Part 29

12.9K 264 5
                                    


My parents are here.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin nung makita ko silang andito. Kinausap siya ng dean at sinabi lahat nang nangyayari. Hindi ako kumikibo at halos hindi na rin ako makahinga sa kaba at takot.

"Hindi yan magagawa ng anak ko." -naiiyak na sambit ni mommy. Napayuko ako dahil sa narinig ko.

"We have evidences madame." -dean.

Gusto ko siyang patahimikin ngayon. Hindi ko alam pero kanina habang naguusap sila ay para akong binabalot ng galit at takot. Galit dahil sa mga hindi totoo niyang sinasabi. At takot para sa mga posible pang mangyari.

"Dammit!" -napatayo si daddy at hinampas ang table.

Gulat kaming lahat sa tinuran niya.

"Alam niyo ba yang sinasabi niyo? That my daughter is a killer?! Are you out of your mind?" -nanggagalaiting sambit ni daddy.

Hinawakan siya sa braso ni mom at inalalayan umupo kaso nagpupumilit si daddy. 

"No! Hindi ako naniniwala sa inyo! My daughter can't do that! She's not a fvcking killer!"

Tumayo ako at lumapit kay daddy nang makitang napahawak siya sa may bandang dibdib niya. Inalalayan namin siya ni mom palabas dahil hindi na siya pwedeng mag'stay dito. Bago ko isara ang pinto ay tumingin muli ako sa dean.

"I-I'm sorry for that sir." -nakayukong sabi ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at lumabas na rin ako para puntahan si dad.

"Dad... I'm sorry." -mahina kong sabi.

Ilang beses siyang bumuntong hininga bago hinawakan ang kamay ko. 

"No baby. Naniniwala akong wala kang kasalanan." 

Tumingin ako kay daddy at napa'ngiti sa sinabi niya.

Pero napawi ang ngiti kong iyon nang makitang napahawak nanaman siya sa dibdib niya. Nagmadali kami ni mommy alalayan siya.

"Dad..."

"I'm f-fine." Hinawakan ko si daddy sa braso upang alalayan habang si mommy ay nakasunod lang sa amin.

Kinakabahan ako.

Naiisip ko palang ang posibleng mangyari ay di ko na kinakaya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag inatake si daddy dahil sa akin. Hindi ko na alam pa.

"Mei? Tita Max?" Nasa harapan namin si xander.

Mabilis itong lumapit sa amin at siya na ang umalalay kay daddy. Sumunod lang kami ni mommy habang sinasakay niya ito sa kotse niya. 

"Xander... bilisan mo." -umiiyak kong sambit.

Nahihirapan na si daddy huminga. I can feel it. Hinawakan ko ang kamay ni daddy.

Please dad. You can't leave us.

Hinagod ko ang likod ni mommy para patahanin sa pagiyak kahit ako mismo ay halos humahagulgol na. Walang ibang nasa isip ko ngayon kundi ang kalagayan ni daddy. Nabigla siya sa mga narinig niya.

B-Bakit kailangan pa itong mangyari?

Pagkadating sa hospital ay agad nilang ibinaba si daddy at dinala sa ICU. Nanghihinang napaupo ako sa sahig habang si mommy ay patuloy na umiiyak na nakatanaw sa salamin ng pinto.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon