"What the fvck xander?"Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkainis nang sabihan niyan ni draven si xander. After hearing what kian said ay napatakbo kami dito sa audit.
Yes, sumunod sila draven sa akin. Syempre naman, kaibigan nila yun e. Tsk.
Naabutan namin si xander na kalalabas lamang. Medyo nagtataka pa ako ngayon kung bakit kalalabas niya lang.
Hindi ba't pagbibintangan siya sa ginagawa niya? And I'm sure na napansin na rin ng staff's even the students kung sino ang kausap ni kian nang mga oras na sabihin niya iyon.
Hindi ko talaga siya mabasa.
Lumapit si draven at kwinelyuhan si xander.
Ako naman ay nanatiling nakatayo dito na parang wala lang sa akin ang mga nangyayari.
As if I care.
Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya ngayon.
"What did you do?" galit na bulyaw ni draven kay xander.
Kaya na yan ni xander. Psh!
Mabilis na inawat naman siya nila joseph at lexis.
"I didn't do anything." kalmadong sambit ni xander.
Nakatingin lang ako sa kanila.
I don't want to interrupt, it's a boy talk anyway.
"Explain dude." lexis
"Hindi ko alam na naka'on ang switch sa loob ng audit kaya narinig niyo ang pinagusapan namin sa loob." seryosong sambit ni xander at may bahid pa ng pagaalala ang boses.
Tch.
Mukha namang na'convince niya sila draven kaya kumalma na rin ang mga ito.
Nagpaalam sila na pupuntahan lang nila si kian kaya naiwan kami dito ni xander. Pagka'likong pagka'liko nila draven ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Yinakap ko si xander ng sobrang higpit dahil sa labis na saya. Damn. Kinikilig ako sa sobrang saya ng nararamdaman ko.
He patted my head.
"You're happy, huh?" naka'ngising sabi niya.
Naka'ngiti akong tumango sakanya at mabilisang hinalikan siya sa labi.
Sorry, I'm just really happy.
Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan.
Nagtataka akong nakatingin sa pinag'gagagawa niya.
Ngumisi ito sa akin. "It's time wife. We're going to do something."
Something?
Bakit tila tumaas ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya?
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mistério / SuspenseWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20