Kanina pa palakad'lakad si xander dito sa harapan ko. Hindi siya mapakali. Tss. Ngayon kaming dalawa na ang sabit sa problemang si kian dapat ang umaayos.Tinawagan niya kasi si kian kanina pagka'alis na pagka'alis nung babae. Ang tapang din kasi nung babae e. Nakakainis.
"Dude!" -napalingon kami sa tumawag na iyon.
Nandito na sila.
Nalipat ang tingin ko kay kian na nakapamulsa at chill na naglalakad. Lakas ng apog nitong lalaking ito. "Asshole." -naibulong ko.
"Wife?" -nagtatakang usal ni xander.
Napatingin ako sakanya at ganon rin pala siya sa akin. Narinig niya kaya?
"N-Nothing." sabi ko
Ano naman kung narinig niya? Dapat ngang matuwa pa ako.Biglang kumunot ang noo niya at napatingin bigla kay kian. Bumaling ulit ang tingin niya sa akin.
"Stop staring at him wife." -kalmado pero may babalang sambit niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko dito sa sahig at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Xander kasi-"
"Anong problema?" -It's kian again at hindi na ako natutuwa sa biglaan niya laging pagsulpot. Argh!
Napatingin sakanya si xander pero mabilis niya ring binalik ulit sa akin ang tingin niya.
"Mamaya." -sabi niya sabay taas ng kamay para pigilan si kian.
Muli niyang hinawakan ang kamay ko.
"What is it wife?" -may ngiti sa labi niyang tanong. Hindi na ako nag'aksaya pa ng panahon. Kailangan malaman ni xander.
"Si kian ang-"
"Ms. Laxama please go to the dean's office now." Napatingin kami ni xander sa speaker. Sht! Hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko.
"Bro, I think kailangan na natin kumilos."
Tumango siya at nagsimula nang maglakad habang hawak ang kamay ko.
"Nandito lang ako lagi sa tabi mo wife." -mahinang sabi sa akin ni xander. Palihim akong napa'ngiti sa sinabi niya.
Damn xander. Ito nanaman, bumibilis nanaman tibok ng puso ko.
Pagkarating namin sa tapat ng dean's office ay agad hinawakan ni xander ang doorknob. Pinigilan ko siya.
Teka- Ano bang ginagawa niya? "Sasama ako sa loob wife." Kunot noo ko siyang tinignan.
"No. Ako lang."
"Pero may kasalanan din ako." Napabuntong hininga ako.
"Dude. Kailangan pa nating makita yung babae." Napatingin kaming dalawa kay draven.
"Kayo nang bahala dun." -sabi ni xander sabay pihit sa doorknob.
Pero bago niya pa mabuksan ay may tumawag sa pangalan niya.
"Xander. Pinapatawag ka ni coach." Mahina siyang napamura.
"I'll be back." -sabi niya sa akin at tuluyan nang umalis.
Itutulak ko na dapat yung pinto para makapasok ako pero biglang hinawakan ni kian ang kamay ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nabalot ng itim na aura.
Hindi ako tumingin sa kanya at hinhintay na lamang ang susunod niyang sasabihin.
"Look what you've done. Dinamay mo si xander." Napatiim bagang ako sa sinabi niya.
What the fvck?! So, kasalanan ko pa?
"Ikaw ang may kasalanan nito." -sabi ko nang hindi siya nililingon.
"I told you what I want right?" Hindi ako kumibo.
Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Biglang tumaas ang balahibo ko.
"Do it. Bago pa mahuli ang lahat."
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Gizem / GerilimWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20