Part 4

21.8K 465 6
                                    

dedicated to AnnaTillah 


Nanginginig akong pumunta sa library. Para akong nawawala sa sarili. May mga bahid ng dugo ang pantalon ko pero hindi ganun kahalata dahil itim ito. Depende nalang kung tititigan mong mabuti.

Hindi ako mapakali.

Paulit'ulit nagfa'flash sa utak ko ang mga nangyari. Mahilig ako manuod ng mga brutal movies pero hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag live na. Pero ang mas nakakakilabot talaga sa nangyari, ay konektado nanaman sa akin yung namatay.

Siya yung lalaking nakabangga sakin. At sa tuwing nagfa'flash sa utak ko ang mukha nung killer na naka'mask ay hindi ko maiwasang isipin-

Xander...

Ipinilig ko ang ulo ko.

Kailangan ko na nga siguro siya tanungin. At mas kailangan kong ihanda ang sarili ko kapag ang sinagot niya ay hindi--

o Oo.

Hindi pa ako nakakapasok sa library nang may humila sa akin.

Si Kian.

Nagpumiglas ako. "Ano ba? San moko dadalhin?" -naiinis kong tanong.

Hanggat maari ayoko munang nakikita sila dahil kaibigan sila ni xander. At hindi imposibleng may kinalaman din sila.

Tumigil siya sa paglalakad at tinanggal ang jacket niya. Tinali niya ito sa bewang ko.

"Masyadong halata. Siguro kung walang patayan na nangyayari ngayon, iisipin kong tinagusan ka lang." -mahinahong sabi niya sabay hila ulit sa akin.

Namutla ako.

"N-Nakita mo?" -nagaalala kong tanong.

Isusumbong niya kaya ako? Pero wala akong kasalanan.

Hindi siya umimik sa tanong ko. Napapansin kong paingay ng paingay ang daan na tinatahak namin. Nanlaki ang mata ko ng makitang papunta kami 'doon'. Pinagkaka'guluhan ng mga estudyante ang bangkay nung lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang naulit lang ang lahat. Hinigit ko ang braso ko sa pagkakahawak ni kian ng sobrang lakas kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"H-Hindi.. A-Ayoko dito. Sorry." -sabi ko at tumalikod na.

Pero sa pagtalikod kong yun ay nakita ko yung babae na nasa cr kanina.

Gulat siyang napatingin sa bangkay na pinagkakaguluhan ngayon. Dahan dahan akong naglakad ng hindi niya mapapansin. Alam kong sariwa pa rin sa isip niya ang nakita niya kanina.

"Mei." -tawag sakin ni kian.

"Ano bang problema mo? Hayaan mo akong umalis. At bakit mo ba ako dinala dito?" -naiinis kong tanong.

"Lahat ng estudyante nandito. Hindi ba mas kahina'hinala kapag may nakakita sayong magisa at puno ng dugo ang pantalon?" -naka'ngising bulong niya sa akin.

Para akong biglang na'bato sa kinatatayuan ko.

"Pinaghihinalaan mo ba ako?" -kinakabahan kong tanong kay kian.

Umayos siya ng pagkakatayo. "No. Btw, pinahahanap ka kasi ni xander sakin." -sabi niya habang nakatingin sa iba.

Si xander...

Hinawakan ko ang kamay ni kian para iharap siya sa akin. 

"Magkasama ba kayo ni xander kanina?" -seryosong tanong ko.

Tinitigan niya ako sa mata.

"Yes. Simula kanina pagkatapos ka niyang ihatid." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

Akala ko...

"K-Kilala mo ba yung ... k-killer?" -hindi ko alam pero yan ang biglang lumabas sa bibig ko.

Ramdam ko ang pananahimik niya kaya tinignan ko siya.

Magsasalita na sana siya nang biglang may humatak sa braso ko. Inis kong tinignan ang taong yun at ganun nalang ang gulat ko nang makitang siya yung babae na nakakita sakin sa cr kanina.

Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya.

"Ikaw yun diba?" -mahina pero may halong galit niyang bigkas.

Hinatak ko ang braso kong hawak niya. "Ano bang p-pinagsasabi mo?" -nauutal kong tanong.

Nilibot ko ng paningin kung nasan kaming banda ngayon.

Naka'hinga ako ng maluwag nang makitang nasa dulo pa lang kami ng hallway at walang katao'tao dito maliban saming tatlo dahil lahat ng estudyante ay halos nandun sa may bangkay. Pero hindi pa rin ako dapat pakampante.

"Nakita ko. Y-Yung dugo sa mga kamay ko kanina sa cr." -sabi niya.

Nanginginig akong umatras. "H-Hindi. Wala akong kasalanan." -sabi ko habang paulit'ulit na umiling.

Hindi ako yon.. Hindi..

"Sasabihin ko to sakanila!" -sabay turo sa kumpulan ng mga estudyante sa may bangkay.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

N-No..

Tinulak niya ako para makadaan siya. Hihilahin ko na sana siya ng may humigit sa kamay ko at niyakap ako.

"X-Xander..." -nagaalangan kong bulong.

"Shhh." -sabi niya habang hinihimas ang ulo ko.

Nagpumilit akong umalis sa pagkakayakap niya.

"Yung babae. Kailangan kong pigilan yung babae." -sunod sunod kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa ibang direksyon. Mabilis siyang naglalakad. Lumingon ako sa likod ko para kumpirmahin kung nasan ng yung babae.

Pero iba ang nasaksihan ko. "K-Kian..." -kinakabahang bulong ko.

Nakita ko ang pag'ngisi ni xander.

"He's a true friend." -naka'ngiti niyang bigkas. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

H-Hindi... Hindi p-pwede...  

My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon