RTL-11

704 24 1
                                    


"Good Morning.." ngumiti ako kay Elmo na nakasandal sa kanyang Ford na sasakyan na kulay puti. Pupunta na kami ngayon sa bahay nila at halata ang saya sa muka niya.

"Good morning din." pinagbuksan niya ako ng pinto para sa front seat kaya ngumiti ako."Sweet mo ngayon. Anong nakain mo?" sabi ko ng makapasok na siya ng sasakyan.

"Sweet talaga ako lalo na sa mahal ko." sabi niya na nag pa tiklop sa akin at nag pa init ng aking muka."Naka pag breakfast ka na ba?" at doon ko na alala na di pa pala ako kumakain sa sobrang excited ko.

"Sinasabi ko na nga ba. Julie naman.. Breakfast ang pinaka importanteng meal!" sabi niya habang naka kunot ang noo niya sa akin. "Mabuti nalang at gumawa ako ng tuna sandwich kanina." sabi niya at may kinuha na bag sa backseat at inabot sa akin ang tuna sandwich . Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat.

medyo mahaba haba ang biyahe kaya itinapat ko ang tinapay sa kanyang bibig. Tumingin siya sa akin at ibinalik ang tuon sa kalsada.

"Eat." sabi ko ng hindi niya pa din ibinuka ang kanyang bibig.

"Julie, para yan sayo.." sabi niya at tumingin pa sa akin pero tinignan ko siya ng masama.

"Eat." ulit ko sa kanya napahinga nalang siya ng malalim at kumagat sa tinapay na kinakain ko. Dumikit ang labi niya sa aking daliri ko kaya may dumaloy nanaman na kuryente sa sistema ko. At talaga naman nag init ang muka ko sa nangyari.

Agad kong binaba ang aking kamay at tumingin sa labas ng bintana para naman kumalma ang aking sistema at mawala ang init ng aking muka.


"Papaaaa.. Mamaaaa..." sigaw agad ni Kimmy ang sumalubong sa amin ng makita niyang kalalabas lamang namin ng sasakyan. Sinalubong siya ng yakap ni Elmo at binuhat pa at pinaikot ikot pa sa ere.

Napatingin ako sa likod andun sila Ate Kristine at ang mga magulang ni Elmo . Inatake nanaman ng kaba ang puso ko ng bigalang nag eco ang boses ni Ate Kristine at ang mga sinabi niya sa akin nung nag pa check up si Ate Arise sa kanya.

Lumapit sila sa amin , niyakap naman ako ng magulang ni Elmo at napatingin ako kay Ate Kristine na nakangiti sa akin at himalik sa pisngi ko.

"Si Haley?" tanong naman ni Elmo matapos halikan ang pisngi ng kanyang mga magulang.

"Hahabol nalang daw siya may tinapos na group work sa school. Tara na at pumasok na tayo sa loob , nang makakain pa kayo." kumawag naman si Kimmy kay Elmo at tumapat sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang naka pamewang sa aking harap kaya nag taka ako.

"Why baby?" tanong ko at inayos ang kanyang magulong buhok.

"Boyfriend mo po na ba si Papa Elmo?" wait .. What? Kinabahan ako sa tanong niya . Gosh Julie.. Bata lang yan bakit ka kinakabahan? Umayos ka nga.

"Uhm.."

"Yes naman baby.. Kami na ni Mama Julie mo. Kakasagot niya lang sa akin. Kaya wag kanang mag sungit dyan may mama kana." sabi ni Elmo na nag pa mula sa pisngi ko at kinurot niya din ang pisngi ni Kimmy na ngayon ay ngumingiti na. At tumakbo papasok ng bahay nila Elmo tumingin siya sa akin at ngumiti.


"Lika na Hun. At inaantay na nila tayo sa loob." nag init ang muka ko di nag patinod sa kanya kaya tumingin siya sa akin. "Why? Wag mong sabihing kinakabahan ka? Mahal ka nila katulad ng pag mamahal ko sayo."

"Elmo.."

"Hmm.." sabi niya at hinawakan niya ang bewang ko na para kaming sasayaw sa tunog ng lumang kanta.

