Part 44

9.9K 201 5
                                    


"Can I help you?" nagaalangan kong tanong kay xander na ngayon ay hila'hila ang katawan ni joseph upang itabi kay lexis.

Mukha kasing nahihirapan siya.

Bumaling ang tingin niya sa akin at tinignan ako ng masama. May nasabi ba akong masama?

"No. Just stay there and don't do anything stupid." Pinagpatuloy niya ang paghila kay joseph upang maitali na rin sa upuan.

Naglakad ako papalapit sakanya nang makitang patapos na siya sa ginagawa niya.

Nandidiri akong napatingin kay joseph at lexis na magkatabi ngayong nakaupo sa upuan habang parehong nakatali. Patuloy sa pagdaloy ang dugo nila.

"Hindi kaya mamatay sila?"

"Hindi ko hahayaang mangyari yun wife." Napalingon ako kay xander nang magsalita siya.

Nakatingin ito sa akin kaya napakunot ang noo ko lalo na ng ma'realize ko ang sinabi niya.

Nabasa niya ba ang iniisip ko?

"You said it loud." sambit niyang muli habang nakangiti sa akin.

Inirapan ko nalang siya at nagsimula na akong maglakad palabas. Buti nga't hindi pa ganoon kaamoy malansa dahil sa dugo nila.

"Patuloy ang daloy ng dugo nila. Baka maubusan sila." sambit ko nang maramdaman ang presensya ni xander sa tabi ko.

Ni hindi ko siya magawang lingunin.

Not in this kind of situation.

"Kaya nga kailangan na natin bilisan." 

Napatigil ako sa paglalakad ng pumunta siya sa harapan ko at iniangat ang mukha ko upang magkatitigan kami.

Bakit ba ang gwapo niya? Hindi mahahalatang killer siya. Damn xander. Ano bang ginawa mo sakin? Bakit nagkakaganto ako?

Marami pa ring tanong ang na'stuck ngayon sa isip ko na hindi ko magawang itanong sakanya. Hindi dahil sa natatakot akong malaman ang sagot. Hindi lang talaga ako handa sa ngayon.

Anong nangyari sayo xander? Anong nangyari sa atin?

"What do you mean?"

"There." naguluhan ako sa isinagot niya.

Pero agad ring nasagot iyon.

"Xander!" Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ang tumawag na iyon dahil boses pa lang nito ay kilalang'kilala ko na.

"Kian.." bigla kong naibulong.

Nginitian ako ni xander at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at pakiramdam ko ay bigla akong nakaramdam ng pamimilipit ng tyan.

Nakikita ko pa lang ang mukha ni kian nasusuya na ako. Remembering all bullsht things he have done to me. Nakukulangan pa ako sa nangyayari sa buhay niya ngayon. Hindi pa yun sapat kumpara sa mga nagawa niya sakin.

Pakiramdam ko sobrang sama ko pag nakikita ko siya.

"You're here?" Xander asked him na parang nagulat pa.

Mabibigat ang bawat hakbang na ginawa ni kian papalapit sa amin at bakas sa mukha niya ang pagkairita.

Ikaw ba naman kausapin at pagbintangan ng kung ano'ano ng GO, di ka ba naman mairita.

Been there. Done that.

Pero hindi naman bintang ang sakanya. Totoo yun.

Tumigil siya sa tapat namin at pinasadahan muna ako ng tingin bago binalingan muli si xander.

"Sinadya mo ba yun?" pigil ang bawat salitang binibitawan niya at tila isang pitik lang dito ay sasabog na siya.

"What? Sa tingin mo gagawin ko yun?"

Nagpalipat'lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.

Napabuntong hininga si kian.

"I'm sorry." Nagulat ako sa sinabi niya samantalang palihim na napangisi naman si xander.

Ganun lang yun? Maniniwala agad siya kay xander?

Yeah. Totoo nga ang sinabi ni xander. Hindi siya kayang pagbintangan ni kian.

Simple because they're bestfriends.

Bullshit right? Tch.

"San ka pupunta?" Pagiiba nang topic ni xander.

Napakapit ako ng mahigpit sakanya dahil nakakaramdam ako ng kakaiba.

Ayoko ng atmosphere dito.

Ayokong kasama si kian.

"Actually sinadya talaga kita. Anyway, nakita mo ba sila draven?"

Napatingin sa akin si xander kaya ganun rin ang ginawa ni kian at parang nagtataka pa.

"Speaking of." Xander said.

Nanunuyo ang lalamunan ko.Gusto ko na talaga umalis.

Mabilis ang lakad na ginawa ni draven papunta sa amin.

"Tapos na?" unang bungad niya kay kian.

"Yeah. Pero hindi nila ako titigilan."

"Damn man! Malamang naman. Bakit mo ba kasi sinabi yun?"

Argh. Pwede ba sa iba nalang nila pagusapan yan?

Malapit nang mag'bell. Dadami na ang students dito sa hallway at hindi magandang makita na magkakasama kaming apat.

Nagkibit balikat nalang si kian na halatang naiinis na.

"Nakita niyo ba sila joseph?"

Kung kanina ay ako lagi ang napapahigpit ng hawak, ngayon ay si xander na ang gumawa nun.

Hindi ko mapigilang mapayuko at matawa ng mahina.

"What's funny mei?" Natigilan ako at awtomatikong napaangat ng ulo sa sinabing iyon ni kian.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiling.

"Sabi sakin ni tristan kasama niyo siya." draven said

Tristan?

Right. Basketball teammate.

"Yup. Kanina. Pero nauna siyang umalis at bigla nalang kaming iniwan ng walang pasabi."  saad ni xander

Hindi ko akalaing mas magaling pa siyang magsinungaling kesa sa akin.

"Alis na kami. Mukhang sumasama pakiramdam ng asawa ko." Xander said while smirking.

Buti naman naramdaman niya.

Tumango lamang sila kaya nagumpisa na kaming maglakad palayo doon. Eksaktong pagalis namin ay nag'bell at nagsilabasan ang mga students.

Kita ko kung pano nila tignan at layuan si kian.

I smirked secretly. I feel different.

Ngayon nararamdaman na niya ang nararanasan ko noon.

But still, I'm not contented.

Masyado niya akong sinira noon. At gusto kong 'mas' pa ang mangyari sakanya ngayon.

"I'm sorry wife." Napatingin ako kay xander.

Tumigil kami sa harap ng gym. Maraming students ang napapatingin sa amin specially sa akin. Syempre hindi ganun kadali humupa ang chismis dito. Lalo na't maraming ebidensya sa akin noon tapos ngayon biglang malilipat lahat kay kian.

"No. Don't say sorry. I'm fine." naka'ngiti kong sambit kay xander.

"I promise. You'll get even." He said.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon