CHAPTER 34

37 0 0
                                    

~~~JHOJHO’S POV~~~

“HELLO?! Lou? Nasabi ko na sayo ang plano ko, siguro naman pwede ko na malaman kung ano naman ang plano mo? Ano babalik ka ba ng Pilipinas? Alam mo naman na matutuwa si Cherry kapag nakita nya.”

“so gusto mo na ako ang regalo mo kay Che? Ganun? Pinag-iisipan ko pa nga…. Ok sige! Uuwe na ako! Oo na!”

Ito ang huling pag-uusap namin ni Marylou, common friend namin ni Che, nasa Canada kasi siya, at alam kong alam nya ang lahat tungkol sa nakaraan namin ni Che.

Abala ako ngayon dahil araw na lang ang bibilangin bago ang big event!

Makikipag-kita ako ngayon sa event coordinator, para sa proposal na gagawin ko.

May mga dala syang sample ng mga bulaklak, para sa décor.

Kahit yung mga simpleng bagay na yun ay importante saakin dahil gusto ko maging perfect ang lahat.

Kanina ko pa tinatawagan si Andrew pero out of coverage daw, hind ko alam kung saan sya naglululusot.

Nangako sya na tutulong saakin kaya nilulubos ko na ng sobra.

Andrew, pare! Makikipagkita ako ngayon Ms. Kim, yung event coordinator, sa dating lugar pa rin, ano ba sasama ka pa ba?” text ko kay Andrew.

Mabilis akong nakarating sa isang restaurant.

“good day Mr. Fugido”

Hindi ko inaasaham ma ganito sya kaaga,

“pinaghintay ba kita?”

“naku sir, hindi po halos kadarating ko lang din.”

”kamusta naman po sir? Malapit na po ang proposal nyo, kinakabahan na po ba kayo?”

“oo nga eh! sobrang kabado ako, oh ito na ba yung mga bulaklak?”

“yes sir! Base po kasi sa sinabi nyo, lilies po ang klase ng bulaklak na gusto po ni ma’am, ito po yung mga kulay na magandang i-match sa decorations, naisip ko rin po na  baka pwede pa tayo mag-add ng ibang klaseng bulaklak. Ok lang po bas a inyo?

“oo, ok lang saakin…”

“tapos sir, yung sa… excuse me sir, sasagutin ko lang ang tawag saglit” bigla syang napahinto dahil nag-ring ang phone nya.

“go…go ahead” mabilis syang umalis sa harap ko.

Pinagmasdan ko lang ngayon ang mga bulaklak na nasa harap ko, at lihim na napapangiti.

excuse me?” nanatili pa rin ang ngiti ko ng nilingon ko ang taong nasa gilid ko.

Ganun na lang ang tindi ng gulat ko ng makita ko si Cherry na nakatayo sa gilid ko.

Shoot! Alam ko na, malamang si Andrew na naman may gawa nito, ano ba gusto nya mapatunayan?

“anong ginagawa mo dito?” pagtatakang tanong ko sa kanya, halos pag-pawisan na ako ng sobra pero ito pinipilit ko pa rin maging kalmado.

Yun na! sinabi na nya, si Andrew nga ang may gawa. Pinilit kong umarte, umarte na wala akong pakialam sa kanya. Kahit halos gusto ko na sya yakapin.

Naging matalas ang mga pananalita ko, pero na nanatili pa rin syang kalmado, tumatawa sya pero alam ko namang pilit lang ang mga iyon. Alam ko naman na masasakit ang mga salitang lumalabas ngayon sa mga labi ko, pero buo pa rin ang loob ko na itago sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

Ang dami kong sinabi, pero puro kasinungalingan lang ang lahat, sianbi ko na naka move on na ako, na tanggap ko na nawala na talaga akong pag-asa, sinabi ko na hindi ko na sya guguluhin, sinabi ko na madali lang palang kalimutan ang isang tulad nya at nagpapasalamat ako dahil nalaman ko kung hanggang saan lang talaga ako sa buhay nya.

Bakit ko to ginagawa>?

Dahil gusto ko ng umalis sya,

Mas nahihirapan akong labanan ang nararamdaman ko ngayon lalo na at kaharap ko na sya, ang lapit-lapit na nya saakin.

Shit talaga! nasobrahan ako sa mga sinabi ko, heto sya ngayon at umiiyak sa harap ko, medyo gumigilid na rin ang mga luha ko.

Tumingin sya saakin ng buong tapang, habang pinipigilan nya ang pagluha, ngayon bumalik na si Ms. Kim, nakita ko kung paano nya sipatin ng tingin si Ms. Kim. Mabilis syang tumayo sabay upo naman ni Ms. Kim.

“enjoy your date!” mabilis nyang turan saakin, shit sabi na nga bay un ang iisipin nya.

Mabilis syang lumakad palabas, pinilit kong tiniis na hindi sya habulin.

Nakita ko ang pagtataka sa mata ni Ms. Kim,

“sorry…let’s proceed” at nagpatuloy pa rin sya sa pag-sasalita kahit na ramdam ko na naguguluhan sya sa eksenang na naganap kanina.

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon