Part 48

9.6K 166 1
                                    


"What should we do now?" Hindi ako makakalma.

Fvckingsht!

Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Syempre dapat lang. Sa ginawa ko mas lalong titindi lamang ang galit nun sakin. I dont know kung nakakahalata na din ba siya kay xander at sa pagkawala ng mga kaibigan niya but hell! Hindi muna iyon ang iintindihan ko sa ngayon.

My parents.

Im fvcking sure na idadamay sila ni kian at hindi ko nakakaya ang mga imaheng lumalabas sa utak ko na maaaring magawa ni kian sa kanila.

"Wife calm down." Nabaling sakanya ang paningin ko at hindi ko alam kung bakit iba sa akin ang dating ng sinabi niya.

"I cant calm down. Fvcking cant! My family's in trouble xander. Dammit! Im scared." Tuloy tuloy ang daloy ng luha pababa sa aking pisngi.

Im being too emotional.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pinunasan niya ng palad niya ang basa kong pisngi at iningat ang mukha ko upang mapunta sakanya ang titig ko.

"I promise that I'll protect you no matter what. Hush now wife, we need to calm down at piliting wag magpaapekto dahil mas lalala lang ang lahat."

Ilang beses akong tumango at bumuntong hininga, pilit kinakalma ang sarili dahil tama ang sinabi ni xander. I'll just making it worst if I cant control myself.

Tinititigan ko ang dugong dumadaloy sa sahig papunta sa paanan ko at muntik pa akong mapatalon nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Kunot noong tinignan ako ni xander dahil sa ingay nun at agad ko namang sinagot ang tawag habang nakatingin rin sakanya.

"My?"

I heard some footsteps, at ilang kalabog sa background. Pati ang paghikbi ni mommy na hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas ang kalabog sa dibdib ko.

No..

It can't be.

"M-Mei?! Mei! a-anak?" Basag ang boses ni mommy at tila takot na takot habang naririnig ko pa rin ang ilang paghikbi niya.

"Mom-"

"Hon! Let's go!" boses iyon ni daddy.

Tingin ko'y tumatakbo sila at hindi na ako magkandaugaga dito sa kinatatayuan ko.

"MOM?! ANONG NANGYAYARI?! MOM!"

"Baby. May humahabol sa amin! Pinasok kami dito sa bahay! A-anak.."

"Mom?! M-Mom! Mommy!"

Halos itapon ko na ang phone ko ng mamatay ang tawag at malakas na kalabog na lang ang narinig ko bago mawala ang boses ni mommy.

Dammit!

"Xander!" Sigaw ko dahil sa frustration at takot na bumabalot sa akin.

What the hell is going on? Bakit umabot sa puntong ito? Mali ba ako? Mali na ba sa umpisa palang? Fvck! Goddammit mei! Ofcourse it's wrong. Fvcking all wrong! I didn't do anything kaya napunta pa sa ganitong sitwasyon ang lahat. And now that my parents are in, I'm lost.

What should I do?

I want to stop this. I'm fvcked up.

Kinuha ko ang phone ko at ilang ulit kinontact ang number ni mommy. Pero laging unattended. Nagawa ko pang makatext sakanya at tawagan ang iilang relatives namin o kung sino mang posibleng nasa bahay pero wala silang lahat na alam! At wala ring sumasagot sa telepono sa bahay, sht!

"I'm gonna kill him! I'm gonna fvcking kill him!" Nanggigigil kong sambit habang patuloy pa rin sa pagtitipa ng kung ano ano para malaman ang kalagayan nila mom at dad.

"It's kian..." nandilim lalo ang aura ko ng banggitin iyon ni xander at hindi ko alam but suddenly I feel this eager to punch him right now.

Malamang! Si kian lang ang pwedeng gumawa nun dahil wala naman ng iba ang kasali sa p*nyetang larong ito na sinimulan nila!

Nanginginig talaga ako sa galit... at sa takot na rin. Nanghihina ako pero ayoko pairalin iyon sa ngayon dahil baka ikamatay o ikapatay ko pa.

"Dapat ngayon ay tatawag na yun para iparating sayo mei." Napalingon akong muli sakanya.

Sht.

Anong ginawa niya sa parents ko? Asan na sila? Sinasaktan niya ba ito? Pano si daddy? May sakit siya. Kalalabas lang sa hospital. Anong gagawin ko? Pinapahirapan ba ni kian sila?

Napahawak ako sa ulo ko at tila mababaliw na ako sa mga tanong na lumalabas dito.

Hindi ko maatim na isipin. Ang sakit sa puso.

"Hmm..." Nanatili ako sa pagkakatayo ko nang may marinig akong ungol.

Napako ang tingin ko sa mga kaibigan ni xander na nakagapos ngayon sa harapan ko at hindi ko alam kung dapat ba akong magulat o ano nang gumalaw si joseph.

Unti'unti nitong idinilat ang kanyang mata at tila hirap na hirap pa siyang gawin iyon. Namumutla siya at dumadaloy ang dugo sa pisngi niya.

Kumunot ang noo ko at pinasadahan ko ng tingin si xander na nasa kanan ko at walang emosyong nakatingin din sa kaibigan niya.

Binalik ko ang tingin ko kay joseph ng nakakunot pa rin ng noo at kita ko ang pagkagulat niya ng tumingin siya sa akin.

Hindi pa rin gumagalaw si xander sa kinatatayuan niya.

Ilang sandali pa'y dumidilat na rin ang katabi niyang si lexis. Bahagya pang nanlaki ang mata nito ng makita ang sitwasyon niya at ng mga kaibigan niyang naliligo sa mga sarili nitong dugo.

Nagpumiglas siya at lumipad sa akin ang masama niyang tingin. Pabalik'balik sa amin ni xander na nakatayo lamang sa harapan nila ngayon.

"What the hell?"

Hindi ganon kalakas ang bigkas nun ni lexis dahil marahil ay nanghihina pa rin siya. Akala koy magigising na rin si draven pero mukhang mahimbing pa rin ang tulog nito.

Tss.

What's the wrong with me? I felt something weird inside of me.

"Gago ka xander!" ani joseph na hindi gumagalaw sa pwesto niya.

He gritted his teeth at halos makita ko na ang apoy sa mga mata nito. Ganoon rin si lexis pero hindi tulad nito ay nagwawala na siya para maalis ang pagkakagapos sa katawan niya.

"What the fvck dude? We're friends. Nababaliw ka na ba?" galit na utas ni lexis na tumigil na sa paggalaw.

Humalakhak si xander ng ilang segundo at bigla ring bumalik sa malamig ang expression nito.

"We're not friends. And will never be."

Tumaas ang balahibo ko sa tono ng pananalita niya.

"Mei? I thought you're different but I didn't know na katulad ka rin-"

"Ninyo?" Ako na ang tumapos sa sasabihin niya.

I smirked.

Blanko na ngayon ang pagiisip ko at wala akong ibang gustong gawin kundi ang maging katulad nila at ipaghiganti ang parents ko.

Gusto ko silang maubos lahat.

Nahagip ko ang kutsilyo na nasa paanan ko na nababalot ng dugo. Tinignan ko si xander na ganun pa rin ang pwesto.

Ng maramdamang walang balak gawin ito ay marahas kong pinulot ang kutsilyo at naglakad papalapit kila joseph na ngayon ay nanlalaki ang mga mata.

Para akong mauubusan ng hininga.

Sumisikip ang dibdib ko at halos wala na ako sa tamang wisyo dahil ang gulat na mukha lamang nila joseph at lexis ang nakikita ko na mas nagpapabigat pa sa sakit at galit na nararamdam ko ngayon.

I want them gone.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon