Part 49

9.8K 172 41
                                    

"Mei!" sumabay sa pagtunog ng phone ko ang pagtawag na iyon ni xander.

Napatigil ako sa paglalakad at nabalik ako sa aking sarili nang makitang numero ni mommy ang narehistrong tumatawag sa akim ngayon.

Nabuhayan ako at mabilis na binitawan ang kutsilyong hawak upang masagot ang tawag.

"Mommy!" nanginginig kong usal.

Tahimik ang kabilang linya. Tanging ihip lamang ng hangin ang naririnig ko na nagpakunot pa lalo sa noo ko.

Hangin?

"M-Mom?"

"Fvck!" nailayo ko ang phone ko tenga ko at halos maihagis ko ito ng biglang may masakit sa tenga na tumunog galing sa kabilang linya.

Ilang segundo pa bago bumalik sa tama ang pandinig ko na halos murahin ko na ang kung sino mang pinaglalaruan ako ngayon.

Hindi si mommy ang tumawag. I'm sure of that.

"Wife-" Itinaas ko ang kamay ko at iniharap sakanya upang patigilin siya sa pagsalita at paglapit.

"Meily..."

Tumindig ang balahibo ko at tila tumigil ang paghinga ko dahil sa boses na narinig ko.

"Fvck you kian!" Sigaw ko.

Sinenyasan ako ni xander na i'loudspeaker iyon na agad ko namang ginawa. Nanginginig pa ang kamay ko na halos mahulog ko ang phone mula sa pagkakahawak ko.

Isang mahaba at nakakainsultong tawa ang narinig ko sa kabilang linya.

He's playing dammit!

"Wanna hear your parents voice?" May panunutya sa tono ng pananalita niya at gusto ko nalang hambalusin siya ng kahit ano hanggang mamatay siya sa harapan ko. Sht!

"Please... Kian.." hindi ko namalayang tumutulo nanaman pala ang luha ko.

Kahit anong pagmamatapang ang gawin ko, I always end up crying like a baby and I fvcking hate it!

"Ohh.. ang matapang na si mei ay umiiyak ngayon. Why is that? HAHAHAHAHA."

Napapikit ako sa galit, kaba, sakit na naghalo na sa loob ko.

"Kian.. Don't hurt them. Please.. I'm begging.." Magsasalita na sana si xander pero inunahan ko na siya.

Garalgal na ang boses ko dahil sa labis na paghikbi.

Halos makalimutan ko na nga ang presensya ng mga kaibigan nila dito na bakas sa itsura ang pagtataka sa nangyayari.

Kasalanan nila ito.

"Really mei? You're begging? Really?" sarcastic niyang usal.

"Don't hurt the-"

"But I already did."

Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ko ang sigaw ni daddy sa kabilang linya kasama ang pagiyak ni mommy ng malakas.

Don't..

Sht! Sht! Sht!

"Kian!" sigaw ko dito.

Para akong sinaksak sa puso ng marinig ang impit na sigaw ni daddy na tila sobra sobrang paghihirap ang dinanas niya ngayon.

No. Not my dad. May sakit pa siya. No...

Hindi ko na mahabol ang hininga ko. Inagaw sa akin ni xander ang phone at mahigpit niya iyong hinawakan na konti na lang ay mawawasak na niya iyon.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon