Part 31

13K 290 24
                                    


Magkahawak kamay kami ni xander habang tinatahak namin ang daan papunta sa room kung nasan si dad. Pareho kaming may ngiti sa labi. Pakiramdam ko ay namumula pa rin ako. Nasa tapat na kami ng pinto nang huminto si xander at tumingin sa akin.Tumingin rin ako sa kanya ng may bakas ng pagtataka sa mukha.

"Why?" 

Bigla siyang sumimangot.Di ko alam pero nataranta ako nung makita ko siyang nalungkot.

May nagawa ba ako?

Hinampas ko siya sa braso pero mahina lang. "Hoy."

Nakatingin pa rin siya sa akin. 

"Hoy~" sabi ko ulit sabay sundot sa braso niya.

Putek.

Nagpapaka'isip bata nanaman ulit to. 

"Bahala ka dyan. Isip bata!" sabi ko sabay talikod na para umalis.

Hindi ko pa nahahawakan ang doorknob ay bigla niyang akong hinigit at isinandal sa pader. At napapikit na lamang ako nang maramdaman kong muli ang labi niya sa labi ko. Akala ko ay bibitaw lang din siya agad pero mas nilaliman niya pa ito.

Para akong nalulunod sa ginagawa niya. Ang kaninang inis ko ay biglang nawala. Ano bang gayuma ang mayron ka xander at nagkakaganto ako?

Patuloy ko lang tinutugunan ang halik niya.

Binitawan na niya ang kamay ko at nakahawak na siya ngayon sa mukha ko habang ang kamay ko naman ay nakapulupot sa bewang niya.

Sht.

Hindi ba siya titigil? For fvcking sake nandito kami sa hospital!

Hindi ko magawang lumayo kasi...

Kasi ano...

Basta hindi ko magawa! Tss.

Maya'maya pa'y nagiging malumanay na ang paghalik niya hanggang sa hindi ko na maramdaman pa ang labi niya sa labi ko.

Magkadikit ngayon ang noo namin at nanatili pa rin akong nakapikit. 

"I. Love. You." napa'ngiti ako sa sinabi niya.

Idinilat ko ang mga mata ko at doon ay nagkasalubong ang mga tingin namin. Para kaming ewan dito na nakangiti sa isa't isa.

"Porn! Wooo!"

Wala pang isang segundo ay naghiwalay agad kami at sabay na napatingin sa taong dumating.

I mean- mga taong dumating. Sila draven lang naman.

Lahat ata ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko at nag'stay sa pisngi ko dahil sa sinabi niya.Napatingin naman ang ibang taong dumadaan sa amin dahil sa sigaw na iyon.

"The fvck lexis?!" naiiritang sigaw ni xander.

Kita kong namumula ang tenga niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o katulad lang nang nararamdaman ko.

Argh!

Bakit ba kasi biglang sumulpot ang mga kaibigan niya?

"So?" may kakaibang ngiti na ipinakita si joseph.

"I smell something fishy." -pang'aasar ni draven.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni xander. Mukhang naramdaman niya iyon kaya nag'react siya bigla.

"Stop it guys." -mahinahong sabi niya.

Lumapit siya sa tabi ko at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko at mas inilapit pa ako sakanya.

Hinampas ko siya sa braso. 

"Ouch naman wife." reklamo niya.

Napabitaw naman siya sa pagkakapulupot sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata but heck! Ngumuso lamang siya na parang bata pero para sa akin ay mas mukha siyang tanga pag ginagawa iyon. Tsk.

Here he goes again. His childish act.

"May dapat ba kaming malaman?" 

Napalingon ako kay kian nang magsalita siya.

Imbis na umitim muli ang aura ko ay wala akong ibang naramdaman kundi saya. Bumabalik sa isip ko ang planong sinabi ni xander.

I'm fvcking excited.

Seryoso silang tatlo na nakatingin sa amin. Naghihintay sila sa sagot namin ni xander.
Nagkatinginan kami ni xander. At sabay rin kaming tumawa.

As in tawa talaga.

Magkahawak kamay kaming tumalikod sa kanila at nauna nang pumasok sa kwarto.

"Hey! What the heck guys?"

"What was that?"

"Dunno."

"Ang daya xander!"

Napahagikgik naman ako sa narinig kong mga komento nila. Pumasok din naman sila agad pero panay pa rin ang pangungulit nila.

"Shut it!" may pagkairita ang tono ng boses ni xander pero nang mapatingin siya sa akin ay bigla siyang ngumiti ng sobrang lapad.

Natawa naman ako sa ipinakita niya.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni dad. Sumunod sa akin si xander at umupo sa tabi ko. Isinandal niya ang baba niya sa balikat ko at ramdam kong nakatitig nanaman siya sa akin. 

"Quit staring. Tss." sabi ko.

Nakaka'ilang kaya. Psh!

"I love you wife." bulong niya sa tenga ko. Pinigilan kong kiligin at mapangiti sa sinabi niya.

"Yeah. Yeah." -parang wala ko pang ganang sambit.

Humiwalay naman siya sa pagkakapatong ng baba niya sa balikat ko at kunot noong tumingin sa akin ng diretso.

"Where's my I love you too?" Ngumiti ako sakanya ng matamis.

"Hey wife." -malungkot na sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Dahil nga sa malakas ang kiliti ko doon ay agad rin akong nag'react. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko.

"Tumigil ka!" -pinipigal ko ang mapasigaw.

Leche talaga to.

"Excuse lang lovebirds ah" -napatingin kami kay draven.

Nakatingin pala sila sa amin. May kakaibang ngiti sa labi nila habang si kian ay seryoso lang.

Laki ng problema nito. Parang laging pasan yung mundo e. And yes.Hindi na ako natatakot sa kanya. Xander's right. I need to be brave. At kumpyansa na ako ngayon dahil alam kong kasama ko na si xander sa lahat ng mga mangyayari.

"What?! Tss. Siguraduhin mong maganda yang sasabihin mo or else." matiim siyang tinitigan ni xander.

At natawa na lamang ako sa naging reaksyon ni draven.

"Nasa amin na yung babae." 

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong silid at parang nagiba ang atmosphere dito.
Pinagsaklop ko ang aking mga palad habang hindi ito mapakali.

Bakit ganito?

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Dati ay halos lahat ng pwede kong maramdaman ay nadama ko na. Para na akong sasabog sa kaba. Pero ngayon...

I don't know.

Nakaramdam ako ng saya. Para bang natutuwa pa ako sa narinig ko.  Alam kong mali.

Biglang hinawakan ni xander ang kamay ko. Tumingin ako sakanya at nilipat ko ang tingin ko kay dad.

I don't care anymore.

Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi ko. Tumingin ako sa mga kaibigan ni xander na nakatayo sa harapan namin.

I smirked. "Really? Then good." I said nang may ngiti sa labi.

I want that girl...

Gone.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon