Part 35

12.5K 251 7
                                    


Hinawakan ko ang kamay ni xander para pigilan siyang tawagan si mom.

Umiling ako sakanya. He sighed.

"Ayoko na siya mag'alala pa." sabi ko habang nakahiga ako ngayon sa hospitel bed.

Sa ibang hospital kami.

Rinequest ko iyon kay xander dahil ayokong makita ako ni mom ng ganito. Masyado na siyang stress ngayon. Ayoko nang dagdagan pa.

Nabalot kami ng katahimikan.

Ewan ko. Siguro dahil sa panghihina ko kaya wala ako sa mood ngayon makipag'asaran kay xander. Kanina pa umalis sila kian at naiwan kaming dalawa dito.

Hindi naman malala ang nakuha ko. Nagkaroon ng pasa yung binti ko at mabuti nalang ay walang internal bleeding. Hindi ko pa kaya tumayo.

Pano na yung plano namin ni xander?

Tumingin ako kay xander at ganoon rin pala siya sa akin. Magkatitigan lamang kami. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako.

Nakakatawang isipin na sa tingin lang ay nagkakaintindihan na kami.

Lumapit siya sa akin upang halikan ako. Pagkatapos nun ay lumayo din siya agad nang hindi naaalis ang ngiti sa kanyang labi.

Shet.

Nabitin ako dun. Nagiging kissaholic na rin ako, nahahawa na niya ako!

Maya maya pa'y biglang may pumasok na nurse.

Nginitian ito ni xander at ganun rin ang nurse bago lumapit sa akin at inayos ang dextrose sa kamay ko. Napakunot noo ako dahil doon.

Kelan pa siya natutong ngumiti sa ibang babae maliban sakin?

At bakit parang naiirita ata ako?

Lumapit sa akin si xander at hinawakan ang kamay ko.

"By.. can you do me a favor?" mahina kong usal.

"Again? Ofcourse wife. Anything for you." sabi niya sabay halik sa kamay kong hawak niya.

Napatingin ako sandali sa nurse na may inaayos pa rin at ibinalik ko rin agad ang tingin ko kay xander.

Parang nagniningning ang mga mata nitong naka'tingin sa akin.

Nakaramdam ako nang kakaiba sa puso ko.

Mas lalo ko syang minamahal sa ginagawa niya.

"Don't kill them...."

Magsasalita na sana siya nang unahan ko siya.

"Not now." pagpapatuloy ko.

Ang kaninang kunot noo niya ay napalitan ng ngiti.

Kakaibang ngiti.

Lumapit ang nurse sa akin at may inenject na hindi ko alam kung ano. Magre'react na sana ako nang hawakan ng mahigpit ni xander ang kamay ko.

Ilang sandali lang ay nakaramdaman na ako ng pagka'antok. Lumuluwag na rin ang pagkakahawak ko sa kamay ni xander.

At bago pa ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

"Okay wife. I'll spare his life for a meantime. Take a rest. I love you."

At tuluyan na nga akong nakatulog.

---

*Third person's POV*

Pagkatulog ni mei ay agad ring tumayo si xander.

"It takes 5hrs. sir." -nurse.

Tumango lamang siya dito at tumalikod na para umalis. Muli niya pang sinulyapan si mei na mahimbing na natutulog bago isara ang pinto.

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon