami.

Babe❤:

Okay! Kumain ka ng madami okay? Wag ka nang kumain ng damo okay? I love you 😘

Me:

Hindi yun damo vegetable salad yun! Okay usap nalang tayo later ! I love you too😘

Babe❤:

Okay, doon ako sa pad niyo mag sleep over! I miss you kasi!

Di na ako nag reply kasi paniguradong di kami matatapos at di siya makakapakinig ng maayos sa meeting.


"Laki ng ngiti aah.." Binato ko si Klare ng paper clip kaya tumawa pa ng malakas.

"Himala at nakikipag text sayo ang baliw kong kaibigan samantalang sa akin di nag rereply! Kung di mo pa tatawagan di mo malalaman ang sagot niya." Natatawang sabi ni Clyde .

"Things change!"natatawang sabi din ni Klare.

"Ewan ko sa inyo! Tara na tapos na ako. Kain na tayo ng lunch!"

Pasakay na kami ng elevator ng makasabay namin si Charles na nakatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko mabuti nalang at agad akong pinagitnaan ni Clyde at Klare kaya nalayo ako kay Charles na napapailing nalang.

Alam naman kasi ni Klare lahat. Kinukwento ko sa kanya habang nasa paris ako.

"Possessive boyfriend? Nasan nga ba ? Bakit kailangan na kaibigan ang bumakod? Bakit hindi siya?"

"Pakeelam mo? Baka kung siya ang andito baka mapatay ka na nya ngayon! Kaya pasalamat ka pa at kami ang kasama ni Julie!" Sabi naman ni Clyde at agad namang hinila ni Klare ang damit ni Clyde para awatin ito.



"By the way Julie pag tapos mong mag lunch pumunta ka sa opisina ko at may ipapagawa ako sayo."


"Sorry half day lang kami."inis na sigunda ni Klare.


"Sorry ako ang boss niyo." Sabi nito at bumukas na ang pinto ng elevator at agad siyang lumabas.




"Papasabugin ko na muka nung hayop na yun!" Inis na sabi ni Clyde habang nakayukom ang kanyang kamao.




"Sabihin ko na kay Ate na alisin na siya dito. Nakakabwiset!" Inis na sabi pa ni Klare.



"Hayaan niyo na. Pag tapos nating mag lunch pupunta nalang ako sa opisina niya at tapusin ang dapat tapusin." Sabay silang tumingin sa akin na para bang nag bibiro ako at hindi iyon nakakatuwa.






"Nababaliw ka na ba?" Inis na tanong ni Klare pero umiling lang ako at di na muling sumagot.




Nang matapos kaming mag lunch ay pilit akong kinukumbinsi ni Klare at Clyde na wag nang tumuloy pero iling lang ang sinasagot ko sa kanila. Habang palapit na kami sa floor ay panay ang paalala ni Klare na kung harasin ako ni Charles ay agad ko itong sipain sa kanyang alas.




Kumatok muna ako bago pumasok. Nang walang sumagot ay binuksan ko ang pinto na hindi naman naka lock. May bugkos na bulaklak sa lamesa ni Charles at meron din na nakahanda sa center table nito.






"Julie.." Napatingin ako kay Charles na nakatayo banda sa bintana at nakatitig sa akin.


"Nasan na yung ipapagawa mo?" Pinalewala ko ang pag tawag niya. May sumilay na ngisi sa kanyang labi at humarap sa akin mula sa kanyangpag kakayuko.





"Ang kailangan mong gawin ay tanggapin mo ang bulaklak na ibibigay ko at sabayan mo akong kumain."





Kunot noo ko siyang tinignan pero nakangiti pa rin siya sa akin. "Pwede ba  Charles.. Kung wala naman pala akong gagawin dito aalis na ako." Akmang lalabas na ako ng hawakan niya ang braso ko.





"Wala na ba talaga?" Tanong niya at kinabig ako at niyakap ako ng mahigpit. Sinubukan kong pumiglas pero di ko magawa , sadyang malakas siya sa akin.





"Charles ano ba.." Sinubukan kong kumawala pero di parin ako nag tagumpay.






"Just this one.." Nagulat ako ng humiwalay siya sa akin at kabigin ang muka ko palapit sa kanya at halikan ang aking labi.





Di ako makagalaw na parang sinimentuhan ang aking mga paa. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa.





"What the hell."





~~~~~

AN: HAPPY NEW YEAR MGA TANGA! 😂

2016 IS LIKE A ROLLER COASTERS RIDE FOR US DIBA? AND I HOPE NA 2017 AY MAG KAROON NA NG LIWANAG ANG ATING BUHAY 😂



GUSTO KO LANG MAG PASALAMAT SA SUPORTANG IBINIBIGAY NIYO SA KWENTO KO! KAHIT NA MABAGAL AKONG MAG UD ANDYAN PARIN KAYO MATIYAGA NA NAG AANTAY!



SABAGAY ANO NGA BA NAMAN ANG DALAWA O ISANG LINGGONG WALANG UD SA 3YEARS NA PAG AANTAY NATIN SA JE NA BUMALIK 😂




WELL KAPIT LANG MGA TANGA KASI TANGA TAYO 😂 HAHAHAHA AGAIN HAPPY NEW YEAR LOVE YOU ALLLLL 💓😍😘

Report to LoveWhere stories live. Discover now