"A-Ano ba t-talaga .. t-tayo?" tumingin na ako sa mata niya na ngayon na puno ng emosyon. Gumalaw na siya ng dahan dahan na para kaming nag sasayaw.


"I like you .. I really do.. Wala akong pakeelam sa mga estado ng relasyon. Basta gusto kita yun na yun." sabi niya at dinampian ng halik ang aking pisngi."Just go with the flow Julie.. Do you like me too?" napatingin siya sa aking mata pababa sa aking labi . Kaya napakagat ako sa aking ibabang labi.

"I like you too." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Ngumiti siya sa akin at naramdaman ko na ang pag dampi ng kanyang labi sa akin.


"Mama..." sigaw ni Kimmy kaya natulak ko si Elmo at nawalan siya ng balance at napaupo siya sa lapag.

"Sorry.." sabi ko kay Elmo na ngayon ay nakasimangot habang pinapag pag ang kanyang kamay.


"Bakit mo kinakain si Mama.." sigaw ni Kimmy na nag pangiti sa akin.

"Because she's mine.. And I like her taste.." agad ko siyang kinurot sa bewang ng sabihin niya iyon sa pamangkin niya. Great uncle huh.?!

"What was that for?" sabi niya at hinihimas ang kinurot ko sa bewang niya. "Pag ito nag kasugan pagalingin mo 'to ng kiss mo." nanlaki ang mata ko kukurutin ko na dapat ulit siya ng mapatingin ako kay Kimmy na nakakunot ang noo.


"Halika na baby.. Pasok na tayo.." sabi ko pero agad na kumapit sa akin si Elmo na nag padagdag ng kunot ng noo ni kimmy. "What are you doing?" tanong ko at huminto sa pag lalakad.



"Diba sabi mo papasok na tayo ?" sinuntok ko ng mahina ang tyan niya kaya napaatras siya sa pag kakadikit sa akin.


"I'm her Baby.. not you.." sigaw ni Kimmy at yumakap sa hita ko . Sasagot pa sana siya ng panlakihan ko siya ng mata. Ito talaga 'tong lalaking 'to papatulan niya pa yung bata.



"Okay fine.. Pero kayo dalawa ang baby ko.." sabi niya at niyakap kaming dalawa ni Kimmy . Humalik siya sa pisngi ko habang si Kimmy ay inilalayo ang muka ni Elmo na nakahalik sa pisngi ko. Natawa ako sa kanilang dalawa , sumimangot si Kimmy habang pilit na inilalayo ang muka ni Elmo sa akin. Habang si Elmo ay nag pupumilit na humalik sa pisngi ko na nakanguso pa.

Ending si Kimmy nalang ang hinalikan niya sa pisngi at tumakbo papasok ng ambang papaluin na siya ni Kimmy ng Barbie doll na hawak nito.





~~~~

AN: Walang kwenta ?
Alam ko .. Kasi naman eh nilalagnat ako ngayon kaya ayan lang kinaya ni Brain. Kasi ilang araw na pala akong di nag uupdate.

I'm sorry kung nag aantay nanaman kayo 😭 pasensya na talagaa. Bawi nalang ako next chapter.

And sa nag sasabi na mag update na ako sa Unexpected Angel. Sorry On-Hold ko muna siya nawala kasi yung flow sa utak ko.

And may good news pala ako sa inyo.. Kung sino man ang nakabasa ng Playing Games , Breaking Hearts may sequel po pala siya.. Kwento naman nila Jan-Jan , Ema and Elly. Update ko siya soon. I hope na suportahan niyo sila.

Ang pamagat ng kwento nila ay...

Jan-Jan - Wishing Star

Ema- No Ordinary Love

Elly- Upside Down

Iba't ibang kwento po sila kaya paki abangan nalang po kung kelan ko ilalabas.

Follow me on my Twitter Account baka doon ako mag sabi 😊😊

@Joyieee17 thankyou ❤❤

Lalabas din sila Elmo doon. Malamang sila magulang Eh 😂✌.

Till next Update.

DON'T FORGET TO..

VOTE . COMMENT !!

Report to LoveWhere stories live. Discover now