"Wife. Bili lang ako pagkain."Tumango ako kay xander. Nagsimula na siyang maglakad palayo para bumili. Sumunod sakanya sila draven at naiwan kami dito sa table ni kian.
One word. Awkward.
Bakit kasi hindi nalang din to sumamang bumili? Epal e. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit hindi ako makatingin sakanya. Kinuha ko ang earphone ko sa bag para maibsan ang kakaiba kong nararamdaman. Hindi ako natatakot sakanya. Hindi na.
Sinaksak ko ito sa magkabila kong tenga at pipindutin na sana ang play sa phone ko nang magsalita siya.
"You're doing good." Napatigil ako. Anong ibig niyang sabihin?
"Ginawa mo ang gusto ko." Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay at matawa sa sinabi niya.
Yes. Tumawa ako.
Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko at ibinalik ito sa bag ko bago ko siya tinignan. Kita ko ang pagkunot ng noo niya.
I smirked. "Wag kang umaasa na ginawa ko yun para sayo." I calmly said. Nakakatuwa talagang makita siyang naasar at naguguluhan.
Damn you kian. Kung kaya lang kitang patayin ngayon ay ginawa ko na.
Nawala ang kunot sa noo niya at napalitan ng isang ngisi. Kahit nagtaka ako sa kinilos niya ay hindi ko pa rin inaalis ang ngiti sa labi ko. Hindi ako papatalo.
"I don't care kung hindi para sakin. At least ginawa mo." sabi niya sabay kindat sa akin.
Jerk.
I can't help but to rolled my eyes.
Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko.Calm down mei. Wag kang papaapekto. I composed myself for a second bago ko siya nginitian muli.
Isang matamis na ngiti.
Muli nanamang nagiba ang ekspresyon niya at ramdam kong naasar na siya. Tsk. Mukhang nababaiktad na ang lahat.
"What's with the face bro?" napangisi ako sa sinabing iyon ng bagong dating na si joseph.
Nakabalik na pala sila.
"Is there something wrong wife?" -hinawakan ni xander ang kamay ko.
Lumingon ako sakanya ng nakangiti at umiling. Palipat'lipat ang tingin niya sa amim ni kian.
"Tahimik niyo?" -draven
Napailing nalang ako at nagsimula nang kumain. Hindi ba nila nararamdaman? Tss.
Nakaka'kalahati na ako sa kinakain ko nang bulungan ako ni xander.
"May pupuntahan tayo wife." Nagtataka ko siyang nilingon pero ngumiti lamang siya sa akin.
Ngiting may kahulugan.
Hinigit na niya ako palayo at nagpaalam sa mga kaibigan niya na sasamahan niya lang daw akong mag'rest room. Bakit niya sinabi yun? Pati sa mga kaibigan niya maglilihim siya?
Hindi na lamang ako nagtanong at hinayaan nalang siyang higitin ako. Naglalaro lang ako sa phone ko habang hila hila niya ako ditong naglalakad sa hallway. Ayaw niya rin naman ako kausapin at mukhang seryoso siya ngayon.
Natatawa rin ako dahil feel na feel niya pa ang paghawak ng shoulder bag ko. Para tuloy lang bakla.
"Wife." napalingon ako sakanya
Nginuso niya ang pinto na nasa harapan namin ngayon. Hindi ko namalayang kanina pa kami huminto sa paglalakad.
Tinignan ko ang pinto at naguguluhan kong binaling ang tingin ko muli sakanya. Anong meron?
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Misterio / SuspensoWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20