dedicated to bewawo
Pagka'ring nga bell ay agad akong lumabas upang salubungin si xander. Buti naman at hindi na siya magpapahanap ngayon. Tsk.He kissed me at kinuha ang bag na dala ko.
"Cafeteria?" -nakangiti niyang tanong.
Ngumiti ako at tumango na din.
Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang magisip nanaman. Everytime I'm with him, hindi na siguro maiiwasan yun.
Dahil na rin sa mga nangyari.. At sa mga mangyayari pa. Actually hanggang ngayon hindi pa ako maka'move on sa sinabi ng prof ko. Parang totoo. I mean.. Parang nangyayari.
Nabalik sa realidad ang pagiisip ko ng makaramdam ako ng pagdampi sa labi ko. Hinawakan ni xander ang noo ko at parang inaayos niya ito.
"Nakakunot nanaman noo mo." Hinawakan ko ang kamay niya at inilayo sa noo ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Konti nalang magseselos na ako sa sobrang dami ng iniisip mo." -sabi niya pa.
Kung alam niya lang. Damn. Pagkatapos ng mga nangyayari, lagi nang out of nowhere ang pagiisip ko. Mababaliw na ako nito e!
"There's nothing to be jealous of." -sabi ko para matahimik na siya.
Napatingin ako sa paligid ko. Wala pa rin.
Masayang kumakain at nagkukwentuhan ang mga eatudyante na parang normal lang ang lahat. Napangiti ako. I guess there's nothing to worry about. Mukhang nagbago ang isip ni kian.
Tumingin ako kay xander na busying kumakain sa harap ko. Gusto kong malaman kung anong ginawa nila. Hindi naman sa makikisama na ako sa mga plano nila. I just want to know para mapigilan ko sila. Actually kanina pa ako nagiisip ng solusyon kung paano ako makakatulong.
At naisip kong mag'ingat.
Hindi ko hahayaang may makabangga ulit ako. As far as I can, ako nalang ang lalayo sa gulo.
"Hubby.." -tawag ko kay xander.
Tumingin siya sa akin.
"Where's the body of the gir-" A loud scream cut me off.
Nagkakagulo sa labas.
"Omy! May patay nanaman!"
"Wtf?! Seriously?"
"Ogash! It's perry!"
"Waaaaah! Ang creepy na talaga dito sa school."
"I'm gonna tell my mom to transfer me immediately."
Napatayo ako at hindi na hinintay pa si xander. Naiinis ako. Naiinis nanaman ako. Akala ko wala na. Akala ko natauhan na sila.
But what the heck?! Mas lalo silang lumalala.
Sinusundan ko ang takbuhan ng mga students hanggang makarating ako sa field. Napatakip ako sa bibig dahil sa nasaksihan ko. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena pero hindi pa rin maiaalis ang kilabot na nadarama ko sa tuwing makakakita ako ng ganto.
Napupuno ng dugo ang gitna ng field.
Nakahiga yung babae at dilat ang mga mata nito. Basag ang bungo na halos hindi na malaman ang itsura. Madaming sugat sa katawan at nakanganga pa ito habang may nakasaksak na kutsilyo sa bibig.
Napaatras ako at napapikit.
Ang namumula niyang mga mata... para niya akong tinitignan.
Nakakatakot.
Nakakadiri.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga rooftops.
Hinulog siya..
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa iba nang may mahagip ang mga mata ko. Sa rooftop ng Bldg. 3...
Nakita ko kung paano niya ako nginitian at kinawayan. Fvck!
Kian...
I closed my fists.
Galit akong tumalikod para puntahan siya nang may matapakan akong bagay. Nadulas ako at huli na ang lahat para nakahawak pa ako sa may railings dahil naramdaman ko na ang malakas na impact ng pagkakauntog ko.
And then everything went black.
---------
A/N: Ayiiiiie. Hi bewawooo!
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mistério / SuspenseWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20