dedicated to shangtey
"Aw." -daing ko at napahawak sa ulo ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at nilibot ng tingin kung nasan ako ngayon.
Sht. What happened?
"Wife." -napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.
Tumakbo ako papalapit kay xander at yinakap siya ng sobrang higpit. Bakit ganun? Bakit may nararamdaman akong kaba?
Tinitigan ko siya. "What happened by?" -nagaalangan kong tanong.
Kakaiba yung nararamdaman ko e. Parang may nangyari na nakalimutan ko.
Nginitian niya ako. "Nothing. Wag kang mag'alala, okay lang ang lahat." -niyakap niya ako.
"By..."
"Wag mo lang akong iiwan dahil mahal na mahal kita. At handa akong pumatay para sayo." -bulong niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko.
Tumaas ang balahibo ko.
Imbes na kiligin ako sa sinabi niya ay parang iba ang epekto nito sa akin. Napa'bitaw kami sa isa't isa nang biglang may pumasok dito sa clinic. Ang mga kaibigan niya.
Napansin ko ang kakaibang tingin ni kian sa akin.
"Stop staring at her kian." -kalmado pero ramdam mo ang galit sa tono ng pananalita niya.
"Just thank me bro." -naka'ngiting sambit ni kian kay xander.
Thank him? For what?
Naguguluhan akong tumingin kay xander. He closed his fist.
"Okay? May nangyari ba? May nakalimutan ba ako?" Hindi ko na napigilang sumabat.
Nakakainis. Ramdam ko e. Para talagang may nangyari kanina! Tsk. Imposibleng may amnesia ako. Hindi naman ako nauntog.
"Bigla kang nahimatay kanina pagkatapos mo kaming tanungin kung nasan si xander." -paliwanag ni draven.
Napaisip ako. Yah. I remember. Nakita ko nga sila hallway pero hanggang dun lang ang naalala ko.
"Ahhhhh!"
"Omaygaad!
"It's christine!"
Napatakbo agad ako palabas ng clinic nang makarinig ako ng nagsisigawan. Hinarang ni draven ang isang estudyanteng lalaki.
"Anong meron?" -draven
"M-May namatay nanaman daw. Sa building 6!" -sabi nung lalaki at nakisabay na sa takbuhan.
Kinilabutan ako sa narinig ko.
May namatay... ulit?
Tinignan ko si xander.
Iniisip ko na mag'aalala siya at kakabahan din katulad ko pero- nakapamulsa lang siya at prenteng nakatayo na parang walang narinig.
Ngumisi siya. "X-Xander?" Sumeryoso ang mukha niya at tumingin sa akin.
Umiling nalang ako at hinawakan ang kamay niya para magsimula ng maglakad papunta sa bldg. 6. Ayokong magisip ng iba.
Hindi tama.
Hindi yun magagawa ni xander.
Hindi talaga.
"Excuse." -sabi ko habang pilit sumisiksik para makapasok sa isang abandonadong classroom dito sa bldg. 6
Pero pinigilan ako ni xander. "Hindi ka papasok." Tinignan ko siya ng masama kay bigla niyang binitawan ang kamay ko. Tsk.
Takot siyang nagagalit ako. Ganyan niya ako kamahal. Pero minsan napapaisip ako sa mga ginagawa niya.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ang 3 bangkay ng estudyante sa mismong harap ko.
S-Sila... sila yung mga nakabangga ko nung isang araw. Bakit?
P-Pano nangyari to?
Muntik na akong ma'out of balance nang may humawak sa braso ko at hinigit ako palabas.
Ang pugot nilang mga ulo...
Ang mga dugong nag'kalat...
"They deserved that."
Hindi ko alam kung nagiilusyon lang ako o totoong narinig ko talaga yun.
"No one can hurt you wife. I promise." niyakap ako ni xander.
No...
Bakit ba ganito ang iniisip ko? Fvck mei! Normal lang naman siguro sa boyfriend ang pagiging protective right?
Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at nagpaalam na magc'cr muna. Nagmadali akong tumakbo papuntang 2nd floor sa cr ng girls.
Napasandal ako sa pader.
"No mei. Hindi yun si xander." -bulong ko sa sarili ko.
Bumuntong hininga ako.
"Mahal ako ni xander kaya hindi niya yun magagawa." -bulong ko ulit sa sarili ko.
"Yeah-" Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko.
It's Kian.
"Yun nga e. Sobra ka niyang mahal, kaya hindi imposibleng makagawa siya ng pagkakamali." -sabi niya at tumalikod na para umalis.
Hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Ayokong maniwala. But sadly-
He's right.
----------
A/N: Hi sa naka'mention! *kaway kaway* Leshee. Ang ganda niya 'daw', sexy pa, tapos miss na miss ko na siya. Magkikita pa tayo kasi yung lasagna ko pa💕 Labyuuu.
ps, sapilitan dis. hahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/87281550-288-k625271.jpg)
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Misterio / SuspensoWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20