RTL-4

853 22 6
                                    



"Ms.Julie , sumama ka sa akin at may pupuntahan tayo." agad akong napatayo ng sabihin iyon ni Elmo.


"Saan po Sir?" dapat alam ko mahirap na mamaya kung saan pa ako dalhin ng siraulong 'to.


"Wag kanang matanong.. Tsaka pwede ba drop that sir and po. Masyadong pormal mag ka edad lang naman tayo." nag make face ako habang nakatalikod siya sa akin demanding litsi.


Sumakay na kami sa kotse niya at tahimik lang siya pero halata ang aligaga sa muka niya. Minabuti ko nalang na tumahimik kasi baka kung ano pa masabi ko. Tumingin nalang ako sa mga nadadaanan namin.




"Sir , saan tayo pupunta?" tanong ko na ng pumasok siya sa isang exclusive subdivision . At napaayos din ako ng upo kasi dito kumuha ng bahay si Kuya at Ate .


Di siya sumagot , hanggang sa pinasok niya na ang sasakyan sa gate na pagkalaki laki. Bumaba siya at kaya binuksan ko na ang pinto at bumaba na din ako.


"Wow." di ko maiwasan na mamangha sa itsura ng bahay nila na nag susumigaw na mayaman ang nakatira dito.



"Tara.." hinila niya ang braso ko at matinding kuryente ang naramdaman ko at nag wala nanaman ang ang pisting insekto sa tyan ko.




Pag pasok namin sa loob ay agad na sumalubong sa amin ang isang babae na nasa edad 50 pataas pero nag mumuka paring bata.


"Mommy anong nangyari? Ayos lang ba kayo ? Si Daddy? Si Haley? Bakit ngumingiti ka?" halata na iritado na siya pero ang tinawag niyang Mommy ay nakangiti pa din.


"Nakalimutan mo na ba? Anniversary namin ng Daddy mo. Yun nalang ang choice namin para makasama ka. And here you are with bonus pa.. Pakilala mo naman si Mommy sa girlfriend mo."



"Ay Ma--"



"Mom, Julie.. My friend and Julie mommy ko.." putol sa akin ni Elmo. Nginitian ako ng mommy niya at niyakap ng mahigpit. May kung anong humaplos sa aking puso ng yakapin ako ng mommy ni Elmo.


"I want you to be my future daughter.. " nanlaki ang mata ko sa binulong ng Mommy ni Elmo kaya napahiwalay ako. Pero kumindat pa siya sa akin at ngumiti nanaman "I like you.." naestatwa ako sa sinabi niya .



"Ayos ka lang? Sorry nasama ka pa sa problema ko. Di ko din alam kung bakit siguro kaylangan ko lang ng kasama since sinabi ni Mommy na may nangyari sa bahay. Pasensya ka na.." ngumiti nalang ako at tinapik ang likod niya halata naman na totoo ang pag hingi niya ng tawad.



"Tara dun muna tayo sa Tree House .."


"Talaga meron dito?" tumango siya at ngumiti. Shit ayan nanaman ang ngiti niya na nag papagulo ng sistema ko.



Pumunta kami sa likod bahay nila ay andun ang Tree House. Pumanhik na siya at sumunod ako, inalalayan niya ako hanggang sa makapasok na ako sa loob. Nakita ko agad ang gitara at iba't-ibang picture ng banda .



Kinuha niya ang gitara at ng strum ng kung ano anong tono kaya napapangiti ako.
"Marunong ka?" tumango siya sa akin at ngumiti. "Sample.."




"Wait don't tell me heaven is a place on earth.

I wish i could rewind all time that i didn't  show you what you really worth."



Ang ganda ng boses niya grabe pero bakit parang malungkot yung kanta? Di ko siya alam pero yung pag kanta niya puno ng emosyo.

Nag patuloy siya pero kalagitnaan ay tumingin siya sa akin. Masyadong malikot ang mata niya , napapatingin sa noo ko tapos sa mata ko tapos sa pisngi sa ilong hanggang matigil ito sa labi ko.



