dedicated to camtea_ash
A/N: Ngayon ko lang na'realized na medyo ang obob ko para ilagay dito ang mga accounts ko lol. Famewhore shet!😂---------
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa mga nangyayari. Kita mismo ng dalawang mata ko kung pano takpan ni kian ng panyo sa bibig yung babae at ang pagsaksak nito sa likod.
Sht. H-Hindi..
"Ki-" Biglang tinakpan ni xander ang bibig ko at binuhat ako na parang sako ng bigas. Nagpupumiglas ako.
Bakit... Bakit nila ito ginagawa?
"Damn mei. Wag kang malikot. Pag natanggal yang jacket alam mo na kung anong mangyayari." -bulong sa akin ni xander. At dahil doon ay natahimik ako. Madaming tao ang napapalingon sa amin.
Tama siya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko pero for pete's sake I can't! I fvcking can't! Sino ba namang tao ang kakayanin pang kumalma after what had happened? I saw a fvcking crime!
Tumigil siya sa paglalakad at maingat akong sinakay sa kotse niya. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako.
Pinaandar na niya ang sasakyan.
"W-Where are we going?" -nauutal kong tanong.
Ofcourse. Malinaw na sakin ang lahat. Dahil sa nasaksihan ko kanina ay naging malinaw na ang lahat. Pero may part pa rin sa akin na ayaw maniwala. Gusto ko pa ring marinig galing mismo kay xander ang totoo.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "I love you." -xander
Napayuko ako at nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Why xander? Why are you doing this?
Tumigil ang sasakyan. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang tingin ko sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko sa pisngi. "Stop crying wife." -nagaalala niyang sabi.
Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako. Nandito kami sa condo niya. Nanatili akong nakatayo dito sa may pintuan.
Sakit. Sobrang sakit ng puso ko.
Hindi ko inakala.
"Xander..." -mahina kong sambit.
"Here." -sabi niya sabay bigay sakin ng pantalon. Hindi ko iyon tinanggap bagkus ay tinitigan ko siya sa mga mata.
"I-Ikaw yun d-diba?" -nanghihina kong tanong. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Please say no. Please.
Don't stress yourself too much wife." -sabi niya sabay hawak sa pisngi ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi iyon ang inaasahan kong sagot.
"Why are you doing this?" -naiiyak kong sambit.
Ngumiti siya. "Because I love you." Napapikit ako sa sinabi niya. Fvck xander! Fvck.
Mas lalong dumami ang luhang pumapatak sa mga mata ko. Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mukha ko at umatras. Tinitigan ko siya ng may bahid ng lungkot at takot.
"You k-killed them... just because you love m-me?" -hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumalikod siya at sinabunutan ang buhok niya. Muli siyang tumingin sa akin ng may ngisi sa labi. "Yes. Dahil sinasaktan ka nila. Ayokong nasasaktan ka wife." Lumapit siya sa akin at idinikit ang noo niya sa noo ko.
Napapikit ako habang patuloy pa rin ang daloy ng luha sa pisngi ko. "I promised that no one can hurt you right? I'm just fulfilling it." Idinilat niya ang mga mata niya at tinitigan ako.
Hindi ko kaya...
Hindi ko siya kayang pakawalan.
Why? Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Sht xander. Anong ginawa mo sakin? Bakit kahit na alam ko na ang lahat ay hindi ko pa rin magawang magalit sayo? Bakit kahit gusto kong mabigyan ng hustisya ang mga napatay mo ay natatakot akong isumbong ka?
Natatakot akong mawala ka.
Inilayo niya ang labi niya at tinitigan ako. "Don't ever try to leave me wife."
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano sa sinabi niya. Parang may pinaparating siya.
But for fvcking sake, nadala ako sa ngiti niya. Tila nahipnotismo ako sa mga salitang binibitawan niya. Hinapit niya ang bewang ko at muli akong hinalikan.
Xander...
Bakit ba sobrang mahal kita?
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mystery / ThrillerWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20