RTL-16

764 31 25
                                    


Pumunta ako sa condo unit namin ni Klare . Di niya alam na umuwi na ako. Pumasok ako sa kwarto niya at tulog na tulog talaga siya.

Umakyat ako ng kama at nag tatatalon ako kaya napabangon niya at nanlaki ang mata.

"Holy shit.." sigaw niya magulo ang buhok niya at itinakip niya ang kumot sa kanyang katawan.

"Babe, yung shampoo mo masyadong maba--" nanlaki ang mata ko ng may lumabas na lalaki at nakatapis lang tuwalya ang kanyang pang ibaba. "Oh shit.." pumasok ulit siya. Sinamaan ko ng tingin si Klare at bumaba ng kama.

"Explain later.. Mag aantay ako sa baba..." sabi ko at lumabas ng kwarto. Nag timpla ako ng kape , napaangat ang tingin ko ng sabay sipang lumabas at doon ko tuluyang na mukaan ang lalaki. F*ck it kaibigan 'to ni Elmo.

Siya yung lalaking pumasok sa opisina ni Elmo noong nag tatrabaho pa ako noon bilang secretary ni Elmo.



"Julie.." sabay nilang sabi nag ka titigan pa sila. Namula ang muka ng kaibigan ko . Habang si Clyde ay napakamot ng batok.

"You go first babe.." mahinang sabi ni Clyde pero dinig ko pa din . Tumingin ako sa kaibigan ko na namumula na ang pisngi .



"Bes, ano.. paano ba?" tanong niya kay Clyde at hinihila ang laylayan ng damit ni Clyde.

Pinanatili ko ang poker face ko pero natatawa na talaga ako sa itsura ng kaibigan ko na parang najejebs na ewan. Masaya ako para sa kanya di naman ako tututol kahit sino pa yan. Pero nagulat lang ako kasi araw araw kaming mag kausap tapos ganto bubungad sa akin.



"Sorry na.. Kasi naman eh! Gusto kong sabihin sayo ng personal. Sorry na nag lihim ako sayo." doon na ako natawa ng tuluyan kaya sumimangot siya sa akin " Kasi naman eh.. Nakakaasar ka Julie.." maiyak iyak na sabi niya sa akin.



"Masaya ako para sayo. Pero kelan pa?" nakataas na kilay kong tanong.




"Mag 5months na.." ngumiti ako at niyakap ang kaibigan ko na masayang masaya naman. "Ikaw na next wag nang pakipot okay?"



"Ewan ko sayo.."




"Uhm.. Julie! Kamusta?" napatingin ako kay Clyde at pinanliitan ng mata. "What?!" sabi niya at umiwas ng tingin.




"Maayos naman! Alis na ako baka makaistorbo lang ako sa inyo." sabi ko at kinuha ang bag ko pero hinarang ako ni Klare.




"Hindi ka aalis mag kwento ka.. Si Clyde ang aalis! Hoy Bakulaw.. Umalis kana diba may meeting ka?"




"Fine.. Parang kagabi i love you ka ng i love you sa akin." binato siya ni Klare ng throw pillow at pumasok na sa kwarto ni Klare.




"Ayoko nang pumasok sa kwarto mo bes.. Kahit humiga sa kama mo di na ako hihiga." kunyaring nandidiri ako. Inirapan niya lang ako at nag timpla ng kape niya. Ilang minuto lang ay umalis lumabas na si Clyde at lumapit kay Klare at Hinalikan niya ang noo ng kaibigan ko at uminom sa kape nito.



"Alis na ako babe!" tumango lang si Klare at lumabas na si Clyde.


"Nahiya ka pang ihatid .. " sinamaan niya lang ako ng tingin kaya natawa ako sa itsura niya namumula ang pisngi.



"So kamusta ang soul searching mo?" ngayon ako naman ang natahimik sa tinanong niya sa akin.



Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin sa Paris pati narin ang pag papa alala sa akin ng paligid ko tungkol kay Elmo.



Report to LoveWhere stories live. Discover now