"Anong ginagawa niyo dito?" I heard a familiar voice.Napadilat ako dahil doon. Nagmumula ang boses na iyon sa labas. Naka'awang nang konti ang pintuan at may konting liwanag na ang pumapasok dito sa loob.
"Uhmm... Ano..." -natataranta yung babae.
"Ano bang pakialam mo?" -yung lalaki. Nanlaki ang mata ko dahil sa inasal niya.
Tsk. Wrong move.
"Leave." -ma'awtoridad na banggit ni xander.
Yes. It was xander.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang marinig ko ang boses niya. Dumating siya.
"Angas mo ah! Sayo ba 'to?" -may pagkairitang sambit nung lalaki.
Napangiwi ako sa tinuran niya. Kating'kati na akong lumapit sakanila at pigilan sila kaso... Napatingin ako sa likuran ko kung saan nandoon ang natatakpang bangkay ni veronica. Hindi ako pwedeng magpakita.
"Just leave. Or I will tell this to-" -hindi na siya pinatapos nung babae.
"W-Were leaving. I'm sorry for that." -nanginginig nitong sambit.
Nakarinig ako ng ilang yabag ng paa. Mukhang umalis na nga talaga sila.
Biglang sumara ang pinto at nakarinig muli ako ng yabag ng paa.
Don't tell me?
Tumakbo ako papalapit sa bintana. Malayo na yung mag'syota. Pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko ang isang pigura ng lalaking naglalakad habang nakapamulsa.
Sht. Xander!
Tumakbo ako sa may pintuan upang lumabas at habulin siya. Kaso napatigil ako nang maalala na may bahid nga pala ng mga dugo at suot ko ngayon and to think na mahahagip pa rin ako nung mag'syota pag bigla nalang akong lumabas.
Natataranta kong kinuha ang phone ko sa bulsa. I dialed his number again habang nakasilip ako sa bintana.
Nakakalayo na siya. No xander. Don't leave.
"Mei? Where the fvck are you?! Kanina pa ako paikot'ikot sa buong campus!" -natataranta din siya. Ako dapat ang mas mataranta diba?
"Nasa isang classroom ako-"
"Classroom? Maraming classroom mei!" -tumataas na ang boses niya.
Hindi pa nga ako tapos e.
"Sa classroom kanina na papasukan san-" -hindi nanaman ako pinatapos.
"On the way." Biglang niyang in'end yung tawag.
Bastos rin.
Palakad'lakad lang ako dito habang hinihintay si xander. Hindi pa ako dapat pakam'pante ngayon pero nabawasan ang bigat na nararamdaman ko kanina.
Napatigil ako sa paglalakad at sa di maipaliwanag na dahilan...
Napangiti ako.
After what I did to him. Pagkatapos ng lahat na masasakit na salitang sinabi ko sakanya... Nandyan pa rin siya pag kailangan ko nang tulong.
"Mei?" -napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
It was xander.
Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan habang palinga'linga. Madilim kasi sa may bandang kinatatayuan ko kaya siguro hindi niya ako makita. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
Mistério / SuspenseWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20