"Sir.."



"Stop calling me Sir.. Di ko alam kung anong nangyayari sa akin Julie. You making me crazy.. Ilang araw palang kitang kasama pero ginulo mo na ang sistema ko.. Anong meron sayo at gusto ko na lagi lang akong malapit sayo?" Shocks palapit na siya ng palapit sa akin . Gosh gusto ko na siyang hilahin palapit sa akin pero may kung anong pumipigil sa akin.


"Elmo.. Kung hahalikan mo ako ngayon ikaw ang first kiss ko.." shit bakit ko nasabi yun. Kinabahan ako ng makita ko ang kanyang pag ngisi. At tumingin sa mata ko. Lapit siya ng lapit, atras naman ako ng atras kinakabahan talaga ako.



"I know.." napasandal na ako. Fck wala na akong aatrasan. Tumingin ako sa labi niya na nang aakit na halikan ko daw.


Lumapit na siya hanggang sa maramdaman ko na ang hininga niya . Unti unting lumapat ang labi niya sa aking labi . May kung anong saya akong naramdaman ng halikan niya ako. Napaka init ng pag halik niya sa akin at napalambot ng labi niya. Hinawakan niya ang bewang ko para mapalapit pa ako sa kanyan.


Napahawak ako sa kanyang dibdib at sinubukang gayahin ang ginagawa niya . Ngumiti siya naramdaman ko kaya pakiramdam ko tama ang ginagawa ko. Humiwalay siya ng parehas na kaming kapusin ng hininga.



Pero di paring humihiwalay ang aming mga noo. "You're so sweet.." sabi niya at ngumiti , ngumiti din ako at hinalikan nanaman niya ako napahawak na ako sa kanyang batok.


"Stop.. Biting your ... Lips okay?" sabi niya sa pagitan ng pag halik sa akin .



"Hmm.." tanging sagot ko.





"Kuyaaaaa.." natulak ko si Elmo ng marinig ko ang sigaw mula sa ibaba. Sunod sunod ang pag mumura niya. Fck ano nangyari? Parang gusto ko nang kainin ng lupa sa hiya.





"Julie.."





"Huh.? Ano tara na.. Hinahanap na yata tayo.." sabi ko at nauna na akong bumaba. Shit ka Julie anong pumasok sa utak mo? Halos ipag kanulo mo na ang sarili mo sa boss mo. Mali 'to maling mali.




"Hija , ayos ka lang namumula ka ng husto.. At bakit namunula ang labi mo?" agad akong napatakip sa bibig ko at may sumilay na ngiti sa labi ng mama ni Elmo. No.. No no.. Mali ang iniisip mo .. "Kelan ang kasal?" shit.. Ano ba 'tong pinasok mo Julie..




"Ay hindi po .. Ano .. Ano ba. .." yumakap nalang siya sa akin ay dinala ako sa hapag. Napakaraming pag kain.



"Kumain ka ng kumain hija.. Ito nga pala si Haley bunsong anak ko." kumaway siya sa akin at ngumiti. Agad ko naman iyong sinuklian.





"Oh Elmo, halika na at nang makakain na tayo ng sabay sabay.. " napatingin ako sa Daddy niya na sobrang kamuka niya.



"Sayang wala si Kimmy ngayon.. Siguradong matutuwa yun sayo.. Mamayang gabi pa kasi ang punta nila dito.. Dito nalang kaya kayo mag palipas ng gabi.."




"Hindi po nakapag paalam si Julie mommy.. Kaya uuwi na kami mamaya.." lumungkot ang mata nito at ngumiti ng malungkot sa akin. Fuck this life.





"Tatawagan ko nalang po sila kuya na di ako makakauwi.." agad na sumigla ang aura niya at niyakap ako.




"Thank you.."




This is absurb..






"Julie.."


Elmo wag mo akong kausapin.. Magulo utak ko baka magalikan kita ng wala sa oras...



God help me..

Report to LoveWhere stories live. Discover now