Part 20

14.1K 280 11
                                    


I received a text message from xander. Kanina pa yun. He said na aantayin niya akong lumabas but until now, hindi ko pa rin nakikita ni anino niya.

Mabuti na rin siguro yun.

I didn't reply on his message. Bakit pa? Lumalayo nga ako diba? Nakakainis lang dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ni kian.

Napa'iling ako.

He's not serious. I hope so.

"Class dismissed." 

Tumayo agad ako at nagmamadaling lumabas ng room. Lumingon pa ako sa magkabilang side para kumpirmahin kung andito nga si xander.

Pero wala. At nakahinga naman ako doon ng maluwag.

Naglalakad ako ngayon papuntang locker ko. Hindi pa rin nawawala ang mapang'husgang mga tingin ng bawat estudyante sa akin. Napayuko ako dahil doon.

Nasa mga police na ang bagay na nakita sa locker ko at iniimbistigahan ito.

Pagkarating ko sa locker room ay may dalawang babae doon.

"Siya yun diba?"

"Yung killer?"

Napayuko ako sa sinabing iyon ng isang babae.

I'm not a killer.

"Let's go na girl. Baka isunod pa tayo niyan."

"Oo nga. Tara bilis!"

Nagmamadali silang umalis na halos magkanda'dapa na sila. There. Ganyan ang epekto ng lahat nang mga nangyayari sakin. Hindi ko na lamang pinansin ang dalawang yun.

Binuksan ko na ang locker ko at linagay ang mga dapat kong ilagay. Pagkatapos kong ilagay ay tumalikod na ako para maglakad pabalik.

Pero nagulat ako sa bumungad sa akin. 

"X-Xander..." -nanlalaki ang mga matang nabigkas ko yan.

Hindi ko siya inaasahan.

At ang isa pang nakaka'pangilabot ay ang ngiti niya. Malawak ang ngiti niya at tila kumikislap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

What's going on?

"Mei." -naka'ngiting bigkas niya at hinawakan ako sa kamay.

Hindi ako makagalaw sa kinikilos niya. He's scary.

Bigla niya akong niyakap. 

"I knew it! You don't really meant what you just said." Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ko.

"I love you wife." I don't know but...

Para akong nagising sa katotohanan dahil sa sinabi niya. I pushed him hard na halatang ikinagulat niya. Muntik pa siyang matumba sa ginawa ko.

I'm sorry xander. But this is not right. I've made my decision. At papanindigan ko yun. 

"What the hell xander? I told you to get lost right?! Just lost!"

Ito nanaman. Everytime na binabanggit ko iyan, may iba akong nararamdaman. Kahit na ganoon ang naging desisyon ko, alam ko sa sarili kong mahal ko pa din siya.

Mahal na mahal.

At umaasa akong magbabago pa yun. Para sa sarili ko. Para sa ikabubuti ng lahat.

"Kian..." -he whispered.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Kian said na babalik ka na daw sakin. He fvcking told me that!" Napa'atras ako nang makita ang tila nag'aapoy niyang mga mata.

Here he goes again.

"And you believe in him?" -natatawa kong saad pero sa loob loob ko ay para akong mamatay.

Tumingin siya sa akin at biglang napalitan ng lungkot ang mga mata niya.

Sht xander. Stop doing this to me.

"Please mei... come back to me." Nagulat ako nang may makitang tumulong luha sa mata niya.

I-I can't breath.

Ayokong nakikita siyang ganito...

Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit at bumalik sakanya.

Tumakbo ako palayo nang hindi pinapansin ang sinabi niya. At kasabay ng pagtakbo ko ay ang pag'buhos ng luha mula sa mga mata ko.

Sht. Fvcking shit!

Tumigil ako sa pagtakbo at nanghihinang napa'upo. Napahagulgol na ako sa labis na sakit na nararamdaman ko. Paulit'ulit nalang ito. Pero ganun pa rin.

Nakakainis.

"Mei." Pinigilan ko ang malakas kong hagulgol nang marinig ko ang boses niya sa likod ko.

Fvck xander! Why did you fvcking followed me?!

"Mei.. I know na mahal mo pa ako. Please.. bumalik ka na sa akin." -naririnig ko ang mga yabag ng paa niyang papalapit sa akin.

Tumayo ako pero nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya. 

"Xander... I can't. I fvcking c-can't!" -I said.

Sa bawat salitang binibitawan ko ay pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga. Hinawakan niya ang balikat ko at pinipilit akong iharap sa kanya.

"Why mei? Ano bang problema? Ako ba? Magbabago ako! Para sayo. But please.. fvcking please! Come back to me. Dammit!" Napapikit ako sa sigaw niya.

No xander... Ako ang may problema. Ako ang may kasalanan.

Kasi minahal kita.

Maling minahal kita.

Mali.

Sinanggi ko ng malakas ang kamay niyang nahawak sa balikat ko. "Wala kang kasalanan! Tigilan mo na ako!" -sigaw ko.

Nagsimula muli akong tumakbo palayo.

Palayo sakanya. 

Palayo nanaman sakanya.

Magbabago siya. Sabi niya magbabago siya. Dapat ba ako muling mag'tiwala sakanya? Paano sila kian? Sila ang dahilan kung bakit ka ganyan xander...

Sila dapat ang nagdudusa ngayon.

But fvck! Kalimutan mo nalang ako, xander...

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon