Part 27

12.8K 275 1
                                    


Nakatapos na ako mag'palit. Nasa labas lang si xander at sabi niya ay hihintayin nalang daw niya ako. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatingin sa sarili kong repleksyon dito sa salamin.

"I..." Gusto kong bumalik sakanya.

Sigh. What now mei? Diba nga kaya siya pumapatay dahil sa pagmamahal niya sayo? Pero... Kahit naman wala na kami, ganun pa rin ang ginagawa niya. At hindi ako ang may kasalanan. Hindi na ako.

Binuksan ko ang gripo at naghilamos ako ng mukha. Matagal akong tumitig sa salamin bago ko kinuha ang panyo sa bulsa ng paldang suot ko kanina. Pagdukot ko nito ay nahulog ang palda at ang damit ko.

Binalewala ko muna ito at pinunasan nang mabilisan ang mukha ko.

Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto.

"Xander bakit ka pum-"

Napatingin ako sa taong pumasok. And I was shocked na makitang isang babaeng student iyon.

Halata sa mukha niya ang pagtataka. Damn. Sabi ni xander hindi muna siya magpapapasok? Nalipat ang tingin niya sa sahig at biglang nanlaki ang mga mata niya.

Napatingin din ako doon. Fvck!

Mabilis kong kinuha ang mga damit kong nahulog kanina. Ohsht!

She saw it!

Alam kong nakita niya dahil ang nakalabas mismo ay yung part na may bahid ng dugo.

"B-Blood stains?" -nauutal at halata sa boses niya ang pagkakaba.

Mabilis akong umiling. "N-No... It's just a... Uhmm..." Wala akong masabi.

Ghad mei! Think! Tumingik siya sa akin at parang saglit na nagisip. Bahagya siyang napaatras at itinuro ako.

"Ikaw yun! Yung s-supect ngayon sa mga crime na nagyayari." -nanginginig niyang usal.

Sht?
May bago nanaman. At hindi iyon maganda.

Tumakbo ako palapit sa kanya at tinakpan ang bunganga niya. I don't want to hurt her but... Mas lalo siyang masasaktan kung hahayaan ko siya dahil alam kong sila xander ang gagawa ng paraan para mahuli siya.

Nagpupumiglas siya kaya nahihirapan akong hawakan siya. Hinila ko siya palayo sa pinto. Magsasalita na sana ako para pakalmahin siya nang bigla niyang inapakan ang paa ko at siniko ako sa tyan.

Nabitawan ko siya at namimilipit kong hinawakan ang tyan ko. Damn that girl! Mas lalo siyang mapapahamak sa gagawin niya. Mabilis niyang binuksan ang pinto at tumakbo palabas. Nang maka'recover na ako ay hinabol ko siya palabas.

"Mei?"

Napamura ako sa isipan ko nang makita si xander sa harapan ko.

What the hell?

"Ang sabi mo magbabantay ka dito!" -naiinis kong sigaw sakanya. Mukhang nagulat siya sa inasal ko.

"I-I'm sorry. May kumausap kasi sakin kaya pumunta lang ako sa may hagdan saglit." -pagpapaliwanag niya.

Napa'padyak nalang ako sa sobrang inis. Hindi ako nagagalit dahil sa may nakahuli sa akin at maaaring isumbong ako nito na magpapadagdag sa mga evidence na ibinibintang sa akin. Nagagalit ako dahil nararamdaman ko nanamang may mamatay ulit.

At iniiwasan ko lamang mangyari yun. "What happened? May pumasok ba?" -xander.

Tinignan ko lamang siya nang nakakunot ang noo at ibinaling na muli ang paningin ko dun sa babaeng tumatakbo. Sumisigaw ito habang tumatakbo.

Deym.

Napansin niya atang sa iba ako nakatingin kaya napalingon din doon si xander.

Kumunot muli ang noo niya."Don't tell me-" -hindi ko na siya pinatapos at nagsimula na akong tumakbo.

Luckily dati akong kasali sa track and field kaya nasanay na rin akong mabilis tumakbo. Biglang nadapa yung babae. Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Naabutan ko siya at tinulungan ko siyang tumayo. Pero sinanggi niya ang kamay ko at itinulak ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nasa gilid ako ng railings. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya kaya huli na nang makahawak ako sa may railings.

Napapikit na lamang ako at hinihintay ang pagbagsak ko sa field. Dammit! Nasa 3rd floor ako!

I don't wanna die.

"Mei!"

Napadilat ako ng mata nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni xander sa beywang ko.

Nanginginig akong umayos ng tayo. "Sht!" -malakas na mura ni xander at hinarap yung babae.

Doon ay para akong natauhan at mabilis kong hinawakan si xander sa braso. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya at muling tumingin sa akin.

"No." -mahina kong sambit.

Humarap siya saakin nang nakakunot ang noo.

"No? What the fvck mei? Muntik ka nang mahulog!" -nanggagalaiting usal niya.

Napabuntong hininga na lamang ako sa inasal niya. Galit nanaman siya.

"Xander? Hindi porket girlfriend mo yang killer na yan ay sa kanya ka pa kakampi. She's an idiot pyscho kill-" Hindi na pinatapos ni xander yung babae at mabilis niya itong sinakal.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Nagpupumiglas yung babae at alam kong hindi na ito makahinga. Namumula si xander sa galit.

"Don't you dare call her an idiot nor a killer, you btch!" Napalingon ako sa paligid namin upang kumpirmahin kung may tao ba o wala.

Nagsisimulang mamuo ang pawis ko sa noo sa sobrang kaba. Namumula na yung babae at ang hina na nang pagpumiglas niya. Nauubusan na talaga siya ng hininga. Hinawakan ko ang kamay ni xander.

Naga'apoy ang mga mata niyang tumingin sa akin. Napa'atras ako sa takot.

"P-Please... stop i-it." -nanginginig kong sabi.

Mukha naman siyang natauhan at biglang binitawan yung babae. Hindi naman magkanda'ugaga yung babae sa paghahabol ng hininga.

Lumapit sa akin si xander at hinaplos ang mukha ko.

"I'm sorry." -mahina at kalmado niyang usal.

Napayuko ako upang umiwas sa tingin niyang nakakapag'pabilis ng tibok ng puso ko. Nang maka'recover naman yung babae ay nanghihina itong naglakad palayo.

"I'm g-gonna tell this to e-everyone." -nahihirapan niyang sabi.

Ilang beses muna siyang nagbuntong hininga bago nagmamadaling tumakbo. Nagkatinginan kami ni xander.

Oh no. This is not good.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon