CHAPTER 16

44 1 0
                                    

“so may something talaga sa inyong dalawa noon pa man?”

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Julius,

“shhh.. wag kang maingay!”

“so meron talaga? Ano meron ba?” halos labas na ang gilagid ni Julius sa kakahintay ng isasagot ko sa kanya.

“pwede ba, walang namagitan saamin..as in wala… (sabay hawak sa kamay nya) tara na magpakita ka na kala mama, wala pa ba yung iba?”

Lumakad kaming dalawa habang sinisipat ang paligid parang akala mo may tinanataguan, well meron naman talaga kaya hindi ako mapanatag eh!

Maya-maya ganun na lang ang tindi ng gulat ko ng may yumapos saakin, nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga ng mapagtanto ko na sila Karen na pala iyon!

Ano ba kasi problema ng mga tao ngayon sa paligid ko ang hilig nilang magsiyapos saakin, hai talaga naman.

Sabay-sabay ko silang hinatak papunta kala papa, ngunit nakita ko na kausap nila mama ngayon si kuya jhojho kaya naman mabilis ko ulit hinatak silang lahat papunta sa ibang direksyon.

Yun nga lang basag trip si Dave!

“tito andito na kami!” gusto ko tuloy batukan si dave, ang ingay kasi, aun sabay-sabay lumingon si papa, si mama at si kuya, SHOOT TALAGA!

Hindi ko na sila napigilan, isa-isa silang bumati ng happy birthday kay papa ngunit nakatitig sila kay kuya.

Bigla na lang hinatak ni Karen ang suot kong damit at pilit na tinatanong kung sino ba daw yung lalaking nasaharap nila ngayon. Sapat na ang lakas ng boses nya para marinig ni mama.

“nak, hindi mo pa ba pinapakilala si kuya mo sa kanila?” biglang bulalas ni mama

Ang tanong bakit ko pa sya ipapakilala eh hindi na naman na kailangan. Tinignan ko lang si kuya sabay inirapan.

“tsk..”

“mga iha at iho, si Jhojho nga pala, kababata nila yan,galing L.A, malapit na magkaibigan yang dalawang yan,” sabay nguso saakin.

Nakita ko na lang na nakipag-kamay na sila kay kuya, ngunit si Julius talaga hindi nakatiis na hindi mag salita.

“basta ako kilala ko na sya..uhm..kaibigan ba talaga! I don’t think so…” buti na lang hindi masyado narinig nila mama baliw talaga to..

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi tumingin kay kuya, ngunit ng magtama ang aming mga mata mabilis akong yumuko at umiwas.

“ma, hatid ko lang sila sa catering area ha,”

Bigla ko na silang hinila dahil hanggang ngayon nakatitig pa rin sila kay kuya…

“emz, Karen, juls, ruth, tara na, nauna na sila bryan oh,” mabilis kong tawag sa kanila ngunit ayaw pa rin nila kumilos.

“ah, kuya jo, tara ho sabay na po kayo saamin,” pag-anyaya ni Julius.

Ano ba to si Julius! Hindi nya ba nahahalata na iniiwasan ko ang taong gusto nyang isama… naku naman talaga. Sumasakit na ugat ko sa ulo ko.

Ano ba kasi eksena nitong lalaking ito, wala na ba syang ibang kasama at pakalat-kalat sya dito,nakakainis hindi talaga ako mapanatag.

Diba dapat sa loob ng 6years na hindi ko sya nakita dapat naka move on na ako, nakakainis lang kasi hindi ko alam kung ano ang nararapat na reaksyon ko. Wala talaga akong hint. Halatang-halata na ang pagiging bitterness ko at ang malupit hindi naman talaga kailangan.

Kinalabit ko si dave,

“dave, iwan ko lang kayo saglit ha,” at mabilis akong lumakad hindi ko alm kung saan ako pupunta.

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon