sobrang napapaisip ako kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsusulat ng story na ito,,, pero dahil sa gusto ko talaga na makita ang kalalabasan nito, heto ako at nakaharap ngayon sa monitor at nag ty2pe ng panibagong chapter.... ;)
sana magustuhan nyo.....
_____________________***************************************____________________________
Tulala pa rin ako habang naglalakad pauwi ng bahay, pilit ko pa ring pinapaintindi sa utak at puso ko na yung taong mahal ko ay may mahal nang iba....at hindi ako yon....
ngunit sa ginagawa kong ito, mas lalo lang lumalakas ang agos ng luha sa aking mga mata,
ano nga ba ang magagawa ko kung sobrang naapektuhan ang puso ko sa mga nangyari....sobrang mahal na mahal ko kasi sya eh....
halos dumilim na nga ang paningin ko dahil sa sobrang pamamaga ng aking mga mata,
pinilit kong kalmahin ang sarili ko at hinawi ang buhok ko upang matakpan ng bahagya ang aking mga mata, mahirap na baka mahalata pa nila mama,
pagdating ko sa bahay, wala akong naabutang tao, hindi pa sila mama nakakauwi galing trabaho, mukang nag overtime, kaya naman mabilis akong umakyat sa kwarto,
nanatili lang akong nakahiga at patuloy na umiiyak, biglang sumagi sa isip ko na , dito na talaga magtatapos ang lahat,,wala naman akong karapatang agawin at ipaglaban sya dahil sa umpisa pa lang hindi naman sya naging akin,
saaming dalawa ako lang ang wagas na nagmamahal sa kanya, wala akong karapatan para ipagkait sa kanya kung ano ang magpapasaya sa kanya ng lubos....
sobrang bigat ng pakiramdam ko gusto ko na ngang maglaho na lang bigla para mailayo ako sa katotohanang pilit pinagsisiksikan saakin.
nang kumalma ako, mabilis akong bumangon kinuwa ang isang kahon at pilit pinagkasya ang mga gamit na hininge ko kay kuya...halos pumutok na nga ang karton sa dami...alam ko kahit papaano eh gagaan ang loob ko, halo luminis ang kwarto ko dahil sa mga kalat na naalis ko...oo kalat na ito para saakin,
simula noon, tuluyan ko na syang iniiwasan, kapag nakikita ko sya sa corridor, ako na mismo ang lumilipat ng direksyon kahit sobrang mapalayo pa ako ng daan, kahit sa cafiteria hindi na rin ako doon kumakain...kapag nakikita ko sya sa tagpuan namin before hindi na ako tumutuloy,
pero aminado naman ako na paminsan-minsan na co2rner nya pa rin ako, pero gumawa ako ng dahilan para lang mabilis maputol ang aming paguusap. halos maubusan na nga ako ng dahilan para lang makaiwas sa kanila at sa kanya....
mas maganda na ang ganito kaysa nman paasahin ko pa ang sarili ko...dahil kahit papaano may maliit na percent, i mean malaking percent sa puso ko na umaasa pa rin ako,
habang naglalakad ako, nagulat na lang ako nang may humatak saakin, halos mapasigaw na nga ako dahil sa sobrang pagkabigla,
"che, may problema ba tayo?" biglang bulalas ng taong nakakapit sa braso ko...oo si kuya nga ang pangahas na humawak saakin
'ano ka ba naman kuya, bitawan mo nga ako nagugulat ako sayo," pagulat kong sagot sa kanya..
ngunit mas lalo nya lang hinigpitan ang pagkakahawak ny saakin..
"kuya ano ba,, tinatakot mo na ako, nasasaktan na kaya ako sa hawak mo," pagpupumiglas kong sagot sa kanya..
"sagutin mo muna ako kung may problema ba tayo? ramdam ko na iniiwasan mo ako"
"oo malaki ang problema nating dalawa, kasi ikaw napaka manhid mo, hindi mo man lang maramdaman na mahal na mahal kita, at ako napakatanga ko dahil nagmahal ako sa isang taong walang pakialam sa nararamdaman ko." ito ang patuloy na naghuhumiyaw sa utak ko.
"problema? tayo? wala tayong problema," nauutal kong sagot sa kanya
naramdaman ko na lang na lumuluwang na ang hawak nya saakin. nakita ko rin na nawala ang tension sa kanyang mukha...
"sorry ha, pasensya na kung napahigpit ang kapit ko, natakot lang ako na baka galit ka saakin kaya hindi mo ako pinapansin, " biglang banat nya
"marami lang akong ginagawa, Kaya gnun," sabay ngiti sa kanya ng pilit.
malamang kung ibabato ako sa ilog, lulutang ako dahil sa sobrang kaplastikang taglay ko.
bigla na lang syang lumapit saakin at niyapos ang braso ko, para syang bata sa ginawa nyang pag hilig sa balikat ko,
"tara kain tayo, libre kita,"
nagulat ako sa ginawa nya, kaya mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko simula pa kanina...gosh!!! nasa proseso pa ako ng paghihilom sa sugat na ginawa nya tapos nag-uumpisa na nman sya.
mabilis kong tinanggal ang kamay nya..
"ano ba yan, ang bigat mo kaya"
mabilis kong dinukot ang cell phone ko at nag fake call ako, para makaiwas sa kanya, ayoko sumama sa kanya...hindi ko kaya...
"hello? ma! uhm...saan? ngayon na? wala na tapos na klase ko....wala naman.. sige papunta na ako"
tumingin ako sa kanya...nakita ko ang lungkot sa mukha nya...
"sorry, next time na lang" mabilis akong lumakad, ni hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nya, basta bigla na lang akong umalis, muntikan na naman akong bumigay sa kanya...buti na lang nakaisip ako ng paraan...
tulad ng naunang plano kailangan ko pa rin syang iwasan, ngayon mas naging maingat ako, sinisigurado ko na wala sya sa paligid. mahirap na.
halos 2-3 months ko na syang hindi pinapansin,buti na lang din busy na ang batch nila sa kung ano-ano dahil malapit na ang graduation nila, kaya kahit papaano naging madali ang pag-iwas ko, lumipas ang pasko at new year na hindi ko sya nakausap, walang exchange gift ang naganap sa pagitan namin, bui na lang napilt namin sila mama na magbakasyo ng quezon at doon mag celebrate.
binago ko na ang sarili ko, hindi na ako nag mamake-up, hindi na rin ako nagsusuot ng mga dress at high heels na mga sapatos, tinago ko na rin ang mga shoulder bag na meron ako at ang matindi sa lahat pinagupitan ko na ang mahaba kong buhok..halos naiiyak pa nga ako sa salon nung nagpagupit ako eh, pero dahil sa ginusto ko to, tinanggap ko na lang, tutal part din ito ng pag move on ko sa kanya...kahit alam ko na hindi naman naging kami..
at dahil sa pag-iwas ko, naramdaman ko na mas lalo syang gumagawa ng paraan para kausapin ako...
_________________________****************************************_______________________
>>>>kaunting indayog na lang malapit na matapos ang flash back na ito,,,ahahaha ;)
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...