dedicated to EuniceAnnLigos
Hindi na bumalik si kian after what happened.
Kakatapos lang namin kumain and yes, dito rin kumain sila draven. Sasabay nalang daw sila sa amin. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko dahil paalis na kami. Hindi ko na napasukan ang 2nd subject ko dahil sa babagal kumilos ng mga kaibigan ni xander.
Pag dating sa crime ang bibilis. Tss.
Lumabas na ako at naabutan doon si xander na mukhang naiinip na.
"Nauna na silang bumaba." -napansin niya ata ang biglang pagkunot ng noo.
Tumango lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko talaga magawang magalit sakanya.
"Wag mo nalang pansinin yung nasabi ni kian." -sabi niya habang nandito kami sa elevator.
I sighed.
Isa pa yun. Mas dumagdag pa yun sa takot na nararamdaman ko. Wala na ba silang ibang gagawin kundi magbigay ng takot at kaba sakin?
After a minute ay nandito na kami sa school. Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko.
Nilibot ko ng tingin ang school at bigla ko nanamang naramdaman ang halo'halong emosyon na nadama ko noon sa tuwing makakakita ako ng bangkay. Kahit na sabihing namatay na yung babaeng nakakita sakin, may isip pa rin ang mga estudyante. At alam kong dadating ang araw na mapapansin nilang konektado sa akin ang mga namamatay.
Wag sanang mangyari.
"Wife. Male'late kana." -nababagot na sabi ni xander.
Umiling ako sakanya. Pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas.
"Xander!" -naiinis kong sigaw.
"You need to attend your class." -sabi niya habang hinihila ako.
"But I don't want to!" Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Why?" -taas kilay niyang tanong.
Hinila ko ang kamay ko at napayuko ako. Nagsimula nanamang manginig ang katawan ko.
"N-Naaalala ko.." -mahina kong sambit.
Ang hirap kalimutan. Sobrang hirap kalimutan lalo na't nasaksihan mo ito mismo. Para siyang naka'glue na sa utak ko at ayaw matanggal kahit anong gawin ko.
Napabuntong hininga siya at niyakap ako.
"I'm sorry wife. I'm sorry for making you feel like this." -nagaalala niyang bulong sa akin.
Hindi ko napigilang makadama ng lungkot.
No Xander... hindi mo kasalanan.
Ako ang may kasalanan. Dahil sa sobra mong pagmamahal sakin ay nagagawa mo iyon. Kasalanan ko.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko.
"Tara?" -naka'ngiting sabi niya.
Ngumiti din ako at tumango.
I love him so much and I can't afford to loose him.
3 subject na ang natapos. Lagi akong tumitingin sa wrist watch ko. Habang umaandar ang oras ay palala ng palala ang kabang nararamdaman ko. Hinihintay ko ang sigawan muli ng mga estudyante, ang mga takbuhan sa hallway. Pero kanina pa ako nagtataka dahil hanggang ngayon sa wala pa rin. Ano nanaman bang ginawa nila?
"Ms. Laxama."
Napatingin ako sa prof. ko sabay tayo.
"Yes sir?" -may nagawa ba akong mali?
"It looks like malalim ang iniisip mo. Care to share?"
Napatingin ako sa paligod ko at lahat sila ay natatawang nakatingin sa akin.
"N-Nothing sir." Damn.
Nahuli nanaman akong nagde'daydream.
"Is it xander?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang sumigaw.
"NO!" -as in sigaw talaga.
Nanlaki ang mata ng prof kong nakatingin sa akin at tila hindi makapaniwala. Sht. Napayuko ako ng marinig ko ang tawanan ng mga classmates ko. Ghad mei. What did you do?
"Enough!" -suway ng prof. ko
Parang robot naman na awtomatikong napatigil sa pagtawa ang mga kaklase ko.
Inayos ni prof ang salamin niya sa mata. "Hindi naman masama na isipin mo siya. But not everytime. Too much possessiveness could harm, Ms. Laxama."
Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa huling sinabi ng prof ko. At parang makina na paulit'ulit nagpe'play sa utak ko.
'Too much possessiveness could harm.'
'Too much possessiveness could harm.'
'Too much possessiveness could harm.'
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Misterio / SuspensoWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20