THE BIG EVENT…
~~~Andrew’s POV~~~
Ano pa ba ang role ko dito? Ang guluhin at patarantahin ang kaibigan ko. Ngayon alam ko na! magiging positive ang outcome ng paghihirap namin.
Dahil umamin na si Che na gusto nya pa rin ang bespren ko, oh diba! Tama! Drama nga lang yun,
Tsk…tsk…tsk…
Mahal naman pala nila ang isa’t-isa pero heto at nag iinarte pa sila.
Tulad ng naisip ko, oplan pakabahin si bespren, malamang sa bawat sulpot ni Che…todo ang kabang nararamdaman non…
At yun ang maganda doon…
Heto at pag-tritripan ko na naman silang dalawa…
Tama! Mamaya na ang BIG EVENT ng buhay nilang dalawa…
Kaya naman bago pa mag-iyakan mamaya…magpapakasaya muna ako…
Pagtatagpuin ko na naman sila, tignan ko lang kung paano haharapin ni bespren to…
Kahit papaano bilib din ako sa kaibigan kong to, aba hanggang ngayon natatago nya pa rin kay Che ang bonggang proposal na gaganapin mamaya…
At ang nakakamangha pa eh, sa dami ng pagkikita nila eh. natitiis nyang hindi mag-propose…kahit sabik na sabik na sya…
Magkikita sila ulit para magkaalamanan na…kahit alam na naman na may pag-asa si Jhojho, syempre ginamit ko na naman ang pang best actor kong pag-arte…yun nga lang inihahanda ko na ang mga paghihiganti nila saakin pag katapos nito…
~~~JHOJHO’S POV~~~
sobrang kabado na ako…halos hindi na normal ang pagkabog ng puso ko…alam ko naman na mahal nya pa rin ako at dahil yun sa mga sinabi nya saakin nung lasing sya…pero hindi talaga maalis sa sarili ko ang kabahan… sana naman ito na to…
masyado nang pagod ang puso nya sa maraming bagay…at sana mapawi na iyon at maibsan na…
mamaya na ang big event ng buhay ko…maisasagawa na rin namin ang matagal na naming pinagplanuhan…at sana maging maganda ang resulta…inihahanda ko na ang sarili ko para tapatin na syang muli…at mamayang gabi na yun…
“jo? Pare? Kita naman tayo? May sasabihin lang ako…sa dating tagpuan bro!”
Mabilis kong hinanap ang no. ni Andrew…
“hello?! Pare? Nagpapatawa ka ba? alam mo namang kabado na ako…gusto mo pa makipagkita saakin? At magkikita naman tayo mamaya?”
“ito naman si Jhojho! Saglit lang naman to! May sasabihin lang ako sayo? Malamang pagkatapos ng proposal mo baka hindi na kita makausap sa sobrang kaligayahan mo dahil sinagot ka na ng babaeng pinaka-mamahal mo!”
“naku lang talaga! mag tila anghel ka sana! At sana naman pare importante talaga yang sasabihin mo dahil kung hindi….”
“oo na…wag ka umarte dyan…para ka pang babae kung mag-papilit eh! ahahaha…sige na…papunta na ako…bilisan mo din ha…”
Inayos ko na ang sarili ko kahit blangko ang utak ko sa paandar ni Andrew…ang daming alam…
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo na habang tinatantsa ang oras sa relo ko…anong petsa na…sinabi na kasi doon na lang nya ako kausapin eh…
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...