Part 24

13.4K 274 19
                                    


Nakayuko ako ngayong naglalakad sa hallway. San pa ba ako pupunta?  Eh dati kapag gantong namo'moblema ako-

Andyan si xander.

But now, I need to give some space. For the two of us.

I took a deep sigh.

Tumigil ako sa paglalakad at napahawak sa railings. Napagpasyahan kong pumunta ng CR para ayusin ang sarili ko. Nakaharap ako sa salamin pagkatapos kong maghilamos. Namumula pa din ang pisngi ko. Tsk.

Napaka'sensitive talaga ng balat ko.

Inayos ko ang sarili ko at pilit na ngumiti sa harap ng salamin.

Kaya mo yan mei.

Kayanin mo.

Hawak ko na ang doorknob para buksan ang pinto para makalabas na ako. Eksaktong pagpihit ko nito ay ang pagkarinig ko ng isang sigaw.

Napa'atras ako dahil sa labis na gulat.
Nahila ko pa ng konti ang pinto kaya naka'awang ito ng konti.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Sht. What was that?

Nakarinig ako ng ilang mabibigat na yabag ng paa. Palayo sa cr na kinaroroonan ko. Nanginginig kong hinawakan ang pinto at dahan dahang binuksan.

Sumilip ako para kumpirmahin ang nangyayari sa labas. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat sa nakita ko.

Lumabas ako ng cr.

"Stop!" -malakas kong sambit habang tinuturo ang taong nakatayo sa may dulo ng hallway.

Medyo malayo na ito sa akin. Tumigil naman ito pero hindi lumilingon.
Nababalot ng kaba at takot ang buong sistema ko.

Nanginginig akong napatingin sa taong hawak nung lalaking naka'jacket ng itim.

I-It was...

A g-girl.

Isang babaeng naka'uniform. Nakatali ang kamay at paa nito at may busal sa bibig. Marami rin siyang sugat sa katawan at sa mukha.

Don't tell me...

"X-Xander?" -nagaalangan kong tawag sa lalaking nakatayo.

Siya ang unang lumabas sa isipan ko nang makita ko kung sino yung babaeng nakatali ngayon.

Yan yung veronica.

Si xander...

Alam kong kaya niyang magawa yan dahil ganun rin ang ginawa niya sa mga nakaraang umaaway sa akin diba?

"Aahhh!" 

Napasigaw ako nang biglang hinawakan nito ang panga ko ng mahigpit. Hindi ko namamalayang nakapunta na pala siya sa pwesto ko.

Sht. "K-Kian?" -gulat kong sambit nang makita ng malinaw ang mukha niya.

Ngumisi siya sa akin.

Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. "S-Stop..." -nahihirapan kong sambit.

"I told you to stop hurting him!"  Mas diniinan niya pa ang hawak sa panga ko.

Pakiramdam ko ay makakalas na ito sa higpit ng hawak niya. Hinahampas ko ang kamay niya ngunit marahas niyang hinawakan ang dalawa kong kamay gamit ang isang niyang kamay.

"But you did it again!" Bigla niya akong sinampal nang malakas.

Napaupo ako sa sahig at agad kong hinawakan ang sumasakit kong panga. Mabilis siyang naglakas papunta kay veronica.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon