"Damn."Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay xander. Problema nito at nagmumura nalang bigla?
Tumingin siya sa akin kaya napataas ako ng kilay. Siguro naman na'gets na niya ang ibig kong sabihin dun. Ayokong magsalita. Nakakatamad.
"Baka nalusutan ni kian." napatigil ako sa pag'nguya dahil sa sinabi niya. Sht.
Hindi yun pwede. Pinahamak ko si lea na nagiisa kong tinuring na kaibigan dito tapos mauuwi din sa wala?
15 mns. na ang lumipas pero wala pa kaming narririnig na sigaw o chismisan sa paligid. Tsk.
Uminom ako ng juice bago tumayo.
"Where are you going?" xander
"Restroom." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagsimula na akong maglakad palayo.
Pagpasok ko sa cr ay walang tao. Dumiretso ako sa pinaka'dulong cubicle.
"I'm sure binayaran niya ang dean para hindi siya mapaalis."
"Hindi talaga ako makapaniwala na nandito pa rin siya."
"Kinikilabutan nga ako kapag nakakasalubong ko iyon sa hallway."
"Dapat kasi pinakulong nalang yun."
Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga sinabing iyon nila. Kahit wala silang binanggit na pangalan, alam kong ako ang tinutukoy nila. Parang biglang bumalik ang pakiramdam ko sa dating mei.
Yung mei na mahina.
Yung mei na laging umiiyak.
At yung mei na walang magawa kundi pakinggan at tanggapin na lang ang masasakit na sasabihin ng iba.
Pakiramdam ko ay tutulo anumang oras ang luha ko. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko bago napagpasyahang lumabas. Napatingin sa akin yung dalawang babae na kaninang nagsasalita at parehong nanlaki ang mga mata nila. Hindi pa ako nakakalapit sa kanila ay kumaripas na sila ng takbo palabas.
I sighed.
Ganun ba talaga ako nakakatakot lapitan?
Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. "Wala akong kasalanan." Damn.
Ayoko ng ganito. Ayoko nang maging ganto.
Nagitla ako sa pagtunog ng bell. Nang matauhan na ako ay lumabas na rin ako upang balikan si xander sa cafeteria.
"What took you so long?" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa labis na gulat nang biglang may magsalita sa likuran ko.
"Papatayin mo ba ako?" naiirita kong singhal kay xander na nakasandal sa pader.
Nagiging magugulatin na ako. Tss.
Natawa siya sa sinabi ko at lumapit sa akin upang yakapin ako mula sa likuran. "Of course not wife. Hindi ko yun kaya." bulong niya sa tenga sabay kagat dito.
Fvck. Tumaas mga balahibo ko dun.
Inapakan ko yung paa niya kaya napalayo siya sa akin at ilang beses na napamura sa sakit. Serves him right. Pano kung may makakita sa aming staff ng school? Edi nadagdagan pa kaso ko dito.
Minsan talaga bobo din to si xander e.
Hinayaan ko siya doon magtatatalon sa sakit habang hawak yung paa at nagsimula na akong maglakad palayo sakanya. Male'late na ako sa sunod kong klase.
Papaliko na ako para bumaba sa 2nd floor dahil doon ang room ng susunod kong klase.
"Aw." mahina kong daing.
Napasandal ako pader habang yung bumangga sa akin ay napaupo sa sahig. Agad ko naman itong tinulungan tumayo. "Lea?" gulat pero may halong pagtataka kong tanong.
Mukha kasi siyang balisa at nagmamadali na parang may humahabol sakanyang multo o ano. Palinga'linga siya sa paligid at hindi mapakali.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyugyog.
"Hey. Chill lang." paulit'ulit kong usal. Para siyang biglang natauhan at napatingin sa akin.
Bigla niya akong niyakap na ikinalaki ng mata ko. What the?
"M-Mei..." -nanginginig siya.
Hinaplos ko ang likod niya upang pakalmahin siya. "Lea calm down." Napalingon ako sa kakadating lang na si xander.
Nakatingin siya sa amin at nakakunot ang noo. Wag mo sabihing pagseselosan niya rin si lea?
Nabalik ang tingin ko kay lea nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinwakan ang dalawa kong kamay. Tinitigan niya ako sa mga mata habang umiiyak.
"Ano bang problema?" -nagaalala kong tanong.
Kahit na alam ko na kung ano talaga ang dahilan. Totoong nagaalala ako sakanya ngayon dahil sa itsura niya. Namumutla siya at parang takot na takot.
Pero hindi ko maitatagong nasisiyahan ako sa loob loob ko.
Gumana siya. Nagsisimula na.
"S-Si...s-si..." nahihirapan niyang sabi. Naghahabol pa siya ng hininga.
Fvck. Bakit ba nae'excite ako sa susunod niyang sasabihin?
"S-si k-kian.... kille-r..." Napatigil ako sa sinabi niya at tinignan siya na parang hindi makapaniwala.
I need to act like this.
Yinakap ko siya nang bigla nanaman siyang humagulgol ng iyak. Tumingin ako kay xander na nakatingin sa amin at sumilay ang ngiti sa labi ko.
I can't help it.
Sobra akong nasisiyahan sa nangyayari ngayon.
I'm sorry lea. Pero hindi ko lang talaga mapigilan maging masaya.
"Shhh. It's okay. Let's go, baka may makakita pa sating teacher." sabi ko gamit ng nagaalalang boses.
Pinunasan niya ang luha niya at nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sakanya. Ganyang'ganyan din ako noon nung nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano nila pinatay ang mga estudyanteng walang kalaban'laban. Kaya parang nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya kanina at talaga namang nalulungkot din ako.
But sad to say...
Mas nangingibabaw ang saya na nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mistério / SuspenseWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20