Part 23

13.1K 276 10
                                    


Napagpasyahan kong dumiretso sa cafeteria after what had happened.

Papasok na sana ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong hindi ko inaasahan.

Napatingin siya sa akin.

"Yo mei!" -draven

Tinignan ko lang siya at hindi man lang ngumiti. Yes. Sila nga. Si xander kasama sila draven. At syempre si kian.

Napansin ko ang pagtingin sa akin ni kian gamit ang peripheral vision ko. Umiwas ako ng tingin at hinawakan na ang doorknob para pumasok sa cafeteria.

But xander held my arms. Sht. Not again.

"Mei please let's talk." -mahina niyang sambit.

Hindi ko siya magawang lingunin. Nanatili lang akong nakatayo at nakaharap sa pintuan. Hinihila niya ang braso ko at pilit akong pinapatingin sakanya.

"Stop it xander. Wala na tayong paguusapan." 

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Tinignan ko siya ng walang pinapakitang ekspresyon. Napayuko siya at unti'unting tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Inilipat ko ang tingin ko kay kian. Hindi ko gagawin ang gusto mo.

Never.

Binalik ko na ang paningin ko sa harapan ko at binuksan na ang pintuan para makapasok ako. Nakatapos na akong umorder ng kakainin ko at kasalukuyang naglalakad para maghanap ng mauupuan.

"Sht." -I cursed.

The heck?

Nakarinig ako ng tawanan sa paligid ko.

May nakaharang na sinulid sa dadaanan ko kaya napatid ako. Biglang tumahimik ang buong cafeteria dahil sa malakas na pagmumura ng isang tao.

Tumingala ako at nakita si kian na galit na nakatingin sa damit niyang natapunan ng juice na binili ko kanina.

Tumayo ako at hinarap siya. "Fvcking sht!" -mura niya ulit.

Sakanya kasi natapon ang laman ng tray na dala ko dahil siya ata ang nasa harapan ko kanina. Ngumiti ako sakanya ng matamis.

"Sorry?" -may halong pang'aasar kong sambit.

Galit siyang tumingin sa akin.

Tumingin muna siya sa paligid niya bago ibinalik ang tingin sa akin. Nakatuon sa amin ngayon ang halos lahat ng students dito.

Lumapit siya sa akin. "You're welcome." -bulong niya.

Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi't pinakita niya. Namamalik'mata ba ako o nakita ko talaga siyang ngumiti?

Pagkasarang'pagkasara ng pinto ng cafeteria ay umingay na ulit.

"Ang kapal ng mukhang dumihan si kian."

"Careless btch."

"Hindi kasi marunong tumingin sa dinadaanan."

Ipinilig ko ang ulo ko at hindi na lamang inintindi ang mga bulungang naririnig ko.

Bumulong pa sila.

Napasigaw ako dahil sa lamig na naramdaman ko. May bumuhos sa akin ng juice. And take note! Puno pa yun ng ice cubes.

"What the hell?" -naiirita kong sambit.

Biglang may sumabunot sa buhok ko. "How dare you para ganunin si kian?" -sabi ng babaeng sumabunot sa akin.

"Let go!" -sabi ko at pinipilit tanggalin ang pagkakasabunot niya.

Pero imbis na bitawan ay itinapon niya pa sa mukha ko ang isang cake na nasa lamesa.
Naghiyawan ang mga tao sa paligid ko at nagtawanan.

Napapaiyak na ako sa labis na sakit at kahihiyan.

"Bagay lang sayo yan btch!"

"She's the suspect right? Huh! Karma, eh?"

"Just kill her veronica!"

Mas humigpit ang hawak sa buhok ko nung nangangalang veronica.I guess narinig niya yun. Tinignan niya ako ang nginitian. 

"So ikaw pala yun?"

Umiling ako ng paulit'ulit. Wala akong kasalanan.

Sinampal niya ako at pakiramdam ko ay bumakat iyon sa pisngi ko. Binitawan niya ako at tinulak. Malakas ang naging pagbagsak ko sa sahig kaya nakarinig ako ng ilang hiyawan at pagtawa sa paligid ko.

Tumingala ako at nakita ang mga mukha nilang tuwang'tuwa sa nangyayari sa akin ngayon.

I was about to stand when someone kicked me. Napasigaw ako sa sakit.

"Stop it." -coldly said by someone.

Awtomatiko namang napatigil sa pagtawa ang lahat ng nandito. May humawak sa magkabilang braso ko at tinulungan akong tumayo.

"What the fvck?!" -galit niyang sigaw.

Hinubad niya ang jacket na suot niya at ipinatong iyon sa balikat ko. Hinawakan niya ako at inalalayan maglakad.

Pero bumitaw ako at lumayo sakanya. 

"Mei..." -nanghihina niyang banggit sa pangalan ko.

Yumuko ako at tinanggal ang jacket niya. Binalik ko ito sa kanya. Lalapit na sana siya sa akin nang pigilan ko ito. 

"Don't." -malamig kong sambit.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Nagsimula na akong maglakad palayo habang nananatiling nakayuko.
Naggi'give way naman ang mga students.

Hanggang sa makalabas ako ay hindi ko siya nagawang lingunin.

Sorry xander. I'm sorry.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon