Pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. Hindi ko alam kung paano ko maitatago ang mukha ko sa mga mapanghusga nilang tingin.Paano ko sasabihin na wala akong kasalanan? Wala...
Pumasok na ako sa opisina at umupo sa harapan ni miss.
"Ms.Laxama." -tumingin ako sakanya.
Nararamdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko.
"Wala akong kasalanan miss." -mahina kong sambit.
Pakiramdam ko ay anumang oras ay magbe'break down ako. Ilang problema pa ba ang haharapin ko?
"Naniniwala akong hindi mo iyon magagawa Ms. Laxama. Pero may matibay na ebidensya sayo."
Napatungo na lamang ako.
Alam ko.
Nakita ko.
Pero pano ko ipaglalaban na wala akong kasalanan?
"Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon Miss." -yan lang ang nasabi ko.
"Sa ngayon ay inuumpisahan na ang imbestigasyon. At alam mo naman siguro ang mangyayari, right?" Tumango ako sa sinabi niya.
Napabuntong hininga siya bago sabihin ang mga katagang nagpapatay sakin.
"You'll be kick out from this school. At madadamay ang pangalan ng pamilya mo Ms. Laxama."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumuhod sa harapan niya. Nagulat siya sa ginawa ko.
Tuloy'tuloy ang luhang natulo mula sa mga mata ko.
"Please Miss, wala akong kasalanan. Wala akong alam sa mga bagay na nakita sa locker ko. Please..."
Napahigpit ang kapit ko sa damit ko. "Please miss, maniwala kayo sakin." Hinawakan niya ang braso ko at pinipilit akong itayo.
"Ms. Laxama please get up. For pete's sake, you don't have to do that."
"But ma'am-"
"I believe in you. Pero wala akong magagawa dahil may ebidensyang nakita laban sayo." Mas lalo akong nawalan ng pag'asa sa sinabi niya.
Nanatili pa rin akong naka'luhod kahit na pinipilit niya pa rin akong itayo. Para akong nabingi sa lahat ng mga narinig ko.
Naiintindihan ko.
Matatanggal ako sa eskwelahan na ito at madadamay pa ang pamilya ko. Masasayang ang lahat ng pinaghirapan ko. Ipagtatabuyan ako ng lahat.
Narinig ko ang malakas na pagkakabukas ng pintuan ngunit hindi pa rin ako natinag sa pagkakaluhod ko. Parang hindi na ata mauubos ang luha sa mga mata ko.
Naramdaman ko ang paghawak sakin sa magkabilang balikat at ang marahas na pagkakatayo sa akin. Hindi na ako nakapalag pa dahil sumasama na rin ang pakiramdam ko.
"Ako na po ang bahala sa kanya miss." -narinig ko ang isang napaka'pamilyar na boses. Inalalayan ako nito hanggang makalabas kami sa opisinang iyon.
Tuloy'tuloy lang kaming naglalakad.
Kahit kilala ko kung sino siya, hindi ko magawang umangal o magwala para lang pabayaan nalang niya ako.
What is happening to me? Why is this happening to me?
"Wife..."
Hindi ko namalayang tapos na kami sa paglalakad. Hindi ko tinugon ang tawag niya at kahit pagtingin ay hindi ko magawa.
Bakit ba siya andito?
Bakit siya?
Hinawakan niya ang baba ko at itinaas upang magkatinginan kami. Eksaktong pagtama ng paningin namin ay hindi ko na napigilan ulit ang luha ko.
Bigla niya akong niyakap.
At sa pagkakataong iyon ay humagulgol na talaga ako.
Xander...
"Stop crying wife." -bulong niya sa akin.
Nanatili lang akong nakatayo habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko magawang tugunan ang yakap niya. Nagbalik sa alaala ko ang lahat.
This is all his fault!
Pero hindi ko alam kung bakit mas nagingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sakanya kaysa sa galit.
"Xander... leave me alone." -tinutulak ko siya.
Mas hinigpitan niya pa ang yakap sakin.
Mas lalo akong naiiyak sa ginagawa niya.
"Iwan mo na ako xander. Please lang." -pinipilit ko pa rin siyang itulak palayo.
Hindi ko alam kung malakas ba talaga siya o sadyang nanghihina lang talaga ako ngayon.
"No wife. Hindi kita iiwan. Hinding hindi." Parang may tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya.
"Stop it xander! Just stop!" -hindi ko napigilang sumigaw.
Para akong natauhan at doon ay malakas ko siyang naitulak. Napahiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
"I don't need your comfort! I don't need your sympathy! I don't need you! Can you please get lost?!"
Para akong nabuhusan ng hininga sa sinabi ko.
Para kong pinatay ang sarili ko.
I know. Masyado ko na siyang nasasaktan. But that's the only way I know para lumayo siya at magbago.
"You don't mean it wife." -seryoso pero bakas ang sakit sa tono ng pananalita niya.
Pinunasan ko ang pisngi kong natuyuan na ng luha.
Napabuntong hininga ako.
Mauulit lang ang lahat and I'm tired of this shts. Tumalikod na ako para maglakad palayo.
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mystery / ThrillerWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20