"Nabalitaan niyo ba?""Yung kumakalat na balita about sa killer ulit?"
Pagpasok ko ng school ay ayan agad ang chismis na bumungad sa akin.
Hindi ko napigilan ang mapangiti.
Bahagya kong binagalan ang paglakad ko para marinig pa ang usapan ng dalawang estudyante na madadaanan ko.
"Oo. Si kian daw."
"I really can't believe it."
"Me too. Ayokong maniwala pero pakiramdam ko totoo."
"Baka naman ginigiit lang ni mei si kian para mawala ang bintang sakanya."
Napahinto ako sa paglalakad at napayuko.
Nagkunyare akong may hinahalungkat lang sa bag ko pero ang totoo ay gustong ko lang mapatagal pa para marinig ko pa ang sasabihin nila.
"But I think wala pa ring alam yun ngayon. Si lea daw ang nagkalat ng balita."
"Yeah. Nakita niya daw mismo kung paano nilabas ni kian sa isang abandoned room ang walang buhay na katawan ng isang student."
"Really? Ohmy. Ang creepy na talaga dito."
"Sinabi mo pa."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang nakayuko pa rin.
I smirked.
Well, alam ko naman na hindi pa sila masyadong maniniwala. Inaasahan ko na yun. Sa ngayon, mas mabigat pa rin ang kaso ko dito sa school dahil madami nang ebidensya ang nakita laban sakin kumpara kay kian na si lea lang naman ang nakasaksi.
Nagsisimula pa lang ako.
"Sinong iniisip mo?" napatingin ako sa taong nagsalita.
Hinawakan nito ang kamay ko at kinuha ang bag ko.
"Sino agad? Hindi pwedeng ano?" pagtataray ko dito.
I'm just confused. Kahapon ko pa hindi nakikita si kian. Wala naman talaga akong pake sakanya. Nagtataka lang ako.
Wala man lang siyang ginagawang move?
"Tss." kunot noo niyang singhal sabay bitaw sa kamay ko at naunang naglakad.
Aba!
Ano nanamang nagawa ko?
"By." tawag ko. (*pronounce as Bi)
Hindi siya sumagot kahit pag'tigil sa paglalakad ay hindi niya ginawa.
Childish.
"Xander!" tawag kong muli pero this time ay may halong pagkairita na.
And damn! Hindi niya pa rin ako pinapansin.
Tss. Edi wag.
"Panindigan mo yan." sabi ko at tumalikod para sa kabilang bldg. dumaan.
Malalaki ang hakbang na ginawa ko na halos tumakbo na ako para lang hindi niya ako masundan.
Nakarinig ako ng sunod sunod na yapak ng paa patungo sa direksyon ko.
I know it's him. Nararamdaman ko.
Tamo, kaninang tinatawag hindi namamansin ngayong pinabayaan tyaka maghahabol.
Hahakbang na sana ako pababa ng hagdan nang higitin niya ang kamay ko. Napasandal ako sa dibdib niya habang yakap yakap niya ako.
Damn. Eto nanaman siya. Tinotopak nanaman.
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Misteri / ThrillerWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20