RTL-27

648 28 2
                                    



"What the hell." Doon ko palang natulak ng tuluyan si Charles ng dumagundong ang sigaw ni Elmo. "Hayop ka.." Sinapak ni Elmo si Charles at natumba sila sa lapag. "Wala kang karapatan na halikan  ang pag aari ko. Gago ka.." Tanggap lang ng tanggap ng suntok si Charles kaya sumugod na ako at niyakap mula sa likod si Elmo.

"Tama na.." Pag mamakaawa ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Tumulo na ang luha ko dahil sa aking nakikita. Ang galit ni Elmo at ang sakit na nararamdaman ni Charles.

"Halika na bago ko pa mapatay ang gagong 'to!" Sigaw ni Elmo at hinila na ako palabas.

Mahigpit ang kapit niya sa aking braso pero di ako sa sasaktan sa pag kakahawak niyang iyon. Agad niya akong pinasok sa loob ng kanyang sasakyan habang siya ay umikot para makasakay sa Driver seat.

Namumuti na ang kamay niya sa higpit ng kapit niya sa manibela. Hinawakan ko iyon kaya napahinga siya ng malalim at kinalma ang kanyang sarili.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang telepono inilapit niya ito sa kanyang tenga. "Hello Vin.. Alisin niyo na si Ch- what? Okay mabuti naman at umalis agad dahil mapapatay ko talaga siya. Yes.. Yes.. She's fine and she's with me.. Thank you Vin" si kuya pala ang tinawagan niya.

"Anong sabi ni Kuya?" Lumingon siya sa akin at kinuha ang kamay ko at dinala niya ito sa kanyang labi at hinalikan.

"Kusang nag resign yung hinayupak na yun. At humingi ng tawad .." Tumango nalang ako at tumingin sa labas.

"I'm sorry nahuli ako ng dating. I'm sorry.." Napaharap ako sa kanya at nag tangis nanaman ang kanyang bagang.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan .. Kung nakinig lang ako kila Klare na wag nang sumipot sa imbitasyon ni Charles di naman yun mangyayari."  Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon ng paulit ulit habang nakatingin sa akin.

"Still I'm sorry.." Ngumiti ako sa kanya at tumango nalang. May inabot siyang wipes sa dashboard ng kotse niya . Sa totoo lang ako ang nag lagay 'nun kasi pag nag aayos ako ng make up ayun ang ginagamit ko.

Nabigla ako ng inilapit niya iyon sa aking labi para may kung anong binubura siya sa aking labi. "No one kiss my girl." Ngumiti ako sa sinabi niya at tinapon na ang wipes sa labas ng kotse.

"Movie Date?" Ngumiti ako at tumango. Pinaandar niya na ang kotse niya at dumiretso sa condo unit niya.


Pag dating namin sa unit niya ay dumiretso siya sa kusina para daw maihanda niya na ang chips na kakainin namin. Habang ako ay initusan niya ako na mag palit ng damit kaya pumasok na ako sa kwarto niya at kumuha ng V-neck shirt at boxers short niya.



Pag labas ko ng kwarto niya ay hinahanda niya na sala niya. Naupo ako sa sofa bed niya. Kumuha ako ng throw pillow at agad ko iyong niyakap.


Nag salang na siya ng movie na panonoorin namin. Di pa man nag sisimula ay may nag doorbell kaya nag katinginan kami bago sabay na nag kibit balikat. Hininto niya muna ang palabas at pinagbuksan ang tao na nasa labas.



Napalingon ako ng boses agad ni Klare ang narinig ko sunod naman ay ang halakhak ni Clyde .

"Hi bebs.." Tumakbo agad si Klare sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. "Grabe yung Jowa mo ayaw pa kaming pag buksan ng pinto." Himutok niya pa natawa nalang ako sa kanya.

"Bitawan mo nga si Julie grabe ka makayakap." Inis na sabi ni Elmo pero inirapan lang siya ni Klare at niyakap pa ako ng pag kahigpit higpit.

Hinila ko na si Elmo sa gilid ko kaya ang pwesto namin ay kaming dalawa ni Klare ay napapagitnaan nilang mag kaibigan.


Wala kaming ginawa kundi ang tumawa sa mga katarantaduhan ni Deadpool . Pero ng dumating sa part na may BS ay parang nailang ako kaya yumuko ako dahil talaga naman nag iinit ang pisngi ko.



"Let's do that babe.." Napatingin ako kay Clyde na nakatingin kay Klare habang ang kaibigan ko ay talaga naman ngiting ngiti pa. Di ba sila naiilang sa sinasabi nila.? Kasi andito kaya kami!



"Ang cute mo mamula.." Kinilabutan ako sa biglaang bulong ni Elmo at pag halik niya din sa pisngi ko. Kaya naman di ko sinasadyang masampal ko siya.



"Oh gosh... I'm sorry.." Sabi ko at inalis ko ang kamay niyang nakatakip sa pisngi niya. Gulat at mangha ang tangi kong nakikita sa muka niya.




Tinanggal ko ang kamay niyang nakatakip sa pisngi niya at agad ko nakita ang bakat ng aking kamay indikasyon na malakas ang gawa kong sampal sa kanya.



"Sorry.. Sorry.." Sabi ko at hinimas ang pisngi niya. "Ikaw kasi nang gugulat ka. Ayan nasampal tuloy kita. Sorry.." Hinalikan ko ang pisngi niyang namumula dahil sa kagagawan ko.


"Ayos lang .." Ngumiti siya at kinurot ang ilong ko. At niyakap na ako ng mahigpit.



"Di ka galit?" Umiling siya at hinalikan ang balikat ko na bahagyang lumabas na dahil sa kaluwagan ng V-neck niya.




"Ano mag lalandian lang kayo? Matatapos na kaya yung palabas."  Sarkastikong sabi ni Klare kaya umayos na ako ng upo.



"Kasi movie night namin 'to umepal kayo.." Ganti naman ni Elmo kaya kinurot ko siya sa tagiliran kaya bahagya siyang napalayo sa akin.




"Masakit.." Inirapan ko lang siya at muling nanood . Yumakap siya sa akin at ngumiti pa ng pag katamis tamis.





"Wag mo na silang guluhin babe.. Hayaan mo na kaibigan ko ayoko nang mag alaga ng laseng araw araw . Nawawalan nanaman ako ng oras sayo."  Laseng araw araw? Tumingin ako kay Elmo na naka focus lang ang mata sa pinapanood namin. "Hirap kaya pag broken hear--"





"Manood na tayo." Natigil sa pag sasalita si Clyde at kumindat pa sa akin. Napatingin ako kay Elmo na namumula ang leeg pataas sa tenga at pisngi.





Marami pa kaming pinanood pero di na namin kasama ang mag kaibigan dahil nag inuman nalang sila sa kitchen. Hanggang sa nag pasya kami ni Klare na mag pahinga na pumasok na siya sa guestroom at ako naman ay dumiretso na sa kwarto ni Elmo. Nag hilamos muna ako bago nahiga sa kama.






May tumunog na phone di ko na inabala ang sarili ko na tignan pa iyon. At agad ko na lang iyong sinagot.




"Hello.." Nakapikit kong sagot.




"Si Elmo..?" Nagising lahat ng dugo sa katawan ko ng marinig ko ang boses ng tumatawag.




Inilayo ko iyon sa tenga ko at tinignan kung tama ba ang hinala ko sa tumatawag. At agad na parang may sumaksak na kung anong matutulis na bagay sa puso ko. At sumunod ang pamimigat nito. Nag bilang ako ng one to ten para ikalma ang sarili ko.





"N-Nasa.. Ba-Baba.. A-Anong ...kailangan mo..?" Di ko mapigilan na pumiyok sa bandang huli na sinabi ko.





"Sasabihin ko lang naman na.. Di ko isusuko si Elmo kahit anong mangyari Julie.  Remember First love never die! At aaminin kong naging tanga ako nung umpisa pero gagawin ko lahat para mapasaakin siya."



Di na ako nakasagot ng putulin niya na ang tawag. Napatakim ako sa aking bibig para pigilan ang hikbi ko.


Pero lalaban ako .. At kung si Elmo na ang nag sabi na umalis ako ako di na ako mamimilit pa.




~~~~

AN: HI GUYSSS !!!

SORRY KUNG SOBRANG TAGAL!!


ENJOY READING !

VOTE. COMMENT 😊😊

Report to LoveWhere stories live. Discover now