dedicated to shangtey
Napatingin ako sa relo ko.Nagkakagulo ang buong school. Mabilis na kumalat ang apoy sa kwartong iyon na pati ang katabi nitong mga silid na nadamay na.
Nagtatakbuhan ang lahat ng studyante dito sa hallway at sobrang ingay dahil sa sigawan at tilian ngunit hindi pa rin nawawalan ang pagchi'chismisan.
Kami lang ata ni xander ang chill na naglalakad dito kasabay ng mga nagkakagulong mga studyante. May nagsidatingan na ring pulis at bombero para imbistigahan at patigilin ang apoy.
Hindi pa rin mawala ang kaba na nararamdaman ko.
"Ano nang gagawin natin xander?"
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Hindi na muling tumawag si kian at naiinis na ako dahil kahit isa ay wala akong hint kung saan niya maaaring dalhin sila mommy. Bullsht.
"Wala ba siyang nasabing kahit ano? O may narinig ka bang kakaiba?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
Napaisip ako sa sinabi niya at binalikan ang naging usapan namin kanina ni kian.
Narinig na kakaiba? Bukod sa hagulgol ni mommy at pagsigaw ni daddy...
"What do you mean?"
Bumuntong hininga siya. "Wife, any sounds? Mga bagay sa paligid or something na maaaring makagawa ng ingay?"
Napatingin ako sa dumidilim na langit. Hindi ko alam kung dahil ba sa magaalasais na o dahil uulan. Nagtindigan ang mga balahibo ko ng biglang umihip ng malakas ang hangin kaya hindi ko maiwasang mapahawak sa braso ko.
Natigilan ako.
"What?" lumipat ang tingin ko kay xander na huminto din na nasa harapan ko.
Hangin.
Tama. Nang walang nagsasalita kanina nung sinagot ko ang tawag ay tanging ang pagihip lamang ng hangin ang narinig ko. So...
"Do you think nasa paligid lang sila?" hindi ko maiwasang mapatanong.
Nagtataka ang mga mata niyang sinagot ako, "I think so. Wala akong ibang lugar na maisip na pwedeng puntahan ni kian maliban dito sa school-"
Rooftop.
Tumakbo ako at hindi na hinitay pa ang kasunod na sasabihin ni xander. Ilang beses niya pa akong tinawag but dammit I have no time to explain. Naririnig ko ang mga yabag ng paa niya na maaaring sumunod siya sa akin.
Hindi ko pinapansin ang bawat tanong niya dahil masyadong occupied ang utak ko ngayon at hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko. Ano nang nangyayari sakanila? Sobra na ba silang nasasaktan sa kung anong ginagawa ni kian? Okay lang kaya si daddy? Hindi kaya siya atakihin nalang bigla?
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mystère / ThrillerWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20