dedicated to Baeby05
"Kawawa naman sila rachel. Hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila."
"Oo nga e. Siguro sobrang saya nung killer ngayon."
"Baka nakakapaglibot pa yun ngayon dito sa school. Gosh!"
"Ang creepy naman niyang naiisip mo."
Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway. Ganyan pa rin ang usapan ng halos lahat ng estudyante dito. Narinig ko kanina na wala talagang kahit na anong makitang pattern o trace ang mga pulis tungkol sa killer.
Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mga posible pang mangyare.
Nakarinig ako ng tawanan.
Sht. Ang sakit ng pwet ko. May bumangga sakin. Bakit lagi nalang akong nababangga?
"Magde'day dream na nga lang, sa gitna pa ng hallway" -nakangising sabi nung lalaking bumangga sakin.
Tumalikod na sila at naglakad paalis.
"Mei!" -napatingin ako sa taong tumatakbo papalapit sa akin ngayon.
Xander..
Inalalayan niya ako tumayo at pinulot ang mga gamit ko.
"Aray ko." -sabi ko habang nakahawak pa rin sa pwet ko. Grabe sakit bumangga nung feeling cool na lalaking yun.
"Sht. I'm gonna kill that bastard!" -nanggigil na sabi ni xander. Bigla akong kinilabutan.
Iba talaga ang epekto ng mga sinasabi niya.
Parang-
totoo...
"Chill. Kasalanan ko." -sabi ko sabay hawak sa braso niya.
Tumingin siya sa kamay kpng nakahawak sakanya at nakita ko kung pano nag'bago ang kaninang nag'aapoy niyang mga mata.
Ngumiti siya sakin. "Let's go. Ihahatid na kita sa room mo." -sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Napa'ngiti ako, Mahal ko siya. Hindi ko maisip kung anong mararamdaman ko pag nalaman ko ang totoo.
Sana nagkakamali lang ako.
"Hindi ka naman seryoso sa sinabi mo diba?" Tumigil kami sa paglalakad at nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Alin?"
"Yung papatayin mo sila." -diretsong sabi ko habang nakatingin sa mata niya.
Ilang segundo siya nanahimik bago ngumiti sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Pumasok ka na sa klase mo." -sabi niya sabay bigay sakin ng gamit ko at hinawakan ang magkabila kong balikat.
Hinarap niya ako sa pinto ng classroom namin.
"I love you." -bulong niya sabay halik sa pisngi ko. Tumalikod na siya para umalis. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
Anong ibig sabihin nun?
Pumasok na ako sa klase nang makita ko ang prof kong papalapit.
"Mei. Hindi ka sasama samin?" -tanong ni lea.
"Nope. Hahanapin ko si xander." -nakangiti kong tugon at nagpaalam na.
Kanina pa ako hindi mapakali. Halos hindi ako naka'concentrate sa tinuro ng prof ko. Napag'desisyunan kong puntahan muna ang locker ko dahil nabibigatan ako sa dala ko. Nilalagay ko ang mga gamit ko sa locker nang biglang may nagsigawan.
Nanginig ako. Ano nanaman bang meron?
Nagmadali akong iligpit ang gamit ko bago nagmadaling maglakad pabalik sa bldg. Hindi pa ako nakakalayo sa locker ko ay napatigil ako.
T-Totoo ba tong nakikita ko?
Palihim kong kinurot ang sarili ko nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat. Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko. Pag dilat ko ay hindi ko inaasahan ang muli kong makikita.
Napa'atras ako.
Nandun siya...
Yung killer.
Nakatayo ito sa gitna ng hallway at ramdam kong nakatingin ito sa akin. Napalunok ako sa nakikita ko.
"W-Wag..." -mahinang sambit ko.
Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang sabihin yun. Halos matumba na ako sa kinatatayuan ko dahil sa labis na panginginig.
Nakatayo siya...
Habang hawak ang isang lalaking hubo't hubad at tila hinihila niya ito kanina pa. Nagkalat ang maraming dugo sa sahig. Hindi na magawang makakilos nung lalaki dahil sa sobrang dami nitong sugat sa katawan. Mas lalo pang nakadagdag sa kilabot na nararamdaman ko ang bibig niyang tinahi. May hawak na kutsilyo ang killer at tinapat niya ito sa leeg nung lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko. "N-No.."
Napaupo ako nang ginilitan niya ng leeg ang lalaki.
H-Hindi..
Ngumiti siya sa akin at biglang tumakbo paalis. Tumayo ako at sinundan siya.
I dont know.
Kailangan kong malaman kung sino yun.
Nadulas ako malapit sa lalaking wala ng buhay ngayon dahil sa dugong natapakan ko. Nanginginig kong tinignan ang kamay kong napupuno na ngayon ng dugo. Tumingin ako sa paligid.
Wala dapat makakita sakin dito. Tumayo ako at nagmadaling pumunta ng cr. Damn mei. What did you do? Habang naglalakad ay hindi pa rin maalis ang kabang nararamdaman ko. Paulit'ulit bumabalik sa isipan ko ang nakita ko. Hindi pwede.
Muli akong napatingin sa mga kamay ko na napupuno pa rin ng dugo. Binilisan ko ang paglalakad papuntang cr. Bubuksan ko na sana ito nang biglang may babaeng nagbukas nito at papalabas na. Mabilis kong tinago ang kamay ko sa likuran ko at pilit na nginitian yung babae. Ngumiti siya at naglakad na paalis.
Napabuntong hininga ako. Akala ko mahuhuli na ako. Pumasok ako sa loob at daling hinugasan ang kamay ko. Biglang kumalabog ang pinto ng isang cubicle at halos atakihin ako sa puso sa sobrang gulat.
Tagatak ang pawis ko.
Tumabi sa akin ang isang babaeng estudyante para maghugas din. Napatingin siya sa lababo na gamit ko at biglang kumunot ang noo niya. Sht. Bakit ba ang tagal mawala nung tubig? Nang ma'satisfied na ako ay umalis ako agad at iniwan ang babae na nakatanga pa din.
Napansin niya kaya? Hindi pwede.
Wala akong kasalanan.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Xander...
BINABASA MO ANG
My Possessive Killer Boyfriend (COMPLETED)
غموض / إثارةWhat does it feel to have a possessive killer boyfriend? Highest rank #1 - Mystery category 05/22/20