CHAPTER 1

138 0 0
                                    

                    Nagising ako ng biglang narinig ko na tumunog ang cell phone ko, nag alarm kasi ako para magising ako ng maaga kahit na 5:30 n ng hapon. Pang gabi kasi ang trabaho ko. Ako nga pala si Cherry Vicente isang chef sa isang restaurant sa Makati, bata pa lang ako mahilig na akong mag imbento ng kung ano-anung putahe basta masarap at pasok sa budget sobrang natutuwa na ako. kaya naman ginawa ko ang lahat para makapag aral ng culinary kahit na grumaduate ako sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship. kahit papaano naman nakapagtrabaho din ako bilang isang office staff sa tatlong company pero sa loob lang ito ng isang taon. Marahil wala wala talaga sa isip ko ang tumandang nakaupo lang sa isang office chair habang nakaharap sa monitor ng computer habang may kausap sa telepono at patuloy sa pagtipa ng keyboard, para saakin napaka boring non. sa madaling salita ayoko maging isang hardworking na office staff sa isang company na puro office work ang ginagawa. Masaya ako sa amoy ng sibuyas at bawang sa aking mga kamay, masaya ako sa amoy ng usok ng mga nasusunog na taba sa grill station at masaya ako sa amoy ng mga naghahalong herbs sa mga platong na iiserved sa mga loyal costumer ng restaurant ko.

                         Dali-dali akong bumangon at naligo, nagbihis ako ng jeans at isang white plain shirt habang tinali ko lang ng simple ang mahaba kong buhok. naglagay lng ako ng light make up para naman hindi ako mag mukhang white lady sa Balete Drive. tumungo ako sa kusina at kumuwa ng lemon juice at kumuwa din ako ng sliced bread. dali-dali ko na inubos ang lemon juice at patakbong tinungo ang drawer upang kunin ang susi ng kotse ko, kagat-kagat ko pa rin ang tinapay habang sinisimulan ng paandarin ang kotse ko. Ako lang ang nakatira sa condo dahil ang pamilya ko ay nakatira sa Nagpayong Pasig City. may dalawang bahay kami doon. nagsumikap kasi ang mga magulang namin para na makapag patayo ng bahay, at masaya kami dahil nakamit nila iyon. Pangalawa ako saaming apat na magkakapatid, Busy kami sa mga napili naming career kahit yung dalawang magkasunod ay nag aaral pa lang sa kolehiyo. Si ate Zharina ang panganay saamin isa syang General Manager sa Ortigas, Si Catherine naman ang sumunod saakin. Malapit na syang grumaduate sa kursong General Pyschology at ang bunso namin na si Noli Jr ay kumukuwa ng kursong Computer Eng. 2 years pa bago sya makapagtapos.

                       Habang binabagtas ko ang Shaw Boulevard biglang nag ring ang phone ko, rumihstro ang pangalan ni karen isa sa mga matalik kong kaibigan.

                    "yes may dear? kamusta bakit ka napatawag ha!"  masayang bulalas ko sa kanya

                   "hey Cherry, kung maka-kamusta ka naman dyan parang hindi tayo nagkita ng barkada kahapon ."   sagot nya saakin

                   "alam mo naman ako basta pag dating sa inyo mabilis ko kayo  namimiss" sambit ko sa kanya.

                   "oh well cherry, gusto ko lang mag pareserved sa restaurant mo dahil yung isa kong katrabaho eh mag-papadespidida, syempre pinag malaki ko ang restaurant mo no!" pag mamataray nyang sagot.

                     "and so? as long as na magbabayad kayo, why not diba...hahaha welcome na welcome kayo.." pang aasar kong sagot sa kanya.

                     "hahaha naku cherry yun na nga hindi mo naman siguro ikakapulubi kung hihinge ako ng discount sayo para saan pa't naging magkaibigan tayo?" seryosong sagot nya,

                        "ganun talaga ang banat? ang galing mo talaga...basta ba hindi ako malulugi eh why not hahaha so pano? magkita na lang tayo mamaya dear" bulalas ko.

                         "hahaha sige...sige..see you Cherry..Bye..

Makulit talaga si karen kahit saksakan ng yaman yan gusto pa rin nya lagi sya nakakakuwa ng discount. owner sya ng isang company sa Shaw at her young age ay may business na rin sya. Pasado 7:30 na ako nakarating sa KICHIZA Restaurant, abala na ang mga staff ko sa kanya-kanyang trabaho, labas pasok na rin ang mga loyal costumers ko. habang ang totoong action ay nagaganap na sa loob ng kitchen. kinausap ko muna si Dolly ang Asst. Chef ko para i-Discuss ang mga idadagdag sa menu para sa reservation ni karen, kung trust lang ang pag uusapan eh punong puno ako nyan. lalo na sa mga staff ko. naging smooth lng ang takbo  ng negosyo. Masaya ang mga taong kumakain habang pinag uusapan ang ambiance n kanilang nakikita sa loob ng restaurant ko.

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon