"Mei."Naglalakad ako ngayon sa hallway kasama si xander and his friends. Ewan ko kung bakit kasama ko sila. Wala akong pakialam.
Gusto ko makita yung babae kahapon. Kailangan kong makita.
"Wife."
Pero sht lang. Hindi ko siya masyadong namukhaan. Peripheral vision ko lang kasi ginamit ko kahapon kaya napansin ko siyang nakatingin sakin at ilang segundo lang yun.
"Wife." -napatingin ako sa katabi kong si xander.
"What?!" -naiinis kong tanong.
Nakakainis.
"May hinahanap ka?" -para akong nasapul sa sinabi niya.
Ghad mei. Masyado kang obvious.
Pasimple kong kinuha ang isang notebook ko sa bag ko.
"Ah wala. Baka kasi makasalubong ko yung prof. ko, hindi ko pa kasi tapos yung letter." I lied.
Tumango tango naman siya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Hinatid nila ako sa room ko then after that ay umalis na sila. After class ay dumiretso na ako sa locker ko dahil nabibigatan ako sa bag ko. Tuwing mapapadaan ako sa hallway na malapit sa locker, naaalala ko ang lahat.
At hindi pa rin talaga maalis ang kilabot na nararamdaman ko.
Pagkalagay ko ng mga bagay na dapat kong ilagay ay napag'pasyahan kong pumunta sa cafeteria. While walking at the corridor, I decided to text xander na sa cafeteria nalang siya dumiretso.
May klase pa kasi. Humahanap na ako ng tyempo. And I have my plans too, sana maging okay na ang lahat. Binulsa ko ang phone ko at pipihitin ang doorknob-
When someone pushed me hard.
Tumama yung likod ko sa may railings at muntik na akong mahulog kung hindi lang ako nakahawak.
Nanginginig akong napatingin sa field sa baba. Sht! Nasa 3rd floor ako for fvcking sake!
"Sayang." -I heard a girl's voice.
Lumayo ako sa railings at galit na tumingin sa mga babae sa harapan ko.
Lima sila. And what the hell? Bakit sila nanunulak? I was about to shout nung mabilis na lumapit sa akin ang isang babae at may itinakip sa ilong ko.
Nanlalaki ang mata ko, lalaban na sana ako nang makaramdam ako ng pagkahilo. No...
"Argh!" -halos malunod ako sa tubig na ibinuhos sakin. The fvck?!
Nagising ang buong diwa ko dahil doon. Nangigigil kong minulat ang mga mata ko.
"Tagal mong gumising e." Yung limang babae kanina...
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Srsly? Nandito ako sa gitna ng auditorium at nakatali sa isang upuan.
Sinampal ako nung isang babae. Deym.
Tinignan ko sila na parang walang nangyari kahit ramdam ko ang pagkirot ng pisngi ko.
*pak* "Quit staring btch." -sabi nung isang naka'ponytail. Argh!
Hindi ko pa naaayos ang pagkakaupo ko ay sinampal na ulit nila ako. This time ay natumba ang upuan na kinauupuan ko at syempre ako ay nasama. Dama ko ang kirot sa ulo ko ng tumama ito sa sahig at ang kirot sa labi ko dahil sa tingin ko ay nagkaroon ito ng cut.
Itinayo nila ang upuan ko at hinawakan ako sa panga nung isang babae na sa tingin ko ay ang leader nila.
"You killed her." -sabi niya at muli akong sinampal na sa tingin ko ang bumakat ang palad niya sa pisngi ko.
Aw. I can feel the pain. Feeling ko sobrang pula na ng magkabilang pisngi ko.
"I didn't do anything." -nanghihinang usal ko. Nahihirapan ako magsalita dahil sa sugat sa labi ko.
Inayos niya ulit sa pagkakatayo yung upuan sa pamamagitan ng pagkasabunot sa akin. Napadaing ako sa sakit. Feeling ko matatanggal na ang anit ko sa higpit na hawak niya.
"What? What btch?" -nanggigil na tanong niya. Itinapat niya ang mukha niya sa mukha ko.
"You killed my bestfriend. You and your dumbass boyfriend killed perry. You're a killer." -galit na sabi niya habang pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa buhok ko.
"Help!" -sigaw ko. Nagbabakasakaling may makakarinig sa akin.
"Uggh!" -daing ko dahil sa malakas na sampal na nakuha kong muli.
"No one can hear you darling. Pinapagod mo lang sarili mo."
"I'm not a killer!" -sigaw ko dun sa babae.
She glares at me.
"Ahhh!" -napasigaw ako sa sakit ng maramdam ko ang matalim na bagay na humiwa sa braso ko.
I don't deserve this. Hindi ako ang pumatay.
"H-Hindi ako... please." I'm scared. Tumulo ang luha sa mga mata ko.
Xander..
Help me.
"Really? I have an evidence btch." -galit na sabi ni at tinawag ang pangalan ng isang babae.
Hindi na ako nagulat sa nakita ko. I know. Siya yung babaeng nakarinig at yung nasa cr. Ang bilis naman niya. Tch. Tinitigan lang din ako nung babae at halatang natatakot siya.
"So? Ano bang kaya mong gawin?" -nangaasar pero may batid pa rin ng galit ang tono ng pananalita niya.
Tinadyakan niya ang upuan kaya natumba ulit ako. At sa pagkakataong yun ay hindi ko na alam po kung gaano kasakit ang naramdaman ko. Parang nabasag ang bungo ko at nabali ang spinal cord ko.
"Please.." -nanghihina kong sambit. Itinayo niya muli ang upuan.
"Please?" -aniya at bigla siyang tumawa na parang baliw.
Muli kong nilibot ng tingin ang lugar nato. The 4 other girls are just staring at me with btchy look on their faces.
I feel so hopeless.
Napapikit ako ng maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak muli sa panga ko.
"Killer ka? Sige nga, patayin mo kaming lahat."
After she said that ay bigla niya akong sinuntok.
Napaubo ako ng dugo.
Xander... Fvck! Where are you? I don't wanna die. Wala akong kasalanan.
Tuloy'tuloy na ang daloy ng luha sa pisngi ko. Para akong mauubusan ng hininga. Sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko. It wasn't that clear but I still can see kung ano ang hawak nung babae.
Nanlamig ako. Hindi ako halos makagalaw at tila panginginig nalang ang kayang gawin ng katawan ko.
It's a knife.
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "You killed my bestfriend. And I'm sorry to say this but... Your life ends here."
Itinaas niya ang kamay niyang may hawak na kutsilyo. Napapiikit na lamang ako. Para akong nanghihina..
My memories with xander are flashing in my brain right now. It's like a comfort movie.
Habang hinhintay ang matalim na bagay na kikitil sa buhay ko.
Xander...
I love you.
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mystery / ThrillerWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20