"Is that her?""Oo! Grabe, I can't believe na magagawa niyang pumatay."
"Pity her. Isa siyang malaking kahihiyan."
"Dapat nasa impyerno siya ngayon."
"Heartless btch."
Yan.
Yan ang mga salitang kanina ko pa paulit'ulit naririnig.
Yes they were right. Isa akong malaking kahihiyan. Hindi ko alam kung kelan ito matatapos.
Napadaing ako sa sakit nang matumba ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabunggo sa akin. Nakarinig ako ng malakas na tawanan sa paligid.
Nakahawak ako sa balakang ko habang pinipilit tumayo. Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ay may tumulak nanaman sa akin. Nakapalibot na sa akin ngayon ang mga estudyante at pinagpapa'pasahan nila akong itulak.
Sht.
Nahihilo na ako at pakiramdam ko ay mahihimatay ako anumang oras.
"Aw." -mas masakit ang pagkakabagsak ko ngayon.
Bigla namang may sumabunot sa buhok ko at hinila ako patayo.
"Gaano ka ba katapang at kalakas? Sige nga patayan mo kaming lahat!" -mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa buhok ko.
Pinipilit ko alisin ang kamay niya dahil sobrang nasasaktan na ako pero hindi ko ito magawa. May humawak sa dalawang kamay ko.
"Ahhhh!"
Ramdam ko ang kirot sa tyan ko. May sumuntok sa akin at pakiramdam ko ay susuka ako ng dugo.
Tinignan ko ng masama ang lalaking gumawa nun.
"Sht." -daing ko muli.
"May lakas ng loob ka pang titigan ako ng ganyan?" -sabi nung lalaking sumuntok sa akin matapos akong hampasin sa noo.
Naiiyak nanaman ako sa sakit na nararamdaman ko.
"Bakla ka ba para pumatol sa babae?" Lahat ng tao sa paligid ko ay napatigil at napatingin sa taong dumating.
Nanlalabo ang mga mata kong tinignan ito.
"K-Kian..." -nauutal na sambit nung lalaking sumuntok at nanghampas sa akin.
What the heck? Don't tell me takot sila dyan?
Binitawan nila ako kaya napasalampak ako muli sa sahig. Napahawak ako sa tyan ko na kumikirot pa rin hanggang ngayon.
Nakarinig ako ng yabag ng mga paang papalapit sa akin.
"Umalis na kayo." -kalmado pero nay babalang sambit ni kian.
Napuno ng kakaibang aura ang paligid at wala pang sampung segundo ay wala nang estudyante sa paligid ko.
Nakakatakot nga si Kian. Yes I admit it. Pero hindi ako natatakot sa hayop na kagaya niya.
Hinawakan niya ang braso ko upang alalayan tumayo. Sinanggi ko ito at magisa akong tumayo. Nagsimula na akong maglakad palayo nang hindi siya pinapansin. Kung sakali lang ay ayoko siya makausap o kahit makita lang man.
Namumuo ang galit sa puso ko.
"Hindi ka man lang magte'thank you?"
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Misterio / SuspensoWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20