"Images can be inverted but some are virtual. Mirror is the common example when we heard the word reflection."Nakatunganga lang akong nakatingin sa kanya. Naririnig ko ang mga sinasabi niya pero parang hindi ito pumapasok sa utak ko. Hanggang tenga lang siya.
Napayuko ako at napasandal sa armchair.
"I can't afford to loose you wife."
"I can't afford to loose you wife."
"I can't afford to loose you wife."
Paulit'ulit umiikot ang mga salitang yan sa utak ko. Parang lagi kong naririnig ang boses ni xander.
Damn xander. Why are you doing this to me?
Natatakot ako sa bawat salitang binibitawan niya. Parang kasing kakaiba na. Kung dati'y kinikilig pa ako pero ngayon ay kilabot na ang nadarama ko.
I realized everything. I know. Hindi sapat na mahal ko siya. Hindi yun basehan para pumatay siya ng mga inosenteng tao.
"Ms. Laxama."
Mariin akong napapikit.
Please tears, not now.
I don't want to loose you too, hubby. But I need to. Because it's wrong. All of these are wrong.
"Ms. Laxama."
Naiisip ko palang ang posibleng mangyari pag nakipag'hiwalay na ako ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
I hope that everything will be fine.
"Ms. Laxama!"
Para akong nabingi sa sigaw na yun.
Agad akong napatayo at gulat na nakatingin sa prof. kong umuusok na ang tenga sa galit.
Oh sht mei. Daydreaming again? And worst, nahuli nanaman ako!
"What the hell Ms. Laxama?" -prof na talagang galit na.
"I'm sorry." -nakayuko kong saad.
"Are you deaf?"
Naghagikgikan naman ang mga kaklase ko.
"No sir." -still, nakayuko ko paring sabi.
"The hell your doing Ms. Laxama? For pete's sake It's class hours and yet you're sleeping?"
"I'm not sleeping sir. I just... Uhh.. Just thinking." Lalong lumakas ang tawanan ng mga classmates ko. Tsk!
"Shut up!" -sigaw ni prof kaya automatic na nagsitahimikan sila. "Were going to discuss that later Ms. Laxama, and don't ever try to escape."
Napakagat nalang ako sa labi ko at tumango. Wala na rin naman akong choice. Tss.
Xander...
Look what you've done to me.
"Ms. Laxama, matagal ko na ring napapansin na lagi kang parang may sariling mundo. What the hell is happening to you?"
Nandito ako sa office niya. First time ko 'to.
"Nothing sir. I'm just... very busy these past few weeks kaya madalas akong inaantok at may iniisip."
Alangan namang sabihin ko na pumapatay kasi yung boyfriend ko kaya nagiisip na ako ng paraan para ayusin ang lahat.
Sht diba? Edi napahamak rin ako.
And hell! Hindi ko yun magagawa. Yes lalayo ako sakanila. Pero hindi ko magagawang ilaglag sila.
No. Never.
May sinabi pa si prof na something chuchu bago niya ako pinaalis na. Akala ko tatawagan parents ko. Pagkalabas ko ng office ni prof ay nadatnan ko sa labas si xander na naghihintay sa akin. Napangiti siya nung makita akong lumabas.
And I can't help but to smile too.
"What did he said?"
Hiningi ko yung phone ko sakanya at nagumpisa na kaming maglakad.
"Uhh.."
"Did he said something that hurts you?" See?
He's possessive. Really.
I held his hands. "None. He just gave me some advices." -I said.
Ngumiti siya kaya ngumiti din ako.
Xander...
Bumibigat ang pakiramdam ko. Parang sinusuntok ang puso ko. Ayoko siyang mawala. Pero alam ko sa sarili ko na mas mawawala siya sa akin pag hindi ko ginawa ang tama.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Cr lang ako." Tumango siya at hinatid ako.
I urinate immediately. Naghugas ako ng kamay pagkatapos.
May kasabay akong babae at naghuhugas din siya ngayon. Maya'maya lang ay napansin kong nakatitig siya sa salamin pero sakin nakatingin.
Pinagsawalang bahala ko nalang. Pati mga walang kwentang bagay napapansin ko.
Pinunasan ko ang kamay ko. Dumaan na sa likuran ko yung babae.
But I frozed when I heard what she said. "Killer."
Pakiramdam ko lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Sht.
Nang matauhan ako ay nagmadali akong lumabas para sundan yung babae. I was about to run nang humarang sa harapan ko si xander.
"Done?" -nakangiti niyang sambit.
Nagulat pa ako at tumitingin sa likod niya, nagbabakasakaling makita ulit yung babae.
Damn mei.
It's her!
Siya yung nakarinig sa amin sa clinic. At iniisip niyang isa rin akong... killer?
"Hey. What's the matter?" Napatingin din siya sa likod niya dahil siguro napapansin niya akong tumitingin doon.
Hinawakan ko ang kamay niya.
Napatingin siya sakin. "Wala. Akala ko lang may tao. Let's go?" -anyaya ko sabay hila sakanya.
Hindi niya na kailangan malaman.
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Misteri / ThrillerWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20